X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Buntis, nambugbog diumano ng kapwa pasahero sa jeep

6 min read
Buntis, nambugbog diumano ng kapwa pasahero sa jeep

Narito ang mga bagay na bawal gawin ng buntis na maaring makasama sa kaniya at sa sanggol na kaniyang dinadala.

Mga bawal gawin ng buntis, anu-ano nga ba? At bakit dapat ito ay sundin nila.

Buntis na nambugbog sa jeep

mga bawal gawin ng buntis

Image from Facebook

Isang babaeng buntis umano ang nambugbog ng kapwa niya pasahero sa jeep na bumabyahe sa Maynila. Kwento ng babaeng nabugbog na si Giselle Tangpuz, nasa jeep sila papuntang SM San Lazaro kasama ang kaniyang mga kaibigan ng mangyari ang insidente. Papunta sana sila ng mall para manood ng sine ng biglang sumakay na sa jeep ang inirereklamo niyang buntis na si Cindy Bautista at ang mga kasama nito.

“Galing kaming work, papuntang SM San Lazaro. Nag-kaayaan manood ng sine dahil rest day namen kinabukasan. Along Avida sumakay tong buong pamilya sampu o higit pa. Hindi ko na kasi nabilang’ ang luwag ng pwesto sa harapan nasa bandang pinto ako gusto niya dun siya pupwesto sa inuupuan ko. So umusog ako tapus tumingin ako sa kanya’ at bigla siyang nag reklamo na tinamaan ko daw yung tyan niya buntis po siya 9 months na daw. Dun na po nag simula ang lahat.”

Ito ang pahayag ni Giselle sa kaniyang Facebook post. Dagdag pa niya, ipinipilit daw ng buntis na nasiko niya ito samantalang busy silang nagkukwentuhan ng kaniyang kaibigan. Dito na nagsimula ang mainit na sagutan sa pagitan nilang dalawa na nauwi na sakitan. At ayon pa kay Giselle pinagtulungan daw siya ng buntis at ng mga kasama nito.

Pagtatalo at pagbabanta ng buntis

“Naka upo na siya nag rereklamo pa din siya so hindi naman ako nag patalo sumasagot ako kasi wala akong ginawa pinaupo ko siya ng maayos sa tabi ko. Dahil sobrang eksena na yung ginagawa niya sa loob ng jeep inaaaya na ako na bumaba ng mga kasama ko, pero hindi ako bumaba dahil wala akong ginawa’ naka upo naman siya ng maayos!”

“Tapos bigla siyang tumayo sa harapan ko at sinisigaw niya na “AH MATAPANG KA HINDI MO BA AKO KILALA, GUSTO MO GRIPUHAN KO YUNG TAGILIRAN MO” ang sagot ko SIGEEEE dahil ayaw ko mag patalo dahil alam ng lahat ng nakasabay namen sa jeep na wala din akong ginagawa.”

“May nilalabas siyang kung anong bagay sa bag niya ang sabi niya “GUSTO MO ILABAS KO TO” ang sagot ko pa din ay SIGEEEE ang sabi niya “ABA MATAPANG TO AH” at ayun pinag sasabunutan ako at natumba ako sa gitna ng jeep dun na ako pinag tulungan. Andaming humawak ng buhok ko. Sinutok at tinadyakan ako, May nakahakbang pa saken na babae kaya di rin ako makakagalaw.”

Sinuportahan naman ng isang witness at pasahero din sa jeep ang claim ni Giselle na binugbog siya ng buntis na si Cindy.

Ayon sa witness na si Joaquin Mariano, kakaupo lang daw sa jeep ni Cindy ng mag-reklamo itong nasiko siya. Nagalit daw ito at nagsisigaw na. Parang hindi daw ito buntis kung umasta na tumayo pa sa jeep habang dinuduro at pinagmumura si Giselle.

“Naawa ako dapat sa kaniya dahil buntis siya. Kasi di po ba kapag buntis ka dapat alam mo yung kilos at galaw mo, pananalita mo. Sensitive ka kasi buntis ka. Kaya lang Sir, parang hindi buntis ang tingin ko parang halimaw na mananakit ang tingin ko.”

Ito ang pahayag ni Joaquin sa programa ni Raffy Tulfo.

