REAL STORIES: "Natu-turn on ang mister ko kapag iniinom niya ang breast milk ko"

REAL STORIES: "Natu-turn on ang mister ko kapag iniinom niya ang breast milk ko"

Ibinahagi ng isang ina ang milk fetishism ng kanyang mister sa kanyang breast milk. Alamin ang kanyang kwento at ng mga komento ng iba pang users ng Reddit.

Nag-aalala ang isang ina sa kakaibang trip ng kanyang asawa sa pagtatalik. Tila nagbago na ito mula kinky papuntang freaky at hindi niya na alam ang gagawin niya. Ipinaliwanag ng hindi nagpakilalang ina ang milk fetishism ng kanyang asawa sa kanyang breast milk. Umabot na ito sa punto na hindi sila magtatalik hanggang sa hindi nakaka-inom nito ang lalaki. Siya ay humihingi ng tulong dahil ayon sa kanya: “Sobrang weird na at masyado nang matagal nangyayari ito.”

Aksidente lamang nagsimula, ngunit nahuhumaling na ang kanyang asawa sa breastfeeding habang nagtatalik.

husband gets horny from breastmilk

Image source: Reddit

Sa paliwanag ng misis sa kanyang Reddit post, “Inosente lamang itong nagsimula nang nagtatalik kami at aksidente siyang naka-inom ng breastmilk habang sinisipsip ang nipples ko.”

Hindi man ito ang trip ng misis, ayaw niyang ipahiya ang kagustuhan ng asawa kaya hinayaan niya lang ito. Subalit ngayon “nilalabasan nalang siya kapag sinisipsip niya ang breast milk ko,” sulat niya.

“Kinausap ko na siya tungkol sa pag-aalala ko dahil pinapag-wean ko na ang baby mula sa breast milk kaya dapat narin niyang itigil ito,” paliwanag niya. Ngunit hindi sumasang-ayon ang kanyang mister. “Wala siyang nakikitang problema at hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan ko siyang i-wean.”

Sa totoo, para sa ina ay weird ito

husband gets horny from breastmilk

Ngunit hindi nakikinig ang kanyang mister, at hindi niya alam paano ito papatigilin. “Umabot na sa puntong sumusuko ako dahil ayaw niyang makinig. Sobrang weird na at masyado na itong matagal na nangyayari,” ayon sa kanya. “Maaaring para sa ibang mag-asawa ay hindi ito malaking problema.”

Ngayon gusto niyang malaman: “Over reacting ba ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulong!”

 

Milk fetishism

Ang milk fetishism ay mas kinikilala bilang lactophilia. Ang mga nakakaranas nito ay nakakakuha ng sexual pleasure mula sa panonood ng babae na naglalactate, at tulad ng nararanasan ng nagpost, ay sumisipsip ng breast milk habang nakikipagtalik.

 

Online, naguguluhan ang iba sa bagong fixation ng mister.

via GIPHY

“Kahit kailan ay di ko naisip na mababasa ko ang pangungusap na ‘i-wean ang mister ko sa breast milk’,” ayon sa isang comment.

REAL STORIES:

Binahagi naman ng isa pang user na baka mas karaniwan pa ito kumpara sa kanilang iniisip. “Ilang taon nang nakalipas ay nagdaan din sa ganito ang kaibigan ko sa asawa niya. Subalit, nagka-diarrhea ang mister niya dahil sa gatas kaya itinigil din nila,” ayon sa comment.

REAL STORIES:

“Nandidiri ako ngayon sa sarili ko na umabot ako ng ganito kalayo at umabot sa ‘sapat na Reddit na ito ngayong araw’ support club,'” sabi ng isa pang nagkomento.

Ngunit hindi lahat ay natatawa. Tingin ng iba ay sobra na ang ginagawa ng mister.

via GIPHY

REAL STORIES:

“Problema to,” sabi ng isang commenter. “Walang problema sa pagkakaroon gn kink — isang bagay na kakaiba na nagpapa turn-on sayo. Ngunit kung kailangan mo ang bagay na iyon para labasan, hindi na kink yun, fetish na yun. At kung hindi trip ng parehong partners ang fetish, problema yun.

“Kung parang hindi sapat ang pag-usapan ito, baka kailagnan niyo nang pag-usapan nang diretso ito. ‘Dude, yung milk thing ay nakakakilabot na sakin,” dagdag pa ng user.

“Hindi niya pa nga ito kailangang i-justify gamit ang feelings,” ayon pa sa isa. “May KARAPATAN siya na mag sabi ng ‘NO’ at i-mean ang kanyang ‘NO.'”

Ang sexual boundaries mo ay HINDI negotiation,” sabi ng ikatlong commenter. “Kahit papaano, dapat gawin niya PAREHO, sabihin ang NO… at tsaka sabihin kung bakit. Hindi niya kailangang i-negotiate ang kanyang sexual boundaries, kahit pa kasal sila.”

Pero may isang may mungkahi na medyo mas nakaka-gaan: “Painumin mo siya ng formula lol.”

 

Ang article na ito ay unang na-publish sa CafeMom at ini-republish ng theAsianparent nang may pahintulot.

Sources: theAsianparent Singapore, Psychology Today

Basahin: REAL STORIES: “Hindi ako satisfied sa sex life naming mag-asawa dahil mabilis natatapos si mister”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner