Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

undefined

Malapit nang manganak at iniisip pa rin ang mga gamit na kailangan ng newborn baby? Narito ang checklist sa necessities ng iyong little one! | Lead image from Unsplash

Alam ko mommy, sobrang nae-excite ka na sa paparating mong angel! Nasa 3rd trimester ka na at palaki na nang palaki si baby! Ito na ang tamang oras para paghandaan ang grand arrival ng iyong anak. Isa na rito ay ang bili ng mga gamit na kailangan ng newborn baby.

Pero teka, paano nga ba malalaman na ang mabibili mong gamit ay kasama sa “baby essential”?

Relax mommy! Hatid namin sa inyo ang makabuluhang impormasyon na talagang makakatulong sa preparation ng necessities ni baby kapag siya ay ipinanganak mo na.

Narito ang checklist ng mga gamit na kailangan ng newborn baby.

Checklist ng mga gamit na kailangan ng newborn baby

Feeding

newborn baby essentials list

Mga gamit na kailangan ng newborn baby

Alam mo ba na ang most precious bonding experience niyo ng iyong newborn baby ay ang unang pag papadede mo sa kanya? Ang pagkarga at paghawak niya sa ‘yo ay hindi mapapantayan ng kahit sinuman.

Ang breastfeeding ang unang pinagkukuhaan ng isang sanggol ng nutrients. Ngunit may pagkakataon din na inaabiso ng iyong doktor na idaan ito sa bottle feeding na maaaring gatas ng ina o formula milk.

Para sa feeding method, narito ang mga kakailanganin mong supply para sa iyong newborn baby:

Breastfeeding

  • Breast-pump
  • Storage bag para sa gatas
  • Nursing pad
  • Nipple cream
  • Nursing pillow

Bottle Feeding

  • Nipples
  • Bottles
  • Bottle brush
  • Dishwasher basket para sa mga maliliit na gamit
  • Bibs
  • Sterilizer

Tip: Piliin ang mga glass bottle o BPA-free plastic bottle para kay baby dahil ito ay mas safe na gamitin.

Sleeping

Likas na antukin o laging tulog ang mga sanggol lalo na sa kanilang first few months. Dahil rito, kinakailangan nila ng tamang at safe na gamit kapag matutulog.

Narito ang baby essentials para sa nursery:

  • Dresser
  • Baby monitor
  • Rocking chair
  • Nightlight
  • Baby cot
  • Crib o kuna
  • Extra bedding set o mattress

Tip: Iwasan ang maglagay ng maraming gamit lalo na kung hindi kailangan sa kanyang tabi. Pasok dito ang mga unnecessary bedding, pillow at mga laruan. Nakakapagpataas kasi ito ng risk factor ng Sudden Infant Death Syndrome o SIDS.

Bathing

newborn baby essentials list

Mga gamit na kailangan ng newborn baby

Isa ring itinuturing na bonding time with baby ay ang pagpapaligo sa kanya. Ngunit kung ayaw mong mawala ang fun, kailangan mong ihanda ang mga sumusunod:

  • Bath tub for baby
  • Soap or body wash for baby
  • Shampoo for baby
  • Gentle lotion for baby
  • Malambot na towel
  • Baby hairbrush
  • Malambot na washcloth
  • Gentle laundry detergent

newborn baby essentials checklist

Trivia: Ang balat ng sanggol ay ibang-iba sa balat natin. Mabilis mawala ang moisture nito ng 5 times kumpara sa atin. Kaya naman ang mga baby ay prone sa rashes at allergy. Kaya naman mapapansin mong kahit ang sabon nila ay nagdudulot ng pagka-dry sa kanilang mga balat. Maaaring subukan ang Baby Dove! Ito ay mild at makakatulong para ma-moisturize ang balat ni baby.

Changing

Bukod sa pagtulog, mapapansin mo rin na sila ay dumudumi kahit tulog! Kaya naman ang pagpapalit ng diaper ay isang skill na kailangan mong matutunan.

Narito ang kailangan mong bilhin para sa pagpapalit ni baby:

  • Changing table o cushioned changing pad
  • Diaper pail and liners
  • Diaper bag
  • Wet wipes
  • Diaper rash cream
  • Soft washcloths

Tip: Piliin ang mga diaper bag na waterproof o mga microfiber surfaces na maraming bulsa para sa storage. Mas safe din kung gagamitin para kay baby ang mga wet wipes na gentle para sa kanilang balat katulad ng Baby Dove Wipes.

Clothing

Aminin mo mommy, sa mga damit ni baby ka rin pinaka-excited ‘no? Sobrang fulfilling kasi kapag namimili ng mga maliliit at cute na cute na damit!

Ngunit ‘wag magpadala sa excitement mommy! Kailangan pa ring tandaan na may mga damit na kailangan si baby. Narito ang mga sumusunod:

  • Onesies o rompers na may wide head openings (short-sleeved o long-sleeved)
  • One-piece pajamas
  • Medyas
  • Wide-brimmed hat o cap (makakatulong sa proteksyon laban sa araw)

Tip: Mahirap pigilan ang temptation na bumili ng madaming damit ni baby lalo na sa mga first time moms. Ngunit kailangan tandaan na mabilis lumaki ang isang sanggol lalo na sa unang mga buwan nito. Kaya naman mas magandang bumili muna ng kaunting damit para sa kanila at saka maglaan ng pera para sa mga malalaking size ng damit nila na magagamit sa susunod.

Moving

newborn baby essentials list

Mga gamit na kailangan ng newborn baby

Makakatulong din ang paminsan-minsang paglabas ni baby. Ngunit bago ipasyal ang iyong tsikiting for the first time sa park o mahabang road trip, kailangang tandaan ang mga gamit na ito:

  • Car seat (kung kayo ay may sasakyan)
  • Stroller
  • Baby carrier

Tip: Sa ibang bansa, mandatory ang pagsusuot ng baby car seat sa kanila. Habang dito sa atin, mayroong tayong bagong bill na RA 8750, The Philippine Seat Belt Law. Nakapaloob dito na kailangang maglagay ng car seat para sa mga bata ang mga may-ari ng sasakyan.

Iba pang mga gamit na kailangan ng newborn baby

Bukod sa mga nakalista sa taas, narito pa ang ibang essential items na kailangan mong idagdag sa iyong list para mabigyan ng best-ever care si baby:

  • Baby nail clippers
  • Baby thermometer
  • Aceite de manzanilla (oil of chamomile) – Sikat at kilalang oil ito para sa mga newborn dito sa bansa. Nakakatulong ito para mabawasan ang pressure o pananakit ng tiyan ng isang bata.
  • First-aid kit

Moms, umaasa kaming nakatulong ang checklist na ito para mabigyan ng best care ang iyong little VIP. Once na maihanda mo na ang lahat na ito, madali na lamang ang iyong bonding kasama si baby.

Maaaring tignan pa ang ibang Baby Dove products dito.

 

If you want to read the english version of this article, click here.

 

BASAHIN:

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

#BattleOfTheBest: Anong madalas mong gamitin kay baby, tape o pants diaper?

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!