Sagot at paliwanag ng buntis

Ngunit bwelta ng buntis na si Cindy, hindi daw ito totoo. At kaya lang naman siya nag-react ay dahil nasaktan siya.

“Hindi po totoo yan. Buntis po ako. Kung ako hindi nasaktan, hindi ako mag-rereact.”

Ito ang naging pahayag ni Cindy sa isang phone interview sa programa ni Raffy Tulfo. Ayon sa kaniya, siya ay na-isstress sa nangyari. Kung kaya minabuti niyang huwag na munang harapin si Giselle at manatili nalang muna sa bahay nila habang naghihintay ng oras ng kaniyang panganganak.

Dahil sa nangyari ay magsasampa ng kaso si Giselle sa pananakit na ginawa sa kaniya ni Cindy. Sa kabilang banda naman ay inirereklamo rin ni Cindy ang ginawang pagkuha ni Giselle sa kaniya ng video na wala umanong pahintulot niya. Dagdag pa dito ang pagkakasama ng mga mukha ng mga bata at senior citizens na kasama niya.

Ngunit, kung sakaling mapatunayan na totoo ang reklamo ni Giselle, tama ba ang kinilos ng buntis na si Cindy? Lalo pa’t kabuwanan niya at malapit na siyang manganak?

Mga bawal gawin ng buntis

Ayon sa Healthline, isang website tungkol sa mga isyung pangkalusugan, maraming bagay ang mga bawal gawin ng buntis. Ito ay dahil maari itong makaapekto sa development at health ng baby sa kaniyang sinapupunan.

Ang mga bawal gawin ng buntis ay ang sumusunod:

  • Pagkain ng hilaw na karne, shellfish, deli meat, smoked seafood, hilaw na itlog, soft cheese at unpasteurized dairy products. Dahil ang mga ito ay maaring may taglay na bacteria tulad ng salmonella at listeria. Sa halip ay kumain ng healthy foods tulad ng prutas at gulay. Pati na ang mga pagkaing rich in proteins na sasabayan ng pag-inom ng maraming tubig.
  • Umiwas sa amoy ng pintura dahil ang mga kemikal at toxic mula rito ay maaring makasama kay baby.
  • Iwasan ang pag-inom ng kape dahil ito ay maaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure ng buntis.
  • Huwag basta uminom ng gamot na walang preskripsyon ng doktor.
  • Iwasang mag-suot ng mga sapatos na may matataas na takong. Dahil baka sa hindi inaasahang pagkakataon ay mayroong pisikal na mangyari na makakaapekto kay baby.
  • Huwag maninigarilyo o huwag lumapit sa mga taong naninigarilyo. Dahil pati si baby ay nalalanghap ito at makakasama sa mahina pa niyang baga.
  • Huwag uminom ng alak. Dahil ang kemikal mula rito ay humahalo sa bloodstream at mapupunta kay baby na makakasama sa development ng utak at mga organs niya.
  • Iwasan ding gumawa ng mga physical activities na nangangailangan ng sobrang effort o strength mula sa buntis. Ito ay maaring magbigay ng pressure sa tiyan na maaring mauwi sa placental abruption, miscarriage o preterm labor.
  • Huwag gumamit ng illegal na droga dahil hindi lang sa kalusugan ng buntis ito may masamang epekto kung hindi pati narin sa dinadala niya.
  • Iwasang ma-stress. Dahil ang labis na pag-iisip o stress ay nagdudulot ng pagbabago sa katawan ng buntis na makakasama naman sa kaniyang baby.

Ang mga bawal gawin ng buntis na ito ay dapat sundin ng isang babaeng nagdadalang-tao. Ito ay para masiguro niya na magiging malusog at maipanganganak ng nasa oras ang sanggol na kaniyang dinadala.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Sa kaso ni Cindy ay hindi niya nasunod ang ilan sa mga ito. Mabuti nalang at hindi ito masyadong nakaapekto sa kaniya at sa kaniyang baby.

Source: Raffy Tulfo In Action, Healthline, Medical News Today

Photo: Unsplash

Basahin: #AskDok: Bawal ba ang instant noodles o pancit canton sa buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Buntis, nambugbog diumano ng kapwa pasahero sa jeep
Share:
  • 6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

    6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

  • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

    6 stillbirth myth na hindi dapat paniwalaan

  • Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

    Mga ligtas na gamot sa ubo at sipon ng buntis

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.