Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik

Parte ng relasyon ang pagtatalik. Ngunit mahalaga rin na alamin ang kanilang gusto at hindi!

Narito ang mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa sex.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit importante ang pagtatalik
  • Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik

Parte na ng isang magandang relasyon ang pakikipagtalik. Hindi lang ito isang paraan para makilala ng mag-partner ang isa’t isa kundi makakadagdag din ng init ng kanilang relasyon. Sa katunayan, ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng inimate conversation ng mag-partner ay kinakailangan para mas maging exciting ang kanilang sex life.

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa | People photo created by jcomp – www.freepik.com

Ngayon, kung nais mong magkaroon kayo ni mister ng “bedroom chat” at nag-iisip kung paano ito sisimulan, don’t worry! Narito ang mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol s pagtatalik.

Bakit importante ang pagtatalik?

Isa sa epektibong paraan para maiwasan ang boredom ay magkaroon ng healthy sex talk kasama ang iyong partner. Kailangan niyo rin ng malawakang pag-usapan ang inyong sexual boundaries.

Sa kasamaang palad, maraming couple ang mas pinipiling ‘wag na lang itong pag-usapan. Dahil rito, hindi nalalaman ng isa’t isa ang mga nais at hindi nais sa usapang pagtatalik.

Gayunpaman, ang mga dapat pag-usapan ng mag asawa tungkol sa sex at hindi lang nakakatulong sa kanilang nais at hindi nais. Kundi napapaganda rin nito ang communication skills ng bawat isa. Kama na ang paglalim ng tiwala at intimacy.

BASAHIN:

Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak

7 dahilan kung bakit nawawalan ng gana makipagtalik ang iyong partner

7 mga posisyon at paraan ng pakikipagtalik ng matangkad na lalaki at maliit na babae

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik

Umpisahan ito sa intimate conversation gamit ang tips na ito:

1. Tamang pagtatalik sa tamang oras!

Ang pag-uusap tungkol sa sex ay hindi lamang dapat pag-usapan minsan. Kailangan ito ay regular! Mula sa dalas hanggang sa mga sexual fantasy ng dala ng role play. Kailangan ay bukas ang iyong isipan na pag-usapan ito ng malaya kasama ang itong partner.

Subalit tandaan na sukatin o pag-aralan din ang kanilang pag-iisip sa bawat pag-uusap na ito. Katulad na lamang kung nasa tamang oras ba na pag-usapan niyo ang dapat pag-usapan.

Sapagkat ang isang magandang pag-uusap ay nagiging matagumpay kung ang magkabilang panig ay willing pag-usapan ang isang bagay. Kung hindi man, kailangan mong respetuhin at intindihin ang kanilang mood. Humanap ng tamang oras para pag-usapan ang desire at fantasy ng isa’t isa.

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa | Photo by Womanizer WOW Tech on Unsplash

2. Experiment sa kwarto

Ang paghahanda ng sexual wish list ay isang magandang panimula rin. Magdadala ito sa inyo sa malalim na pag-uusap at exciting na ritwal sa kama. Ayon sa sex educator na si Haylin Belay, isang program coordinator sa Girls Inc. NYC, “Some couples spend years having ‘okay’ sex only to discover that their partner secretly wanted all the same things they did, but didn’t feel comfortable talking about any of them.”

Isa sa mga idea na maaari mong ilagay sa sexual bucket list ay mga laruan, pagbibihis para sa role play at maski ang paggamit ng iba’t ibang bahagi ng inyong kwarto. Tanungin ang iyong partner kung paano sila nakikiliti at kung may maaari ka bang gawin para matulungan sila.

3. Kapag wala ka sa mood

Laging tatandaan na mayroong oras talaga na wala sa mood ang iyong partner para makipagtalik. ‘Wag mag-alala dahil normal ito. Pero ‘wag itong gawing rason para pahiyain sila. Katulad ng paggamit ng mga salitang “Lagi naman.” o “Ayaw mo na lagi..” hindi ito makakatulong. Sa halip, tanungin sila kung ano ang problema at kung ano ang maaari mong maitulong.

May ibang araw na kailangan niyo lang ng simpleng masahe o mainit na yakap. Ito ay indikasyon ng matibay na bonding niyo bilang isang couple.

Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa | People photo created by jcomp – www.freepik.com

4. Gaano kadalas ang pagtatalik

Kailangan niyong pag-usapan ng partner mo kung gaano kadalas ang inyong pagtatalik kahit na abala kayo sa ibang bagay. Makakatulong ito para abangan ng bawat isa ang kanilang presensya.

Mas maganda kung pareho kayong magkasundo. Kung hindi, baka hindi ma-satisfy ang isa sa inyo. Boring man pakinggan ang pagpaplano ng araw kung kailan ang inyong pagtatalik, nakaka-excite rin ito kahit papaano dahil may aabangan ka. Tanungin ang iyong partner kung kailan niya gusto.

5. Kapag kailangan mo ng tulong

Kapag napansin mong medyo nagbabago ang iyong sexual desire, kailangan mong sabihin ito. Kadalasan, kapag may sakit tayo, medikal na tulong ang ating nilalapitan. Subalit sa usapang sexual health, marami ang nahihiyang pag-usapan ito kapag nagkaroon sila ng problema.

Ang mababang sexual drive ay maaaring dahil sa ilang bagay sa iyong buhay: emotional, social o psychological. Maaaring magdulot lamang ng problema sa inyong relasyon kung hindi bibigyan ng pansin ang pagbabagong ito.

Kaya kailangan na alamin ang sexual wellness ng iyong partner. Makakatulong ito para mas maging relax at satisfied ka. Mag-focus sa positibong bahagi ng pakikipag-usap.

Nakakatulong din sa mga couples ang pag-uusap na ito lalo na sa kanilang confidence.

 

Kung nagdadalawang isip ka pang kausapin nag iyong partner tungkol sa bagay na ito, ano pang hinihintay mo? Kausapin na siya!

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

The Asian Parent