Naiisip niyo na ba ng iyong partner na bumukod na ng bahay mula sa inyong mga magulang? Kung oo, narito ang mga dapat mong malaman sa mga gastusin sa bahay kapag kayo’y bumukod na.
Hindi naman masamang tumira kasama ang inyong mga magulang or in-laws. Pero iba pa rin kapag kayo’y may sariling bahay at nakabukod.
Maraming mga kailangang paghandaan kapag gusto niyo nang bumukod. Hindi rin kasi iba ang mga gastusin sa bahay lalo na ngayon. Dapat financially ready na kayo. Mas magandang paghandaang mabuti bago kayo bumukod ng bahay.
Mga Gastusin Sa Bahay: Paghahandaan Na Expenses Sa Pagbukod | Image from freepik
Expenses na dapat paghandaan
Bahay
Mga Gastusin Sa Bahay: Paghahandaan Na Expenses Sa Pagbukod | Image from freepik
Gusto niyo nang bumukod siyempre ang una dapat niyong iniisip ang bahay. Anong klaseng bahay ba ang dapat niyong kunin? Uupa ba muna kayo?
Ito dapat ang unang niyong kinukunsidera. Mas magandang kapag bumukod kayo ay sarili niyo na itong bahay. Pwede kayong kumuha ng mga bahay na rent to own.
Rent a house
Kapag biglaan kayong nagplanong bukod at walang plano ay best option sa inyo ang mag-rent muna ng isang bahay. Sa metro manila nara-range sa 5,000-10,000 or mas mataas pa. Depende pa rin ito sa anong klaseng bahay ang gusto niyo o kaya naman kung saang lugar.
Condo
Pwede rin namang sa kumuha kayo ng isang condo unit kung gusto niya condo living life. Kapag condo ang tipikal na price range ay nasa Php 1,000,000 – Php 5,000,000 o mas mataas pa depende kung saan, sino ang developer at kung anong type (studio type, 1-bedroom, 2-bedroom, 3-bedroom). Ang cons lang sa condo ay monthly pa rin.
Rent to own houses
Mainam ang mga rent to own house dahil habang nagbabayad kayo monthly ay pwede niyo nang maari ang bahay. Swak ito sa mga wala pang ganu’ng kalaking ipon para bumili agad ng sariling bahay.
Sa ngayon may mga developer na nag-o-offer ng rent to own houses from Php 4,500 pesos – Php 50,000 pesos o mas mataas pa. Nakadepende pa rin ito sa lugar ng bahay at kung anong klaseng bahay ba ito.
Pagpapatayo ng sariling bahay
Kapag gusto niyo talagang bumukod ng bahay at tumira sa inyong dream house siguradong mas okay ang option na ito. Sino bang ayaw mapagawa ang kanilang dream house?
Kung kayo’y may sapat na ipon na para magpatayo ng sariling bahay. I-push niyo na. Bumili na ng lupa agad, lalo na kung may naipon naman na kayo.
Tumataas kasi ang value ng lupa taon-taon kaya mas mainam kung ibibili niyo na ang inyong naipon ng lupa. Habang nasa mababa pa itong price.
Ang maganda rito’y kayo rin ang magde-design ng inyong dream house. Kayo ang magtatayo from scratch. Pero siyempre dapat handa talaga kayo financially.
Ngayon kasi naglalaro sa Php 500,000 – Php 10,000,000 o mas malaki pa ang presyo ng lupa. Nakadepende pa rin ito sa lugar. Bukod pa rito ang mga expenses na gagastusin sa pagpapatayo ng bahay.
Umaabot din sa Php 1,000,000 – Php 10,000,000 ang maaari niyong magastos sa pagpapagaw ang dream house. Maaari pang mas malaki iyan depende sa inyong taste. Kasama na riyan ang mga appliances na kailangan sa loob ng bahay.
Kapag magpapatayo o bibili ng bahay mas magandang naka-ensured ito. Para kahit paano kung magkaroon man ng aberya may makukuha pa rin kayo.
Mga bayarin
Mga Gastusin Sa Bahay: Paghahandaan Na Expenses Sa Pagbukod | Image from freepik
Parte na talaga ng buhay ang pagbabayad ng napakaraming bills buwan-buwan para sa ating mga pangangailangan. Kapag nakatira kayo sa in-laws niyo makakatipid ka talaga dahil hindi ka na nagbabayad sa bahay. May kahati ka rin sa iba pang needs sa bahay.
Nariyan ang kuryente, tubig, internet connection, groceries, at iba pang pangangailangan. Maaaring umabaot sa Php 10,000-20,000 ang inyong monthly bills. Depende sa inyong budget at pangangailangan.
Kuryente
Kailangang marunong kayo kung paano mag-budget ng paggamit ng kuryente. Maraming couples madalas pagtalunan ang bayarin sa kuryente. Kaya para makaiwas sa bangayan na rin at ma-budget ang pera magtabi na para sa pambayad sa kuryente.
Pwedeng pumatak ng Php 1,000-Php 5,000 ang inyong bill. Nakadepende pa rin ito sa inyong paggamit. Ang mahalaga dapat may nakatabi na kayo para rito. Mahalagang hindi nahuhuli sa pagbayad sa kuryente dahil basic need ito.
Tubig
Gayundin ang pagbabayad sa tubig. Siguruhing nakapagtabi ng pambayad sa tubig buwan-buwan. Naglalaro sa Php 500 – Php 3,000 ang karaniwang bill sa tubig. Maiiba rin ito depende sa gamit ninyo.
Internet
Digital age na ngayon kaya naman kailangan talaga ng internet. Kung may internet connection kayo make sure na nagtabi na rin kayo ng budget para rito.
Mahirap mawalan ng internet lalo na kung ginagamit niyo ito sa pagtatrabaho. Ang mga price range ngayon ng internet connection ay Php 1,000 – Php 5,000. Pumili ng plan na swak sa inyong budget.
Pagkain
Pinakaimportante sa lahat ang pagkain. Sa inyong budget kailangan i-consider na dapat mas malaki ang budget sa inyong pagkain. Kung kayo’y may anak na siyempre dapat mas malaki ang inilaan niyong budget sa pagkain at kanyang needs. Maaaring maglaan ng Php 10,000 pataas na budget kada buwan sa pagkain.
Kapag may anak na rin kayo siyempre kailangang i-consider ang kanyang edukasyon. Makakasama rin ito sa inyong expenses sa buhay. Once na kayo ay bumukod na sa inyong in-laws.
Matuto talaga kayo kung paano mag-budget ng pera. Mahalaga ang may ipon para sa inyong future, lalo na kung may mga anak na kayo. Mas mainam daw na itabi agad ang kalahati ng sahod para sa inyong ipon.
Mga Gastusin Sa Bahay: Paghahandaan Na Expenses Sa Pagbukod | Image from freepik
Pag-isipang mabuti kung handa na ba kayong bumukod. Mas makakaipon kayo kung sa in-laws kayo nakatira habang pinag-iipunan ang inyong dream house.
Pero siyempre hindi naman talaga mawawala ang hindi pagkakaunawaan minsan ng mga mag-i-in-laws. Tandaan na unawain at mas maging mapagkumbaba, at makisama ng maayos. After all magulang din niyo rin. Handa kayong gabayan at tulungan.
SOURCE:
BASAHIN:
Happy Wife Happy Life: Ang sikreto sa masayang pag-aasawa
10 paraan para mapabuti ang relasyon sa in-laws
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!