Nagsisinungaling ka ba sa anak mo para mapasunod siya? Ito ang epekto nito sa kaniya

Mahilig ka bang takutin ang iyong anak gamit ang mga exaggerated na statements o pahayag? Narito kung bakit dapat mo ng itigil itong gawin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang masamang epekto ng pagsisinungaling sa iyong anak na dapat mong malaman at agad ng tigilan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto ng pagsisinungaling sa anak
  • Advice ng mga eksperto

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

Pag-aaral tungkol sa masamang epekto ng pagsisinungaling

“Sige ka, kapag hindi ka tumayo dyan huhulihin ka ng pulis.”

“Kapag hindi natin nilinisan yang sugat mo may lalabas na ahas dyan.”

Pamilyar ba sa ‘yo ang mga linyang ito? O lagi mo itong sinasabi sa anak mo? Dalawa lamang ito sa mga pananakot at pagsisinungaling na sinasabi ng karamihan sa ating matatanda sa mga bata. Bagama’t ito ang isa sa paraan para mapasunod ang ating mga anak, ayon sa isang pag-aaral, ang simpleng pagsisinungaling na ito ay may masamang epekto sa kanila. May posibilidad umano na tulad ng iyong pagsisinungaling, ang iyong anak ay maging sinungaling din sa ‘yo sa kaniyang paglaki.

Ito ang natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa Nanyang Technological University, University of Toronto, University of California, San Diego, at Zhejiang Normal University sa Singapore.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasagawa ng pag-aaral

Para mabuo ang kanilang konklusyon ay nagpasagot ng series ng online questionnaires ang mga researcher ng ginawang pag-aaral sa 370 Singaporean adults.

Ang unang questionnaire ay tungkol sa kung naalala pa ba ng mga participant ang pagsisinungaling na ginawa ng mga magulang nila noong sila’y bata pa. Tulad nalang sa tuwing sila’y pinapatigil sa kanilang misbehavior, pinapakain o pinapanatili at pinaaalis sa isang lugar.

Ang sunod na questionnaire ay tungkol naman sa kung gaano sila kadalas nakakapagsinungaling sa mga magulang nila ngayon sila ay malaki na. Tulad ng pagtatakip sa maliliit na bagay na kanilang ginawa. Mga activities na kanilang ginagawa ngunit itinatago nila sa kanilang mga magulang. Pati na ang mga prosocial lies o mga kasinungalingan na kanilang ginagawa para sa kapakanan ng iba.

Habang ang panghuling dalawang questionnaire ay sumusukat naman sa kanilang self-reported “psychosocial maladjustment” o ang kanilang tendency na maging selfish o impulsive.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Resulta ng pag-aaral

Photo by Jametlene Reskp on Unsplash

Sa tulong ng mga impormasyong nakuha at sa pamamagitan ng simple linear regression ay natuklasan ng mga researcher na may kaugnayan ang pagsisinungaling na ginawa ng mga magulang ng participant ng pag-aaral noong sila’y bata pa sa pagsisinungaling na kanilang ginagawa ngayong sila’y ganap na adult na. Ang mga adult na madalas na pinangsisinungaligan noon ng kanilang mga magulang noong  bata pa ay siya namang nagsisingungaling ngayon sa mga magulang nila.

Natuklasan din ng pag-aaral na ang pagsisinungaling na ito ay may negatibong epekto sa psychosocial maladjustment ng mga participant. Nagpapataas din ng tiyansa ng isang bata na makaranas ng disruptiveness, conduct problems, experience of guilt and shame. Pati na selfish at manipulative character kapag siya ay malaki na.

“Our first major finding was that adults who report remembering greater exposure to parenting by lying in childhood also report lying to their parents more frequently in adulthood.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Our second major finding was that young adults’ lying to parents was positively correlated with their internalizing, externalizing, and antisocial personality problems. This finding is consistent with prior research involving children, adolescents, and young adults, demonstrating that frequent lying in childhood is associated with negative psychosocial outcomes”

“A third major finding was that parenting by lying had unique associations with antisocial personality problems in adulthood, but not with internalizing or externalizing problems.”

Ito ang bahagi ng findings na ginawang pag-aaral na nailathala sa Journal of Experimental Child Psychology.

BASAHIN:

STUDY: Allergy, maaaring maipasa ng nanay sa sanggol habang nagbubuntis

Ninang at Ninong, hindi taga bigay lamang ng mga regalo

11 na paraan para maturuan ang anak na maging THANKFUL

Rekumendasyon ng ginawang pag-aaral

Kaya naman base sa resulta na ito, may mahalagang paalala ang authors ng ginawang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Jelleke Vanooteghem on Unsplash

Maging magandang halimbawa sa iyong anak.

Una ay dapat lang magsabi ng katotohanan ang isang magulang sa kaniyang anak. Siya ay dapat magsilbing magandang halimbawa sa kaniyang anak sa lahat ng oras. Kung sinasabi niyang hindi dapat magsinungaling, siya mismo sa kaniyang sarili ay dapat gawin ito.

“When parents tell children that ‘honesty is the best policy’, but display dishonesty by lying. Such behavior can send conflicting messages to their children.”

Ito ang pahayag ng lead author ng pag-aaral na si Assistant Professor Setoh Peipei mula sa NTU Singapore’s School of Social Sciences.

Gumamit ng makatotohanang halimbawa at iwasan ang mga exagerrated na pahayag.

Kaysa gumamit ng mga exaggerated na halimbawa mas mabuti rin daw gumamit ng mga makatotohanang halimbawa. Tulad ng “Kapag hindi ka sumunod ay hindi na kita bibigyan ng candy”. Kaysa sa pagsasabi na “Itatapon ka sa dagat ni Mommy, kapag hindi ka sumunod.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iwasan ang pagsisinungaling at gumamit ng ibang alternatibong paraan.

Dagdag pa ni Asst. Prof. Setoh, para maiwasan ang pagsisinungaling sa anak ay may mga alternatives na maaring gawin ang mga magulang. Tulad ng pag-acknowledge ng mga magulang sa feelings ng kanilang anak. Pagbibigay ng impormasyon para ma-set ang expectations ng isang bata sa kung anong maaring mangyari. At pagbibigay ng choices o solusyon sa problema na kinakaharap ng magkasama.

“Parents should be aware of these potential downstream implications and consider alternatives to lying, such as acknowledging children’s feelings, giving information so children know what to expect, offering choices and problem-solving together, to elicit good behaviour from children.”

Ito ang dagdag pang payo ni Asst. Prof. Setoh tungkol sa kung paano maiiwasan ang masamang epekto ng pagsisinungaling sa mga bata.

Sources:

Channel News Asia, NCBI

Photo:

Freepik