Marami talaga ang dapat bantayan kapag nagbubuntis ang babae upang masiguro ang kaligtasan niya at kaniyang baby. Alamin kung ano nga ba ang mga dapat bantayan sa buntis. Pati na ang mga dapat iwasan ng buntis at mga pagkain na bawal sa buntis para sa safe niyang pagdadalang-tao.
Sa isang webinar na isinagawa ng theAsianparent Philippines naimbitahan sina Dr. Kristen Cruz-Canlas – Obstetrician Gynecologist, Dr. Bernadette Anne Cruz-Austero, at mommy influencer na si Ciara Magallanes. Napag-usapan nila ano ng aba ang mga dapat bantayan kapag ika’y buntis.
Marami kasing mga pagbabago na nangyayari sa katawan ng isang babae kapag nagbubuntis siya. Kaya naman kailangan malaman kung normal pa ba o hindi na ang kaniyang nararanasan. Mas magandang malaman ito kung ika’y nagpaplano nang magbuntis at kung nais niyo nang bumuno ng pamilya ng iyong asawa o partner.
Talaan ng Nilalaman
Mga dapat bantayan sa buntis
- Sobrang pananakit ng ulo
- Nanlalabo ang paningin
- Pamamaga ng mukha at daliri
- Sobrang pagsusuka
- Biglaang pananakit ng tiyan
- Walang galaw si baby
- Pagdurugo o vaginal bleeding
- Pagputok ng panubigan
- Masakit na pag-ihi
- Lagnat
Ayon kay Dr. Kristen kapag nakakaranas ka ng unang tatlong nabanggit baka senyales na ito ng preeclampsiaat kailangan niyo nang magpakonsulta sa inyong doktor. Mataas umano ang blood pressure ng buntis kapag nakakaranas ng ganito.
Sa tanong ni mommy Ciara kung may average ba kung ilang beses ang normal na pagsusuka ng isang buntis. Sinagot ito ni Dr. Kristen na,
“Actually, wala pong average ‘yan. Ang Hyper Abritarum dahil sa hormone na beta hcg okay, so medyo malas ka lang talaga kung grabe ‘yung reaction mo. Okay. Pero sa amin magandang sign naman iyon. Kasi ibig sabihin okay ang hormones ni baby makapit si baby. Magandang sign ho ito.”
Pero kapag sobra na talaga ang pagsusuka kontakin na agad ang inyong OB upang makapagpatingin sabi ni Dr. Kristen.
“Kapag sobra na ang pagsusuka at hindi na kayo makakain kontakin niyo po ang ob ninyo kasi puwede pong madehydrate kayo at importante ‘yong serum electrolates.”
Ayon naman kay Dr. Bernadette, “Pwede po kayong manghina, ‘di ba ‘yong legs parang ‘di na kayo makatayo, parang nanlalambot kayo. Kapag nawawalan kayo ng electrolates, kahit nga hindi kayo buntis para na kayong nanlalambot paano kaya kung buntis pa at may nakaasa sa inyong baby.”
Dagdag pa ni Dr. Bernadette, ang labis-labis umanong pagsusuka pero kung nakakapagpahinga ka naman at napapalitan mo iyong naisuka puwede pa at normal lang. Pero kung kahit tubig lang ang iyong na-take at suka ka pa rin ng suka kailangan mon ang magpatingin sa doktor.
Pagpapaliwanag pa nila
Kung nakakaramdam naman ang buntis ng biglaang pananakit ng tiyan agad din umanong magpakonsulta sa inyong OB. Hindi ito normal ayon sa ating mga butihing doktor.
Isa pa sa dapat bantayan ay ang galaw ni baby kapag umanong hindi ka na nakakaramdam ng paggalaw ni baby lalo na kung nasa 27 weeks and above na ang inyong pagbubuntis. Kailangan umanong 10 sipa o galaw ni baby kada oras ang inyong mararamdaman.
Sa pagtatanong naman ni mommy Ciara, sinabi niyang paano umano ‘yong mga ibang mommy na halimbawa na hindi umaabot sa 10 ang nararamdamang paggalaw ni baby.
Sabi naman ni Dr. Kristen, kapag ganun daw kailangan mo pa ng further testing. Halimbawa kung 9 out of 10 lang umano ang iyong naramdaman huwag daw masyadong mabahala.
“Kasi si baby natutulog din. Kapag nagbilang talaga dapat nagkahiga ka talaga at hindi ka busy. At least 2 hours ang monitoring. Kapag 6 o below, mag-ano na po tayo roon.
I-check na po natin. Minsan kapag medyo malaki si mommy at may excessive fat si mommy minsan hindi masyadong ramdam.”
Kung nakakaranas naman ng vaginal bleeding o pagdurugo ang isang buntis isa umano itong BIG NO!
“Any vaginal bleeding during pregnancy is no, no, no bawal yan. Kailangan i-consult niyo po. Puwedeng mababa ‘yong inunan, nagkaroon ng trauma, after sexual contact dinugo nag-lacerate pala. Okay. Maraming iba’t ibang causes.”
Kaya naman mabuting ipakonsulta sa iyong doktor kung nakakaranas ka nito dahil baka nasa delikado na ang lagay ng iyong baby.
