McCoy de Leon sa hiwalayan nila ni Elisse Joson: “Wala pong involve na ibang tao, ang pinakarason kaya kami naghiwalay.”

McCoy de Leon and Elisse Joson break up kinumpirma ng aktor. Paglilinaw niya hindi totoo ang kumakalat sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

McCoy de Leon and Elisse Joson break up kinumpirma ng aktor.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • McCoy de Leon and Elisse Joson break up.
  • Pagsasama ni McCoy de Leon at Elisse Joson.

McCoy de Leon and Elisse Joson break up

Larawan mula sa Facebook account ni Elisse Joson

McCoy de Leon and Elisse Joson break up story, ano nga ba ang totoo? Trending ngayon ang isyu na ito sa social media. Ito ay matapos ang open letter na inalay ni McCoy de Leon sa anak na si Felize sa Instagram. Napansin rin ng mga netizens na hindi magkasamang ipinagdiwang ni McCoy at Elisse ang nagdaang pasko at bagong taon.

Bagamat ang IG post ni McCoy ay edited na sa ngayon, ay naibahagi doon ng aktor ang nararamdaman niya at mensahe para sa isang taong gulang na anak na si Felize.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita. IKAW lang ang nakakaalam. IKAW lang ang makakaintindi sa akin, IKAW lang ang maasahan ko, IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay. At IKAW lang ang lahat lahat ko.”

Ito ang bungad ni McCoy sa kaniyang IG post at mensahe sa anak.

Pagpapatuloy pa ni McCoy hiling niya sana ay hindi magbago ang tingin ng anak sa kaniya. At sa paglaki daw nito ay ikukuwento niya dito ang tunay na nangyari at humingi ito ng pasensya sa anak dahil sa talagang hindi niya kinaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sana pag tanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha. Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa ‘yo pagtanda mo. Don’t worry, masasaya naman iki-kuwento ko na may konting problema para naman maintindihan mo si daddy.”

Pagbabahagi pa ni McCoy sa IG niya nilagay ang mensahe sa anak sapagkat hindi niya alam kung paano ito makakausap. May bilin din ito patungkol kay Elisse at sa mga isyung ibinabato sa kanila ngayon.

“Pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko, hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha, i-love mo siya. Last na… anak wag mo silang pansinin, OK? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra,”

Ito ang mensahe pa ni McCoy sa anak na si Felize.

Sabi ni McCoy walang 3rd party sa hiwalayan nila ni Elisse

Kasabay ng pagkalat ng IG post na ito ni McCoy ay kumalat rin ang mga screenshots umano ng usapan ni McCoy at isang content creator na nagngangalang Mary Joy Santiago. Base sa mga post na kumakalat ay ito daw ang posibleng dahilan sa hiwalayan nina McCoy at Elisse.

Kahapon sa IG story ni McCoy na ngayon rin ay burado na, kinumpirma niyang hiwalay na nga sila ni Elisse. Pero paglilinaw ni McCoy hindi totoo ang kumakalat umano sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit.”

“Wala po involve na ibang tao ang pinakarason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo. “

“Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Ito ang sabi ni McCoy sa magkakahiwalay na IG stories na binura rin agad ng aktor.

Pagsasama ni McCoy at Elisse

Matatandaang sa naging panayam kay McCoy at Elisse ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ay ibinahagi doon ni Elisse ang gagawin niya sa oras na magloko si McCoy. Doon ay ibinahagi niya rin at inamin na sa kanilang dalawa ni McCoy siya ang selosa.

Ayon kay Elisse, nagsisimula lang naman daw siya magselos sa oras na may detalyeng hindi nasabi sa kaniya si McCoy sa tuwing aalis o lalabas ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sa akin kasi importante ‘yong detalye. ‘Yong parang kunwari kapag nasa labas siya or aalis siya sabihin mo sakin talaga yung detalye okay na ako. Pero kapag meron kang konting hindi nasabing detalye dun ka mag-iisip na “Ba’t di mo nasabi yun?””

Ito ang pagbabahagi pa ni Elisse. Sabi pa nga niya, kung sakaling magloloko si McCoy ay nasabi niya naman daw dito kung anong magiging epekto sa pamilya nila.

“Ayoko na ng drama, kung magloloko ka, okay na. Okay na kami. Kakayanin namin.”

Ito raw lagi ang sinasabi ni Elisse kay McCoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Elisse Joson

Pero pagsisiguro ni McCoy noon kay Elisse ay wala itong dapat ipag-alala at priority niya ang kaniyang mag-ina.

“Huwag kang matakot, priority ko kayo. Kung ayaw mo, okay lang naman. Walang problema sa akin ‘yon nandito lang ako sa inyo. Happy na ako sa inyo.”

Ito ang sabi pa noon ni McCoy na sinabing ayaw niyang anak lang nila ang dahilan kung bakit sila nagsasama. Ang gusto daw ng aktor ay makita ng anak na totoo at masaya ang pagsasama nila.

“Ayokong maging dahilan ‘yong anak natin kaya tayo nagsasama. Gusto ko makita rin ng anak natin na masaya siya, na masaya tayo na makita niya.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni McCoy na hindi parin siya tanggap ng ina ni Elisse na si Christine Joson-Diuco.

Samantala, si Elisse ay nanatiling tikom ang bibig sa isyu ng hiwalayan nila ni McCoy. Nitong December 31 ay mayroon lang itong cryptic post sa Instagram na nagpapahiwatig na mayroon siyang pinagdadaanan. Makikita namang ang huling larawan ni McCoy at Elisse na magkasama sa Instagram ay noong Nobyembre noong Haloween.