Ngayon na darating na kapaskuhan, panigurado na inihahanda niyo rin ang inyong mga anak para pumunta sa kanilang mga ninong at ninang para sa kanilang aguinaldo, pero hindi lamang umano pagbibigay ng mga regalo ang tungkulin ng mga ninong at ninang.
Iyan ang isa sa mga paalala ni Cardinal-Bishop of San Felica da Cantalice a Centocelle, Antonio Tagle noong nakaraang taon sa kaniyang isinagawang misa.
- Tungkulin ng isang ninong at ninang
- Paano pumili ng ninong at ninang
Hindi maikakaila na tradisyon na sa ating bansa ang pagbibigay ng aguinaldo sa ating mga inaanak. Ang simpleng pagbibigay kasi ng regalo sa ating mga inaanak ay nakakapaghatid din ng ibang saya.
Pero tandaan mga mommy at daddy hindi lamang taga bigay ng reglo o aguinaldo ang mga kinuha niyong mga ninong at ninang. Higit sa lahat ang mga ninong at ninang ay katuwang niyo rin sa inyong pagpapalaki sa inyong mga anak.
Pangalawang magulang ng inyong mga anak ang mga ninong at ninang na inyong mapipili. Hindi lamang sila taga bigay ng aguinaldo tuwing pasko o sa iba pang okasyon. Higit pa sa usapin ng regalo o pera ang tungkulin ng isang ninong at ninang.
Paalala ni Cardinal-Bishop of San Felica da Cantalice a Centocelle Antonio Tagle,
“Being godparents is not about spending money,”
“Always check on your godchildren, visit them, show them good example, so they’ll realize you’re a good Filipino, a good Christian,”
Ang mga ninang at ninong umano ay mga taong maasahan at may concern sa iyong anak. Laging dinadalaw ang inyong anak. Kaya naman kapag pipili ng mga ninong at ninang tandaan ang mga katangiang ito sa pagpili ng mga magiging ninong at ninang ng inyong anak.
Mga katangian ng ninong at ninang
Larawan mula sa IStock
-
Dapat kakilala niyong mag-asawa/partner
Kinakailangan na siyempre malapit sa inyo na mga magulang ang pipiliin niyong ninang o ninong. Sa gayon makakasigurado kayo na mabuti at maganda ang magiging impluwensiya niya sa inyong anak. Malalaman niyo na mahahalin din niya ang inyong anak bilang isang kapamilya.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na walang perpektong magulang. Kaya naman kailangan na ang pipiliin niyo na ninong o ninang ng inyong anak ay maaari kayong matulungan sa pagpapalaki sa inyong anak.
Larawan mula sa IStock
Kung pipili lamang din ng ninang o ninong ng inyong anak. Siguruhin na sila’y inyong pinagkakatiwalaan lalo na sa inyong anak. Pumili ng mga ninong o ninang na alam mong kahit iwan mo man ang iyong anak sa kaniya ay hindi ito mapapahamak at papakitaan ng pagmamahal.
-
Mabuting halimbawa para sa iyong anak
Kapag pipili ka na magiging ninong o ninang ng inyong anak, mas maganda na na siya’y isang magiging mabuting halimbawa sa iyong anak. Lalo sa kaniyang pagpalaki na naririyan kapag kailangan niya ng mga advice bukod sa inyong mga magulang niya.
BASAHIN:
This ninang’s conversation with her kumare is just all too real
Binyag sa panahon ng COVID-19: Anu-ano ang mga kailangan ihanda?
Ninang tinawag na kuripot ng kumare dahil sa regalo sa inaanak
-
May pagmamahal at malasakit sa iyong anak
Sa pagpili rin ng ninong at ninang ng inyong mga anak, kinakailangan na isipin kung magmamalasakit ba ito sa aking anak at mamahalin din ba niya. Mahalaga itong tungkulin ng isang ninong at ninang o godparents nila dahil sila ang tumatayong tila pangalawang magulang ng inyong anak.
-
May pagmamalasakit sa iyong anak
Tandaan din na dapat ang pipiliin ninyong ninong o ninang ng inyong anak ay malasakit. May malasakit sa inyong anak sa lahat ng pagkakataon. Naririyan sila para sa inyong anak kapag kinakailangan.
Para naman sa mga ninang at ninong
Larawan mula sa IStock
Tandaan na hindi lamang pagbibigay ng pakimkim o regalo/aguinaldo sa pasko ang inyong tungkulin. Huwag din hayaan na maging ganoon lamang ang tungkulin niyo bilang isang ninong at ninang.
Kung hindi mo man mabigyan ng regalo o aguinaldo ang iyong inanak sa darating na pasko ay huwag makaramdam ng guilt. Sabi nga Cardinal-Bishop of San Felica da Cantalice a Centocelle Antonio Tagle,
“So don’t worry if you don’t have anything to gift your godchildren. Not having gifts won’t make you bad godparents. Don’t feel bothered.”
Dahil hindi lamang iyan ang inyong tungkulin bilang ninong at ninang ng mga anak ng inyong kaibigan o kakilala. Sapagkat tungkulin niyo rin na magabayan sila sa kanilang paglaki kasi ng kanilang mga magulang.
Paalala rin sa mga mommy at daddy na huwag naman na pumili ng mga ninong at ninang na hindi malapit sa inyo pero alam ninyong magbibigay ng aguinaldo sa inyong anak tuwing pasko. Dapat pumili talaga ng mga magiging ninong at ninang na naririyan kahit hindi pasko at matutulungan kayo sa pagpapalaki sa inyong anak at tunay na may malasakit sa inyong pamilya.
Source:
Philstar
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!