Michelle Madrigal divorced na, lumipat sa bagong apartment kasama ang anak: “It's tiny, but it's mine.”

Ayon kay Michelle, excited at kinakabahan siya sa bagong buhay niya pero siya ay tunay na masaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Michelle Madrigal divorce na ang kasal sa dating mister at American football player na si Troy Woolfolk. Lumipat na ang aktres sa kaniyang bagong bahay kasama ang anak na si Anika.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Michelle Madrigal and Troy Woolfolk divorce
  • Bagong buhay ni Michelle Madrigal
  • Michelle mixed emotions sa bagong chapter ng buhay niya

Michelle Madrigal and Troy Woolfolk divorce

Image from Michelle Madrigal's Instagram account

April 13, 2019 noong ikasal ang aktres na si Michelle Madrigal sa American football player na si Troy Woolfolk. Sila ay nagkaroon ng wedding sa Austin, Texas kung saan naging saksi sa pag-iisang dibdib nila ang dalawang taong gulang palang noon na si Anika. Si Anika ang nag-iisang anak nila Troy at Michelle.

Sa parehong araw ngayong taon ay ibinahagi ni Michelle na opisyal nang nagtapos ang chapter sa buhay niya kasama si Troy bilang kaniyang asawa. Dahil ang kasal nila ay tuluyang na-divorce at ngayon, sila ay may kaniya-kaniyang buhay na.

“An ending to this chapter… Yesterday was supposedly a day we celebrate our union few years back.

Fast forward to 2022, it’s a completely different story because this marriage is at the end of divorce (took some time but have been legally separated). An ending to something that once gave her happiness and joy.”

Ito ang bahagi ng post ni Michelle tungkol sa kinahantungan ng pagsasama nila ng dating asawa.

Malungkot man sa nangyari sa kanilang relasyon ay sinabi naman ni Michelle na handa na siya sa bagong buhay niya. At marami na siyang natutunan sa mga napagdaanan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yes marriage is a lot of hard work, but both parties should be willing to evolve and change individually (do the inner work). This woman is a complete different person a year ago. She’s constantly evolving and relearning about herself.”

Ito ang sabi pa ni Michelle sa naturang Instagram post.

Michelle Madrigal lumipat na sa kaniyang bagong bahay

Ngayon namang Linggo, matapos ang tuluyan ng paghihiwalay ni Michelle at Troy ay lumipat na ang aktres sa bago niyang bahay. Doon ay makakasama niya ang anak na si Anika bagamat patuloy parin ang co-parenting set-up nila ng dati niyang asawa.

Ayon kay Michelle ay ibinenta niya ang dating bahay na tinitirhan nila ni Troy at lumipat siya sa isang maliit na apartment, na very happy siya dahil sariling space niya na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s been a process to day the least. But yeah I am getting out of the house, selling the house. All the feels like packing and all that, it’s finally coming to an end of not living in the same house.”

“It's tiny, but it’s mine. It’s my own space, definitely a fresh start.”

Ito ang sabi ng aktres sa kaniyang vlog tungkol sa bagong bahay na nilipatan niya. Masayang pang sabi ni Michelle na sa wakas magagawa niya na ang gusto niya sa bagong bahay na kung saan maituturing niyang sa kaniya.

“The best thing of having your own place is you can do whatever you want. Hindi naman coffee drinker 'yong Daddy ni Anika so now I can have my coffee bar. I can fix up the space the way I want. Happiness!”

Dagdag pa niya, nalulungkot rin siya sa kinahantungan ng pagsasama nila ni Troy lalo pa’t may anak sila. Pero gagawin niya ang lahat para maihanda at matulungan ang anak sa bagong set-up na ito sa mga buhay nila.

“Nalulungkot din ako syempre. I don’t think happy tayo kapag ka maghihiwalay. I’m just now getting Anika ready for having two separate homes. But it’s a fresh start so I’m happy that I’m here."

Image from YouTube video of Michelle Madrigal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Matteo Guidicelli wants farm life for his future kids: "They will learn how to touch soil, be in the mud."

Michelle Madrigal on why her marriage did not work: “We’re not really compatible at all”

Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”

Michelle mixed emotions sa bagong chapter ng buhay niya

Image from Michelle Madrigal's Instagram account

Sa huli ay nagpasalamat si Michelle sa lahat ng taong sumuporta at sumubaybay sa naging takbo ng buhay niya nitong mga nakaraang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I just want to say thank you guys for all your support. I just continue to vlog and update you guys with this new life, this new chapter of my life.”

Pag-amin niya pa, mixed emotions siya sa ngayon. Pero alam niyang makakaya niya dahil maraming pagsubok na ang nalampasan niya.

“I’m just excited. I'm nervous. Lahat na ng feelings nandoon, takot, uncertainty. I know, by God’s grace, everything is going to be fine. I am not just saying that because I’ve been put to a test through and through and He’s always been there.”

“So My faith is here. It’s just that minsan, siyempre tao lang din, hindi natin napipigilan maging negative, right? I honestly just try to stay busy para hindi ako masyadong mag-isip. I know Anika and I are gonna be okay.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Agosto ng nakaraang taon ng inanunsyo ni Michelle na hiwalay na sila ng mister na si Troy Woolfolk. Ito ay dahil sa incompatibility na napag-usapan nila ng maayos kaya naman nanatili silang magkaibigan para sa anak nilang si Anika na limang taong gulang na sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement