McCoy de Leon: “Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level 'yong heart ni Elisse”

Elisse very thankful na maging partner si McCoy at maging ama ng anak niyang si Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

McCoy de Leon patuloy paring sinusuyo at nililigawan ang puso ni Elisse Joson kahit sila ay may anak na. Ayon pa kay McCoy, sobrang perfect ni Elisse bilang ina ng anak nilang si Felize.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Elisse Joson thankful kay McCoy de Leon
  • Elisse Joson perfect para kay Felize
  • Wedding plans nina McCoy at Elisse

Elisse Joson thankful kay McCoy de Leon

Image from Elisse Joson's Instagram account

May bagong proyektong ginagawa ang real-life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Sa press conference ng bagong proyektong ito ay natanong ang dalawa ng tungkol sa estado ng kanilang relasyon at buhay pamilya.

Ayon kay McCoy at Elisse, tulad ng ibang magka-relasyon ay marami rin silang challenges na nararanasan. Pero thankful sila sa isa’t isa na marunong mag-adjust at gumawa ng kompromiso para sa ikabubuti ng kanilang pagsasama.

Si Elisse ay very thankful na si McCoy ang partner niya at ito ang ama ng anak niyang si Felize. Dahil maliban sa pagiging responsible at very hands on dad din ito sa anak nila.

“I am thankful na si McCoy ang partner ko in all. Every day, kahit di ko nasasabi sa kaniya, nakikita ko yung pagiging responsible niya na tatay.”

“Lagi ko ngang sinasabi kay Felize kahit hindi niya pa naiintindihan. She’s very lucky to have McCoy as her dad. He’s very responsible, very hands on and he’s really working hard para kay Felize, para sa amin. Wala ko masabi, sobrang grateful lang talaga ko na siya ang daddy ni Felize.”

Ito ang pagsasalarawan ni Elisse kay McCoy bilang kaniyang partner at ama ni Felize.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Elisse Joson perfect para kay Felize

Image from Elisse Joson's Instagram account

Si McCoy ay puro magagandang salita rin ang nasasabi kay Elisse bilang kaniyang partner at mommy ni Felize. Kitang-kita niya daw sa aktres kung paano nito ginagawang priority ang pamilya nila. Lalo na kung paano nito sinisiguro ang kapakanan ng anak nila.

“Si Elisse, gusto lahat best para for her family. Gusto niya lahat mabigyan ng kasiyahan, ng time. Ayaw niyang may male-left behind. Nakita ko siya as girlfriend ko and ngayon as a mother. Ibang-iba.”

Ito ang pagsasalarawan ni McCoy kay Elisse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni McCoy, kung sa mga photoshoots at social media post daw nito ay makikitang very sosyal manamit ang aktres at tila walang inaalala. Pagdating daw sa loob ng bahay ay full time nanay ito kay Felize na talaga namang hinahangaan niya.

“Kapag nasa bahay, makikita mo ‘yung priority niya si Felize. Kumbaga wala akong masabing kulang, wala rin akong masabing sobra.”

“Sobrang perfect si Elisse para sa anak namin. Thankful ako kay Lord kasi mayroon akong pamilya, mayroon akong partner na tulad ni Elisse at may anak akong tulad ni Felize.”

Dahil dito, sabi pa ni McCoy, kahit sila ni Elisse ay nagsasama na at mayroon na silang anak, nililigawan niya parin ito. Dahil para sa kaniya ang relasyon nila ay pang-habang buhay na.

“Hanggang ngayon, I’m still trying to win to the highest level ‘yung heart ni Elisse. Siyempre, hindi naman one day lang yan. Habangbuhay.”

BASAHIN:

Mccoy de Leon tinanggihan ang trabaho sa Korea para kay Baby Felize: “Importante ‘yong memories with her”

Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

Wedding plans nina McCoy at Elisse

Image from Elisse Joson's Instagram account

Pagdating naman sa usapang kasal, sabi pa ni McCoy ay napag-uusapan naman na nila ang tungkol diyan ni Elisse. Pero sa ngayon ay hindi pa ito ang priority nila at hindi pa ngayon ang tamang oras.

At kung sakaling mang dumating ang oras na handa na silang magpakasal ay kay McCoy daw ito mismong manggagaling. Dahil sa ngayon ang mahalaga ay mas nakikilala pa nila ang isa’t-isa.

“Alam namin sa sarili namin na merong time na malalaman na lang namin. Siyempre sa akin manggagaling. Ang masasabi ko lang for now, gusto namin na i-explore pa yung bawat side namin. Kasi kung di niyo lang po alam marami pang i-explore, marami pa kaming kakaibang nalalaman sa bawat isa.”

Ito ang sabi pa ni McCoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantalang, si Elisse naman sinabing napaka-halaga na prepared sila pagdating sa pagpapakasal ni McCoy. Pero ito naman daw ay pinag-iipunan na nila para narin sa kinabukasan ng kanilang anak.

“Preparations kasi talaga. Alam naman natin na with the baby, sudden din. We want to be prepared to move forward with our future. Mahalagang bagay yun kasi mayroon na kaming anak. Saka wala pang ipon. Of course, Importante sa amin na may basbas ng diyos.”

Ngayong hindi pa sila kasal ni McCoy, hindi naman daw maiiwasan na may mga fears sa kanilang pagsasama si Elisse, Pero ito daw ang ginagawa ni McCoy para maalis ang mga fears na ito ni Elisse.

“Lagi kong sini-secure sa kaniya na huwag mong pansinin yang mga yan. Ang pagtuunan natin ng panahon ay paano mabubuhay lalo at paano natin mapapasayan ang bawat isa so kailangan nating alagaan yung relationship.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement