STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy

Ang pagiging masaya ng isang ina ay nasusukat umano kapag naibibigay niya ang tamang pangangalaga sa mga anak niya. Sang-ayon ka ba dito Mommy?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagiging masayang magulang naka-depende umano sa role at oras ng isang ama at ina sa kanilang mga anak. At dahil dito, base sa isang pag-aaral, ang mga daddy mas masayang magulang umano kaysa sa mga mommy.

Mga daddy mas masaya umano kaysa sa mga mommy

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “Happy Moms, Happier Dads: Gendered Caregiving and Parents’ Affect”, ang mga daddy ay mas masayang magulang umano kaysa sa mga mommy. Ito ay natuklasan matapos i-analyzed ng mga researcher ng pag-aaral kung paano naapektuhan ang mood ng mga daddy at mommy ng mga activity na ginagawa nila kasama ang kanilang mga anak.

Base nga sa observation ng mga researchers na sina Cadhla McDonnell, Nancy Luke, at Susan E. Short ay napansin nilang mas masaya ang mga daddy sa mga oras na kasama nila ang kanilang mga anak. Habang ang mga mommy naman, bagamat masaya ay mas stress at pagod kapag kasama ang mga anak nila.

STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy | Image from Freepik

“Parenting is emotionally demanding and highly gendered. We observe a gender imbalance in the emotional rewards of childcare. Fathers report more happiness, less stress, and less tiredness than mothers.”

Ito ang naging pahayag ng mga researcher ng pag-aaral na mula sa Pennsylvania at Brown University.

Dahil paliwanag ng pag-aaral, kumpara sa mga mommy na laging punong abala sa pangangailangan ng mga anak, ang mga daddy ay madalas na nag-ispend lang ng oras kasama ang kanilang mga anak upang maglaro o gumawa ng mga exciting o recreational activity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagiging masayang magulang

Sinuportahan naman ito ng isa pang pag-aaral na isinagawa ni Leah Ruppanner mula sa University of Melbourne. Ayon sa kaniya, ang mga magulang lalo na ang mga ina ay mas nagiging stress kapag nadadagdagan ang anak nila. Ito ay kaniyang natuklasan matapos niyang ma-review ang collected data ng 20,000 families sa Australia sa loob ng 16 na taon. Dagdag pa niya, ang stress na ito ay hindi nababawasan kahit na lumalaki na ang mga bata sa isang pamilya. Ito nga din daw ay nagiging dahilan para magkaroon ng gap ang isang mag-asawa.

Mas nagiging malungkot din daw ang mga ina ng pamilya habang nagbibinata o nagdadalaga ang mga anak nila. Ito ay dahil nagkakaroon sila ng less-meaning habang unti-unti ng natuto ang kanilang mga anak na alagaan ang sarili nila.

STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na pinamagatang “Mothers and Father’s Well-Being in Parenting Across the Arch of Child Development: Well-Being in Parenting by Child Age”.

Paliwanag ni Ashley McQuire, isang manunulat sa Institute of Family Studies, ito ay dahil mas obsess ang mga mommy sa paggawa ng chores sa bahay at para sa kaniyang pamilya. Ngunit, hindi daw ito nangangahulugan na hindi siya masaya. Dahil habang napagsisilbihan daw ang kaniyang anak at mas naibibigay ang pangangailangan nito ay mas nagkakaroon ng fulfillment bilang isang ina ang isang babae. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng dahilan na maging masayang magulang kumpara sa kaniyang asawa.

Katangian ng isang mabuting ama

Pero sa totoo lang, ang pagmamahal ng ama ay pagmamahal ano pa man ang sinasabi sa mga pag-aaral o research. Kaya mong mag-adjust para sa mga taong mahal mo. Kaya naman kung gusto mong maging mabuting ama, narito ang ilang mga bagay na puwede mong gawin.

1. Mahalin ang iyong asawa

Unang-unang katangian ng mabuting tatay ay pagiging mapagmahal nito. Mahalin ang iyong asawa nang walang reserbasyon—hindi mo magagawa ang higit pa para sa iyong mga anak kaysa rito. Kung hiwalay ka na, tratuhin pa rin nang may paggalang ang ina ng iyong mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Mahalin mo ang iyong mga anak nang walang pasubali

Tiyaking alam ng iyong mga anak na mahal mo sila kahit na ano mang mangyari. Huwag malito at ikumpara ito sa tinatawag na “permissiveness,” sapagkat ang pag-ibig na walang kondisyon ay hindi ine-encourage ang maling uri ng pag-uugali.

Sa katunayan, ang mga bata na secure sa pag-ibig ng kanilang tatay ay may posibilidad na kumilos nang mas kaunti at naaayon, hindi higit pa.

STUDY: Ang rason kung bakit mas masaya ang mga daddy kaysa sa mga mommy | Image from Unsplash

3. Umastang grown up at maging magandang modelo o halimbawa

Ang mga bata ay hindi kailangan ng isa pang kaibigan. Kailangan nila ng tatay, ng magandang halimbawa. Nais ng mga anak ay ang isang tatay na iniisip ang mga bagay-bagay nang mabuti, gumawa ng mga mahihirap na pagpapasya, at nakikibahagi sa buhay na may responsibilidad—isang tatay na maaari nilang asahan, masandalan, at magabayan sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isang tatay ay nagpapakita ng pagmamahal, pakikiramay, at pasensya hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi sa mga tao sa kabuuan.

4. Maging available para sa mga anak

Ang “quality time” ay maganda naman talaga at ito ang nararapat sa isang relasyon, pero walang-wala ito sa “quantity time.” Maglaan ng oras. Ang bawat tao’y may pare-parehong 24 na oras na nagagamit. Kung kaya’t ang sa iyo “make it count.” Isang nakamamahang katangian ng mabuting tatay ay ang talento nito kung paano balansehin ang kanyang oras.

5. Mag-provide para sa pamilya

Mag-provide as much as you can, ika nga nila. Ang materyal na bagay ay maaaring maging mahirap kapag ang trabaho ay biglang nawala at kung bigla ngang dumaan sa isang mahirap na panahon ang pamilya.

Gayunpaman, maaari ka pa ring magbigay o magtayo ng isang matatag na tahanan na may pag-ibig at pagmamahal.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Psychology Today

Photo:

Freepik

BASAHIN:

11 Karaniwang pagkakamali ng mga bagong magulang at paano ito ayusin

Mas mabuting ama nga ba kapag hindi masyadong gwapo si daddy?

Hindi mo dapat kalimutan ang sarili mo kahit mommy ka na