Ang masakit din na pag-ihi ay isa sa mga common infection kapag nagbubuntis. Agad umanong magpakonsulta sa doktor kapag nakakaranas ka lagi nito.
Panghuli ang pagkakaroon ng lagnat. Kailangan umanong may thermometer ka upang ma-check lagi ang iyong temperature at hindi haplos-haplos lamang. Karaniwan kasi sa mga buntis ay mainit talaga ang temperature. Dahil umano ito sa progesterone na hormone.
“Kaya kailangan talagang may thermometer. Okay at ang lagnat ay 37.8 and above. So, dapat po alam natin ang mga danger signs na ito. At dapat magkonsulta at makipag-coordinate sa inyong mga ob.”
Makakatulong din ang aming app na theAsianparent upang ma-monitor ang inyong pagbubuntis. Maaari ka ring matutunan ditto kung ano ang mga need ni baby at sa inyong pagbubuntis Pwede niyo itong ma-download sa google play store at app store. I-download ito rito.
Tandaan mas mainam na may kaalaman kayo rito upang agad niyo itong maagapan kung ito’y nararanasan ninyo. Pinakamaganda pa rin ang palaging pagpapakonsulta sa inyong doktor upang ma-monitor ang inyong pagbubuntis.
Pagkain na bawal sa buntis o dapat niyang limitahan sa pagkain
May mga pagkain rin bawal sa mga buntis o dapat niyang limatahan sa pagkain. Ito ay dahil ang pagkain nito ay maaring makaapekto sa kaniyang kalusugan at pagdadalang-tao.
Maalat, matamis at mamantikang pagkain
Paalala naman ni Dr. Ramon Reyles, OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, dapat ay magdahan-dahan ang buntis sa pagkain ng matatamis, mamantika at maalat na pagkain.
Bagama’t may stage sa pagbubuntis na tinatawag nating paglilihi na kung saan mas gusto natin ang mga pagkaing ito. Dapat ay may limit o huwag masyado. Dahil paliwanag ni Dr. Reyles, ito’y maaaring makasama sa kalusugan ng buntis at kaniyang sanggol.
Ang labis na pagkain ng matatamis ay maaaring magdulot ng excessive weight gain sa buntis at sa kaniyang sanggol. Maaari namang makaapekto sa blood pressure ng buntis ang labis na salt intake.
Ganoon din sa kaniyang baby na maaaring makapagresulta sa pre-eclampsia. Habang ang pagkain naman ng mamantikang pagkain ay iniiuugnay ng mga pag-aaral sa dagdag na risk ng pagkakaroon ng gestational diabetes.
Kaya paalala ni Dr. Reyles, hindi naman masamang kumain ng mga ito habang nagbubuntis. Basta’t siguraduhin lang na hindi sosobra o hindi aaraw-arawin.
Isdang may mataas na mercury content
Hangga’t maaari naman ay dapat iwasan ng buntis ang pagkain ng isdang may mataas na mercury content. Ang mercury umano kasi’y ay maaaring humalo sa bloodstream ng buntis. Maaaring mapunta kay baby at makaapekto sa development ng kaniyang utak at nervous system.
Ang ilan sa mga isdang may mataas na content na mercury na bawal kainin ng buntis ayon kay Dr. Reyles ay ang sumusunod:
- Big eye tuna
- King mackerel
- Marlin
- Orange roughy
- Swordfish
- Shark
- Tilefish
Dagdag pa ni Dr. Reyles, ang ibang uri ng isda at seafoods ay may taglay rin na mercury pero hindi ito kasing taas ng level ng mga nabanggit na isda. Tulad ng mga canned tuna na dapat ay nakakain ng buntis ng small o maliit na amount lang.
Hilaw o undercooked na Pigeon
Dapat ding iwasan ng buntis ang mga pagkain may hilaw o hindi naluto tulad ng sushi, ganoon rin ang mga undercooked. Dahil sa ito ay nagtataglay nagtataglay ng harmful bacteria at parasites ang mga ito na makakasama sa pagdadalang-tao.
Tulad na lang ng salmonella, toxoplasma, E. coli at Listeria. Ang mga nasabing bacteria ay maaaring magdulot ng sakit sa buntis na maaaring mauwi sa miscarriage o pagkakalaglag ng dinadalang sanggol.
Maliban sa mga raw at undercooked na pagkain, dapat ding iwasan ang mga unpasteurized foods tulad ng gatas at cheese. Dapat ding laging huhugasan ng maaigi ang mga prutas at gulay bago kainin. Para masiguradong maalis ang mga parasites o bacteria na nakakapit dito.
Inuming may sangkap na caffeine
Ayon pa rin kay Dr. Reyles, dapat ding limitahan ito ang mga inuming may caffeine, tulad ng kape, milk tea at chocolate drink. Hangga’t maari sa kape dapat isang cup o tasa lang sa isang araw.
Ang mga carbonated drinks na may mataas na level ng caffeine at calories ay mas mabuting iwasan na lang muna na rin ng buntis.
Payo ni Dr. Reyles, mas mainam nga na iwasan muna ang mga ito habang nagdadalang-tao at uminom nalang ng tubig na mahalaga sa babaeng nagdadalang-tao.
Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.