Baby 'nalunod' sa gatas; Doktor ito ang paalala sa mga magulang

Baby 'nalunod' sa gatas; Doktor ito ang paalala sa mga magulang

Ikaw ba mommy ay nagbe-breastfeeding sa iyong baby? Narito ang mga bawal sa breastfeeding na dapat mong malaman mga mommy.

Paano mo pinapadede ang iyong baby? Narito ang mga bawal sa breastfeeding at bottlefeeding na dapat mong malaman. Iwasan ang mga ito upang maging safe at healthy ang iyong baby. Maaari kasing mauwi sa pagkalunod sa gatas ang mangyari sa inyong baby; na maaaring magdulot ng kapahamakan sa kaniyang kalusugan

Sa isang Facebook ni Dr. Chao-Tiao Yumol, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan ng maging attending doctor siya sa emergency room. Isa umanong baby ang isinugod sa emergency na wala nang buhay. Punong-puno umano ang baga nito ng gatas. Maaari umanong namatay ito dahil sa aspiration.

Ayon kay Dr. Yumol, “This is a consequence of feeding a child laying flat on bed while the parents are asleep.”

Hindi umano maganda ang pagpapadede sa isang sanggol nang nakahiga. Kung ang matatanda ay hindi karaniwang umiinom nang nakahiga, ganito rin ang mga sanggol. Hindi umano ito kaya.

Wala umanong gaanong lakas ang sanggol para sabihin sa kaniyang mga magulang na siya ay nabibilaukan na o nahihirapan sa paghinga. Maaaring sila’y umubo nang umubo o tumigil sa paghinga at mamatay.

mga bawal sa breastfeeding

Young mother breastfeeding newborn baby at home

Paalala ni Dr. Yumol

Mas mainam na tanungin din ang inyong mga healthcare provider o eksperto kung paano ang tamang pagpapadede sa inyong anak. Alamin din ang mga bawal sa breastfeeding at bottle-feeding. Dapat din na alamin o mag-research ng mga bagay patungkol sa pagpapa-breastfeed ng tama para sa inyong anak.

Dagdag pa ni Dr. Yumol, “Never feed your child without your full focus which tends to happen most of the time at night.” At pagkatapos umanong padedehin ang inyong anak, “raise your child to your chest and wait till they expel excess milk and gas from their stomach.” Sa madaling sabi kailangan na madighay ang iyong anak.

Sabi pa niya, “Yung madalas na pag-ubo ng bata habang dumedede ay isa sa mga sintomas na napapasukan ng gatas ang lungs nila. Mas mainam na patingnan sa doktor para makasuguradong ligtas ang mga babies ninyo.”

Narito ang larawan ng tamang position ng pagpapadede sa inyong anak ayon kay Dr. Yumol.

Baby 'nalunod' sa gatas; Doktor ito ang paalala sa mga magulang

Tips para maiwasan ang pagkalunod ni baby habang pinapapadede

  • Siguruhing hindi nakahiga ng flat ang iyong anak habang siya ay pinapadede.
  • Pagkatapos niyo siyang padedehin ay dapat niyo siyang mapadighay upang mailabas ang hangin mula sa kaniyang niyang tiyan.
  • Mag-pokus sa pagpapadede sa iyong anak upang mabantayan kung nauubo na ba siya o nasasamid.
  • Humingi ng payo sa iyong doktor o eksperto sa tamang pagpapadede sa inyong anak.

Maliban sa maari siyang magsuka at ma-choke sa posisyon na ito sa pagpapadede ay maari ring mapunta ang gatas sa tenga ni baby na maaring magdulot ng impeksyon. Ang impeksyon na ito ay tinatawag na otitis media o ear infection.

Ang impeksyon sa tenga ng sanggol o otitis media ay madalas na nararanasan ng mga 6 na buwang gulang na sanggol hanggang sa tatlong taong gulang na bata.

Ito ay dulot ng bacteria o germs na maaring nanggaling sa lalamunan paakyat sa ating middle ear. Sa mga kaso ng mga baby ang gatas na kanilang dinede ay maaring tumulo papunta sa kanilang tenga kapag nakahiga. Dahil sa ito ay basa ay maaring pamahayan ito ng germs at magdulot ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon ng sanggol o ni baby

Ang otitis media ay maari ring maging komplikasyon ng pagkakaroon ng allergy, sipon, o ng impeksyon sa ilong o lalamunan. Hindi naman ito seryosong kondisyon at hindi nakakahawa ngunit nangangailangan ng medikal na atensyon. Ito ay dahil sa mga sintomas nito na nagdudulot ng discomfort sa isang sanggol.

Tandaang ang mga baby ay wala pang sapat na lakas katulad ng mga matatanda. Mas mainam na mas maging maingat kayo mga mommy para maging safety ang breastfeeding niyo ni baby.

 

Source:

Facebook

 

BASAHIN:

STUDY: Pagpapadede, nakakatulong raw para matutunan ni baby ang umaga at gabi

Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

Breastfeeding: Mga pagkain na dapat iwasan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner