Masamang epekto ng gadgets sa kalusugan, konektado sa pagkakaroon ng eating disorder ng mga bata ayon sa pag-aaral.
Sa henerasyon natin ngayon, hindi na bago sa ating mga mata ang batang may hawak ng cellphone at malayang gumagamit ng internet. Dahil rito, patuloy ang pagpasok ng bagong mga impormasyon sa kanilang utak na nagpapataas din ng oras ng kanilang screen time.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang Binge Eating Disorder?
- Masamang epekto ng gadgets sa kalusugan ng mga bata
- Paano makontrol ang screen time ng iyong anak?
Oo, may benepisyo naman kahit papaano ang paggamit ng gadgets ng mga bata. Subalit huwag nating kalimutan na mayroon din itong flip side. Base sa isang pag-aaral, ang labis na pagkababad ng mga sa screen time ay maaaring magdala ng mental health problem.
Ang pag-aaral na ito ay nakalimbag sa International Journal of Eating Disorders. Nakita nila ang pangunahing panganib na dala ng social media sa mga bata. Dito nalaman na maaaring ma-develop ng mga batang nasa 9-10 years old ang binge-eating disorder.
Ano ang Binge Eating Disorder?
Ang Binge eating disorder (BED) ay isang karaniwang uri ng eating disorder. Naaapektuhan ng kondisyong ito ang 2% ng mga matatanda sa buong mundo at nagdadala ng emotional distress. Ang mga taong may BED ay kumakain ng madaming pagkain sa maiksing oras. Saka makakaramdam ng pagkahiya o guilt pagkatapos.
Sa kasamaang palad, ang mga taong nakakaranas nito ay walang kontrol sa kanilang kinakain. Ayon pa sa ibang eksperto, hirap silang tumanggi o pigilan ang sarili na kumain.
Ang pag-aaral na ito ay pinangunahan ni Jason Nagata, MD. Dito nila nalaman ang koneksyon ng screen time sa eating disoder.
- Tumataas ng 62% ang risk ng mga bata sa pagkakaroon ng binge eating disorder sa bawat oras na nadadagdag nila sa social media.
- Hindi naman nalalayo ang pagtaas ng 39% risk factor ng pagkakaroon ng eating disorder sa mga bata sa bawat oras na nadadagdag nila sa panonood ng TV o ibang palabas.
Isa pang pag-aaral ang naidagdag sa usaping ito. Dito napagalaman na ang malaking sample ng Singaporean adults at nagpositibo sa pagkakaroon ng eating disorder.
BASAHIN:
6 na litrato ng bata na hindi dapat pinopost sa social media
Ganito ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata para sa kaniyang learning at development
Masamang epekto ng gadgets sa kalusugan ng mga bata
Kasama sa pag-aaral na ito ang data ng 11,025 na bata mula 2016-2019. Naging parte rin sila ng nakaraang pag-aaral ng Adolescent Brain Cognitive Development Study.
Tinanong ang mga batang nasa edad 9-11 years old kung gaano katagal ang kanilang screen time sa TV, social media at texting. Kasama ring tinanong ang kanilang mga magulang tungkol sa binge eating behavior. Dito inaalam kung may nakikita bang characteristics ng labis na pagkain o anumang related sa distress.
Ayon kay Nagata, narito ang naging resulta ng pag-aaral:
- Pagkakaroon ng distraction sa harap ng screen na nagiging dahilan ng overeating
- Exposure sa mga food advertisements na napapanood sa telebisyon
- Ang pagbabad sa panonood ng TV ay nagiging dahilan ng pagkawala ng kontrol sa pagkain
Dagdag pa ni Kyle T. Ganson, PhD, assistant professor ng University of Toronto’s Factor-Inwentash Faculty of Social Work, “Exposure to social media and unattainable body ideals may lead to a negative body image and subsequent binge eating.”
Paano makontrol ang screen time ng iyong anak?
Gustuhin man natin, hindi na maaalis ang smartphone at TV sa mga bata. Subalit narito ang mga paraan para masigurong magagamit sa tama ng iyong anak ang mga gadget na ito:
1. Magbigay ng rules
Unang dapat mong gawin ay magbigay ng maliwanag na rules sa tamang paggamit ng mga gadget at ang kanilang dapat maging screen time. Maaaring magbigay ng limited time na paggamit para mabilang ang oras na ginugugol nila sa paggamit nito araw-araw.
2. Moderate na paggamit
Siguraduhin na moderate time ang ibibigay sa iyong anak. Maaaring tumagal ang kanilang screen time sa cellphone o TV base sa nais na oras. Kailangan nilang magpahinga sa paggamit nito bawat 45 minutes o higit pa.
3. Mag-set ng oras
Mag-set ng routine para sa screen time ng iyong anak. Siguraduhin na masusunod ito araw-araw para na rin malaman kung hanggang saan nila nagagamit ang device na ito.
4. ‘Wag gumamit ng gadget kapag kakain o bago matulog
Para maiwasang ang pagkalulong sa social media, ‘wag silang pagamitin ng gadgets kapag kakain o bago matulog.
5. Maging magandang ehemplo
Siyempre, kung ano ka ganoon din ang iyong anak. Kung ano ang nakikita nilang habit mo, malaki ang posibilidad na gayahin din nila ito.
Dagdag pa ni Nagata, “Although screen time can have important benefits such as education and socialisation during the pandemic, parents should try to mitigate risks from excessive screen time such as binge eating. Parents should regularly talk to their children about screen time usage and develop a family media use plan.”
Translated with permission from theAsianparent Singapore