Labis na nag-enjoy ang aktor na si Matteo Guidicelli sa buhay sa bukid lalo at kasama pa ang asawa at singer na si Sarah Geronimo. Ito ay para sa pagdiriwang ng aktor ng kaniyang ika-32 birthday.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Matteo Guidicelli nag-celebrate ng kaniyang birthday sa bukid
- Farm life ang gusto ni Matteo Guidicelli para sa kanilang future family
Matteo Guidicelli enjoy sa buhay bukid kasama si Sarah Geronimo
Masayang ipinagdiwang ng aktor na si Matteo Guidicelli ang kanyang ika-32 kaarawan kasama ang malalapit niyang pamilya at siyempre ang singer at asawa nitong Sarah Geronimo.
Naunang nagbigay ng clue si Matteo na gagawan niya ng vlog ang pagbisita nila sa kabundukan sa araw ng kanyang birthday.
“Now I’d like to share with you guys my most favorite place in the world! The mountains of the Philippines! #HOME
This was shot during my birthday weekend last March… #birthdayvlog”
Sa kanyang YouTube channel, inupload niya ang isang vlog, kung saan makikita ang pagdiriwang niya ng kaniyang birthday kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
“Spending my 32nd birthday at my most favorite place, with the best people in the world.”
Binungad ni Matteo ang video ng isang magandang view ng kanilang pinuntahan na hindi niya nabanggit kung saang partikular na parte ng Pilipinas. Kasama rin nila Matteo na maglakad patungo sa bukid ang daddy niya.
Ibinahagi rin ni Matteo Guidicelli ang ilan sa mga fresh foods na nagsilbing handa at kanilang kinain sa bukid kagaya ng lang ng mangga, buko, talong, tuna lumpia, beans, at suman.
Tumulong ang kaniyang tatay at misis na si Sarah para ihanda ang mga ipinalutong pagkain.. Sa video mapapanood pa ang sweet na sweet na bonding nito kay Sarah.
Nagmistulang namang malaking buffet ang pagsasalo-salo kasama ng pamilya at mga lokal na nakatira sa bukid nila Matteo.
Isa rin sa sinubukang gawin nila ay ang gumawa ng walis tambo kasama ang isa sa pinakamahusay na gumagawa nito sa lugar na iyon. Hindi rin nila kinalimutang subukan ang sikat na alak sa mga probinsiya ang tuba. Parehong nagcheers ang parents ni Matteo. Dagadag pa ng aktor kasama raw nila sa bukid ang nanay niya pero busy sa pagkuha ng video para sa kanyang vlog.
“Mama is with us at the farm, but she is busy getting videos and taking care of us. I love you, Mama!”
Binigyan din sila ng regalong painting ng mama ni Matteo.
Gumawa rin sila ng pasta, na isa sa mga specialty ni Matteo na lutuin at tinawag itong “Spaghetti Bukid Style.”
Niregaluhan din si Matteo ng kanyang kaibigan ng birthday na pagbibiro niya ay galing pa ng Maynila. Nasorpresa naman nang lubos si Matteo nang haranahin at kantahan siya ng mga residente sa naturang bukid. Inamin naman ni Matteo na ito ang pinakamasayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
“Guys, I have to say that it’s the best birthday — 32 years old, because I have my friends, my family.”
Sweet na sweet niya ring sinabihan si Sarah Geronimo na masaya itong kasama niya sa kanyang birthday.
“But most importantly, the love of my life, my forever, my wife. Totoo ‘yan ha, hindi dahil may camera ‘yan. Totoo talaga ‘yan.”
Humirit pa si Matteo ng kiss mula sa asawa pero ang sabi niya tiyaka na raw kapag wala nang camera.
BASAHIN:
Winwyn Marquez ipinagdiwang ang birthday kasama ang anak: “Having you is the greatest gift of all.”
STUDY: Mga bata nababawasan ang stress kapag malapit sa garden, mapupunong lugar
Farm life ang gusto ni Matteo Guidicelli para sa kanilang future family
Noong nagspecial guest ang aktor at athlete na si Matteo Guidecelli sa weekly cooking show ng GTV na Farm To Table kasama ang Kapuso chef at food explorer na si JR Royol inamin niya ang pagkahilig niya sa farm life at sustainable living.
Nagsimula raw ito dahil sa mga kaibigan nila ng singer at ngayon ay asawa niyang si Sarah Geronimo.
“I have some friends that really inspired me to have a sustainable living kumbaga. Especially Sarah, my wife, I have a friend that inspired us talaga.”
“When we went to his farm, talagang hundred percent sustainable. From waste management to food. They grow their crops, they eat their crops.”
Dito niya rin sinabi na hindi niya goal na kumita sa farming kundi maging investment para sa kanyang pamilya.