Matteo Guidicelli sa birthday ng kaniyang mother: "Thank you for the unconditional love and support!"

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo nag-groundbreaking na rin para sa kanilang recording studio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Glenna Fernan Guidicelli, ang mother ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Birthday message ni Matteo Guidicelli sa kaniyang mother
  • Family background ni Matteo Guidicelli

Birthday message ni Matteo Guidicelli sa kaniyang mother

Iba nga naman ang pagmamahal ng isang ina. Kaya nga nais ng halos lahat ng anak na maiparamdam na espesyal sila sa tuwing nagdiriwang sila ng kanilang kaarawan.

Gaya na lamang ng aktor at asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli. Kung saan proud na proud siyang binati ang kaniyang mom sa personal na Instagram account. Makikita sa kanyang post ang iba’t ibang larawan ng kanyang ina.

Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naroroon din ang picture nila together ng kaniyang wife na si Sarah. Isinama niya rin ang picture nila ng kanyang mama at maging ng kanilang whole family. Sa kaniyang caption, binati niya ang mommy niya ng happy birthday kasunod ng pasasalamat sa pagmamahal at suporta raw nito sa kanila

“Happy happy birthday mother! Thank you for the unconditional love and support you give to the family!! You are the best!!! We love you very very much! You deserve to be the happiest!!”

Sa kanya namang Instagram stories, makikita na sinorpresa nila ito ng isang birthday cake. Mapapanood din na pinag-pray over ng isang priest ang mother ni Matteo na may caption na “Mama’s birthday!! Happy birthday ma!! Thank you [for] everything ma!”

Kasabay ng birthday celebration ang groundbreaking ng bagong itatayong negosyo nina Matteo at Sarah na G Studio sa Alabang.

Sinundan pa ito ng isang maliit na party kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilyang Guidicelli. Labis naman na kinilig naman ang mga dumalo nang tuksuhin ang mom and dad ni Matteo na mag-kiss sa harap nila. Isang simple ngunit masayang celebration ang kanilang isinagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Talaga nga namang one of the sweetest sons itong si Matteo Guidicelli. Hindi kasi siya nakalilimot sa mga special events lalo kung patungkol ito sa mother niyang si Glenna. Matatandaang na nitong nakaraang taon lang ay sabay binati ni Matteo ang mom niya maging ang mother-in-law niyang si Mommy Divine ng Happy Mother’s Day.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa video na pinost ni Matteo Guidicelli ay makikitang ipinagluto niya pa ang dalawang mommies ng pasta. Ito raw kasi ang “special treat” niya para sa kanila kahit daw simple lamang ito ay nagiging best naman para sa kanila.

“A special treat for our mama! It’s not always easy to find the right way to express our feelings, but sometimes, a simple gesture like preparing a plate of pasta can truly become the best one.”

Maalala ring hindi ‘in good terms’ ang pamilyang Guidicelli at Geronimo noong taong 2020 nang itago nila ang kasalan mula sa pamilya ni Sarah. Nagbunga tuloy ito ng usap-usapan sa mga netizens at kanilang fans. Sa ngayon ay wino-work out na ng dalawang pamilya ang naging alitan nila noon.
Maayos naman ang pakikitungo ng nanay ni Matteo Guidicelli sa kaniyang misis na si Sarah Geronimo. Noong nagdiwang pa nga ng kaarawan ang singer noong nakaraang taon, binati siya ni Glenna sa pamamagitan ng social media. Kasama rito ang larawan kung saan makikitang katabi ni Sarah si Glenna at mister nitong si Gianluca.
Nilarawan niya bilang ‘favorite daughter in law’ si Sarah at hiniling na sana ay maging happy at healthy ang misis ng kaniyang anak na si Matteo.

BASAHIN:

Matteo Guidicelli congratulates Sarah Geronimo for finishing baking course: “Super proud of you, my love!”

Meryll Soriano sa pagiging authoritarian ng mga parents sa anak: “Hindi mo siya binibigyan ng confidence.”

Mensahe ni Matteo sa magulang ni Sarah: “Hangad ko po na maging isang pamilya tayo.”

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Family background ni Matteo Guidicelli

Kilala ang aktor na si Matteo Guidicelli sa pagkakaroon ng prestige na family background. Isang foreigner ang dad ni Matteo na si Gianluca Guidicelli na isang managing director ng family restaurant nilang na Da Gianni.

Samantalang ang nanay naman niyang si Glenna Fernan Guidicelli ay nagmula sa prominenteng pamilya. Ang mga pamilya Fernan ay isa sa mga pinakamalalaking clan sa lungsod ng Cebu.

Ang mom ni Matteo ay anak ni Vicente Fernan, na na dating nagsilbi bilang Cebu provincial prosecutor. Kasama rin sa kanilang pamilya si Mia Arcenas Branellec, na isa namang sikat na designer.

Kamag-anak din nila ang dating Chief Justice at Senate President na si Marcelo Fernan. Sa Cebu ay may isang tulay kung saan ipinangalan sa kaniya ito. Ang Marcelo Fernan Bridge ay kilala bilang pinakamahabang cable-stayed bridge sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva