Karaniwang pahirap sa mga kababaihan ang pananakit ng puson. Kung minsan pa nga bukod sa masakit ang puson ay kasabay nito ang pakiramdam na parang natatae. Bakit nga ba ito nangyayari?
Maraming iba’t ibang rason kung bakit nakararanas ng masakit ang puson at parang natatae ang mga babae. Maaaring dahil sa buwanang daloy o kaya naman ay mas seryosong kalagayan.
Talaan ng Nilalaman
Bakit sumasakit ang puson at parang natatae?
Ang pananakit ng puson ay tinatawag ding pelvic pain o lower abdominal pain in English. Ito ay ang pakiramdam ng pananakit sa ilalim ng belly button at ibabaw ng legs. Maraming maaaring dahilan kung bakit ito nangyayari sa mga babae.
Menstrual Cramps
Unang-una na syempre ang buwanang struggle ng mga babae, ang pagkakaroon ng regla. Madalas na nararamdaman ito sa ibabang bahagi ng puson. Karaniwang tumatagal ng isa hanggang tatlong araw ang masakit na puson na tinatawag ding dysmenorrhea.
Sumasakit ang puson dahil sa build up ng lining ng tissue sa uterus tuwing nireregla ang babae. Normal ding may kasamang pakiramdan na parang natatae ang masakit na puson tuwing nireregla.
Ito ay dahil sa hormone-like substance na pino-produce ng katawan – ang prostaglandins. Dumadaloy rin sa dugo ang prostaglandins kapag marami nang na-produce ang katawan at nakakaapekto rin ito sa ibang muscles sa katawan tulad ng bituka. Kasabay nito ay maaari ring makaramdam ang babae ng pagsakit ng balakang, likod, at puwet.
Irritable bowel syndrome
Nagdudulot ang irritable bowel syndrome (IBS) ng masakit na puson at tiyan na may kasamang pakiramdam na parang natatae. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang constipation, diarrhea, at bloating o kabag.
Kadalasang nawawala din naman ang pananakit matapos dumumi. Tinatawag din itong spastic colon. Mahalagang magpakonsulta sa iyong doktor kapag nakakaramdam ng masakit na puson na may kasamang iba pang sintomas ng IBS.
Kidney stones
Nagkakaroon ng kidney stone o urinary stones ang isang tao kapag nagkaroon ng build up ng salt and minerals sa kaniyang urinary tract o sa daanan ng ihi.
Nagdudulot ito ng masakit na puson at parang natatae. Dagdag pa rito, maaari ring makaramdam ng pananakit ng pelvis at lower back ang taong may kidney stones.
Bukod sa mga nabanggit na sintomas, makikitaan din ng pagbabago sa kulay ng ihi ang taong may kidney stones. Karaniwang pink o mamula-mula na may dugo ang ihi ng may kidney stones.
Ectopic Pregnancy
Nangyayari ito kapag na-implant ang embryo sa labas ng uterus at doon ito lumaki. Ang pagbubuntis sa labas ng matris ay maaari ring magdulot ng masakit na puson na parang natatae.
Karaniwang sa fallopian tubes nabubuo ang embryo sa kaso ng ectopic pregnancy. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang matinding pananakit ng puson, pagdurugo sa ari, pagkahilo, at pagsusuka. Life-threatening emergency ang ectopic pregnancy at nangangailangan ito ng agarang pagkonsulta sa doktor.
Endometriosis
Karaniwang sintomas ng sakit na ito ang masakit na puson at parang natatae. Ang endometriosis ay tumutukoy sa pagtubo ng tissue sa labas ng uterus.
Ang tissue na ito ay tulad ng tissue na nagla-line sa loob ng uterus ay nagbre-breakdown o shed tuwing nireregla ang babae. Dahil sa labas ng uterus o matres tumubo ang tissue, hindi makakalabas sa katawan ng babae ang na-breakdown na tissue.
Dahilan para makaranas ng matinding pananakit ng puson ang babae. Karaniwan mang hindi ito banta sa buhay ng babae, pero maaari itong maging dahilan para mahirapang magbuntis ang babae.
Appendicitis
Matatagpuan ang appendix sa lower-right abdomen. Ang impeksyon sa appendix na tinatawag na appendicitis ay maaaring magdulot ng masakit na puson na parang natatae.
Kung nakakaranas ng matinding pananakit ng puson na may kasamang pagsusuka at lagnat, agad na kumonsulta sa doktor. Maaaring sintomas ang mga ito ng appendicitis.
Pelvic inflammatory disease
Ito ay infection na nagdudulot ng pagka-damage ng surrounding tissue ng matris. Nangyayari ito kapag ang bacteria mula sa ari ng babae o cervix ay nakapasok na sa matris.
Karaniwang komplikasyon ito ng sexually transmitted infections tulad ng chlamydia o gonorrhea. Bukod sa masakit na puson at parang natatae, maaari ring makaranas ng iba pang sintomas ang babae na apektado ng sakit na ito.
Ilan sa mga sintomas nito ay pagdurugo sa ari at abnormal vaginal discharge. Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay maaaring maging dahilan ng infertility sa babae.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor?
Mahalaga ang pagpunta sa iyong doktor at pagpapakonsulta kung may suspetsa ka na infection ang dahilan kung bakit sumasakit ang iyong puson. Bukod pa rito, importante rin na ipaalam sa iyong doktor ang kalagayan kung makaranas ng iba pang sintomas tulad ng:
- matinding sakit
- pagdurugo ng ari
- hindi normal na vaginal discharge
- pagsusuka
- lagnat
- pagkahilo
Normal na makaranas ng pananakit ng puson at parang natatae tuwing may buwanang dalaw ang babae. Subalit kung mararamdaman ang sintomas na ito nang wala namang regla mas makabubuting magpatingin sa inyong doktor. Ang paggamot ay depende sa diagnosis kung ano ang dahilan ng nararamdaman.
BASAHIN:
Masakit na tagiliran? 14 na posibleng dahilan at gamot para rito
Gamot at remedy sa masakit na puson at parang natatae
Ginger
Apple Cider Vinegar
Chamomile Tea
Water
Heat pad
BRAT diet
Exercise
Ilan sa mga maaaring gawin para maiwasan ang pelvic pain o abdominal pain:
- regular na mag-ehersisyo
- uminom ng maraming tubig
- kumain ng masusustansiyang pagkain
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.