Biglang excited preggy mom, panigurado ay nakabili kana ng mga gamit ni baby sa kanyang nursery room katulad ng crib, blankets, clothes o kaya naman mga laruan. Pero ang tanong mommy, nakabili kana ba ng gatas para kay baby? Similac vs Nan? Ano ang choice mo mommy para kay baby?
Gaano kahalaga ang breastfeeding kay baby?
Ang pagpapasuso ng ina sa kanyang bagong silang na sanggol ay isang tagpong hindi mapapalampas ng karamihan lalo na ng mga first time moms.
Ang breastfeeding ay imporante hindi lang para kay baby kundi pa na rin kay mommy. Ngunit ano nga ba ang mga benepisyong makukuha sa gatas ng ina?
1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies
Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.
2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t-ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil dito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kanyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso ay kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.
Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.
3. Mapoprotektahan si baby sa sakit
Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t-ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:
Bukod pa dito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan rin ang obesity o labis na katabaan sa kanyang edad.
Dagdag pa dito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!
Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng atleast 1 year. Makakatulong ito sa kanya at syempre para sa iyo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa’yo para mabawasan ang iyong timbang.
Pero naiintindihan din natin na hindi lahat ng ina ay kayang makapag produce ng sapat na gatas sa kanyang baby. Ito ang dahilan kung bakit lumilipat sila sa formula drink na pwede sa mga newborn babies bilang alternatibong gatas.
Isa ang Similac at Nan sa dalawang pinagpipiliang formula milk para sa newborn babies. Ating isa-isahin ang kanilang benefits at ano ang nilalaman ng kanilang gatas.
Similac vs Nan? Ano nga ba ang mas maganda para kay baby?
Similac vs Nan
SIMILAC
Ang Similac products ay may tatlong pangunahing ingredients. Ito ang DHA kung saan makakatulong sa brain development ni baby, sumunod ang Lutein para sa malinaw na mata at ang panghuli ay ang Vitamin E na ang panunahing trabaho ay ang pagdevelop ng cells.
Mayroon ring 2’-FL HMO ang Similac na makakatulong para sa matibay na immune system ni baby. Palm olein oil-free rin ang Similac na makakatulong sa calcium para sa pagpapatibay ng buto ng anak mo. Ang Similac ay mayroong gatas para sa newborn, toddler at para sa mga ina!
Ang Similac Pro-advance ay para sa mga newborn babies hanggang 6 months old.
PRICE: ₱694.00
Shop now at: Similac HMO
NAN
Ang Nan Optipro One ay para sa mga newborn babies hanggang 6 months old. Naglalaman ng apat na pangunahing ingredients ang kanilang produkto na makakatulong kay baby.
Nandyan ang Bifidus BL na magagawang patibayin ang immune system ni baby, kasama na ang Human Milk Oligosaccharides. Nariyan rin ang DHA para sa brain growth at visual acuity ng bata. Samahan pa ng protein na makakatulong sa pag build ng muscles ni baby.
‘Wag mag alala mommy dahil ang NAN ay walang dinagdag na sucrose o mas kilala bilang table sugar.
Ang NAN ay mayroong gatas para sa newborn, toddler, low birthweight infants, infants na mayroong lactose intolerance at minor gastro-intestinal problems.
Maaaring inumin ang NAN Optipro One ng mga newborn babies hanggang 6 months old.
PRICE: ₱1,298.00
Shop now at: NAN Optipro HW One
Narito ang comparison breakdown ng Nutrition Information ng Similac Pro-advance at NAN Optipro One.
|
Similac HMO
|
NAN Optipro One
|
DHA, Lutein, at Vitamin E, Para eye at brain development
|
DHA, Vitamin E, Para sa eye development at immune system
|
Protein, tulong sa pagbuo ng muscle |
Protein, tulong sa pagbuo ng muscle |
Linoleic Acid |
Linoleic Acid at a-Linoleic Acid |
Carbohydrates, tulong sa energy |
Carbohydrates, tulong sa energy |
Choline, tulong sa brain cells |
Choline, tulong sa brain cells |
Inositol, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion |
Inositol, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion |
Sodium, makokontrol ang tubig sa katawan |
Sodium, makokontrol ang tubig sa katawan |
Potassium, sinusuportahan ang blood pressure, cardiovascular health, bone at muscle strength |
Potassium, sinusuportahan ang blood pressure, cardiovascular health, bone at muscle strength |
Chloride, mababalanse ang acid |
Chloride, mababalanse ang acid |
Calcium, tulong sa pagbuo ng buto |
Calcium, tulong sa pagbuo ng buto |
Phosphorus, importante sa buto at ngipin |
Phosphorus, importante sa buto at ngipin |
Magnesium, napapanatili ang heart rhythm at matibay na buto |
Magnesium, napapanatili ang heart rhythm at matibay na buto |
Iron, tulong sa blood cells |
Iron, tulong sa blood cells |
Copper, mahalaga sa bone strength, pagpapatibay ng blood cells, cholesterol at glucose metabolism |
Copper, mahalaga sa bone strength, pagpapatibay ng blood cells, cholesterol at glucose metabolism |
Zinc, tulong sa cells |
Zinc, tulong sa cells |
Manganese, tulong sa development ng bone at pancreas |
Manganese, tulong sa development ng bone at pancreas |
Iodine, tulong sa metabolism at nervous system |
Iodine, tulong sa metabolism at nervous system |
Selenium, mahalaga sa brain health at physical growth |
Selenium, mahalaga sa brain health at physical growth |
Vitamin A, D, E, C, B1, B2, B6, B12, K |
Vitamin A, D, E, C, B1, B2, B6, B12, K |
|
Taurine, mahalaga sa detoxification |
|
Nucleotides, antioxidant para maiwasan ang retinal lesion |
|
ARA, tulong sa skin at hair growth |
|
L-carnitine, tulong malipat ang fatty acid sa cell |
Mahalagang paalala:
Ayon sa mga eksperto, ang formula milk ay walang antibodies na makukuha para sa pangunahing kailangan ni baby. Nagpapatunay dito ang mga pag-aaral na ang mga baby na hindi dumaan sa breastfeed ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng diarrhea, pneumonia at infection. Ang pag-inom ng formula milk sa baby ay isang alternatibong paraan lamang kung walang sapat na gatas ang ina para sa kanyang anak.
Kaya naman ang payo ng mga eskperto, ugaliin ang breastfeeding kay baby.
Source:
Healthline
BASAHIN:
Tips kung paano babalik sa breastfeeding pagkatapos ng bottle feeding
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!