Mikael Daez at Megan Young, LDR muna ng halos 2 buwan: "We haven't been apart since this pandemic..."

Alamin din dito kung papaano nagsimula ang love story nina Mikael at Megan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang video kung saan makikita na aalis si Megan Young sa bansa ay makikita sa Instagram account ng husband nito na si Mikael Daez. 

Mababasa mo rito ang mga sumusunod:

  • Mikael Daez at Megan Young sa August na muling magkikita
  • Pag-iibigan nina Megan Young at husband nitong si Mikael Daez

Mikael Daez at Megan Young sa August na muling magkikita

Larawan mula sa Instagram account ni Mikael Daez

Sa ini-upload na Instagram reels ni Mikael Daez makikita ang pag-alis ni Megan Young, sinabi rin ng aktor na 50 days silang magkakahiwalay ng asawa.

“Boneezy is about to leave and we’re gonna be away from each other for 50 days! This is gonna be the longest that we’ve been away for a very long time”

Matapos sabihin ito ay tinanong pa ng aktor ang asawa kung mami-miss siya nito. Dinaan lang ito sa biro ni Megan at nagpaalam na sa kaniyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May pa-throwback video rin si Mikael Daez kung saan makikitang umiiyak si Megan. Sa naturang video, nag-aalala si Megan Young na kung paano raw kung magkahiwalay sila ng kaniyang husband.

“Paano kung naghiwalay tayo? Oh my God..”

Ayon kay Mikael, ang naturang video kung saan emosyonal si Megan Young ay kuha pa 2 years ago noong maging long distance din ang kanilang relationship. 

Paliwanag ni Mikael, aalis si Megan patungong ibang bansa at mag-isa lang itong aalis. Sa oras naman na bumalik si Megan sa Pilipinas, si Mikael naman ang aalis patungong South Korea para sa kaniyang work. Kaya naman sa Agosto na raw sila muling magkikita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

She’s travelling the world and she’s riding solo this time. To add some drama, by the time she comes back, I would have left already for South Korea to shoot Running Man PH."

"Basically, the next time you will see the duo of Bonez and Fofo together will be two months from now! I have many feelings about this!”

Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young

Marami ring nararamdaman si Mikael ukol sa kanilang pansamantalang LDR. Ang una, ayon sa kaniya ay sobra siyang excited para kay Megan. Ika niya, maraming matutunan si Megan dahil siya lamang ang aalam kung papaano gagawin ang lahat at palagay rin ni Mikael na magiging masaya ang solo adventure na ito ng asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The first is I am SUPER excited for [Megan]... She’ll also be figuring out how to do all of this on her own which means she’s going to learn a lot. And of course, I think she’s going to have a blast on this solo adventure.”

Ayon din kay Mikael, naghahalo ang kaniyang nararamdaman. Ika niya, simula nagkapandemya ay hindi na sila nagkahiwalay. 

“The second feeling is a bit mixed. We haven’t been apart from one another since this pandemic started so to have this new status quo for the next two months is going to be interesting."

"But ultimately, I think we’ll both learn so many more things and it’ll be a nice way to reflect on the what we just went through.”

Ang paglalakbay din sa ibang bansa ay makatutulong sa kanilang dalawa. Wika ni Mikael, marami silang matutunan sa foreign places kaya sabik na siyang malaman kung anong mga lessons ang kanilang haharapin sa kanilang bagong adventure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Mikael Daez at Megan Young: “Dealing with stress is a partnership”

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!

Joem Bascon sa relasyon niya sa eldest son ni Meryll Soriano: "Masaya kami ni Eli. We get to learn from each other."

Pag-iibigan nina Megan Young at husband niyang si Mikael Daez

Larawan mula sa Instagram account ni Mikael Daez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa nakalipas na interview kay Mikael Daez , ikinuwento niya ang simula ng love story nila ni Megan Young. Kwento ni Mikael, September 2010 noong una silang nagkita sa isang event. Kung saan isa siyang model at host naman si Megan. Matapos ng event ay doon nila napagtanto na mayroon silang  “common friend”. 

“2010, it was an event, I was a model and Megan was a host and nagkakitaan lang kami doon, so after the event we realized we had a common friend. So after that, our common friend would put us together. During 'pag tuwing lumalabas kami and then doon lang nagsimula. A hundred days later, Jan. 6 she became my girlfriend.”

Nanatiling pribado ang relasyon nina Mikael Daez at Megan Young. Taong 2017 nang aminin nilang dalawa ang kanilang relasyon. Matapos ang siyam na taong relasyon ay nagpakasal na sina Mikael at Megan. Ang pagpapakasal nila ay dalawang beses naganap. Una ay sa Batangas noong January 10, 2020, At pangalawa ay sa Subic, Olongapo City noong January 25 2020.

Kuwento ni Mikael, January 10 ang official nilang kasal na may marriage contract at kakaunti lang ang dumalo. Ang January 25, ayon kay Mikael ay ang original date nila at ang selebrasyon na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan, ito raw ang party para sa kanilang wedding.

Instagram

Sinulat ni

Nichole Samson