SURPRISE! Morisette Amon and David Lamar kasal na!

Narito ang naging love story at ang nakakakilig na tagpo sa kasal nila David at Morisette.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

David Lamar at Morisette Amon wedding film, must watch panoorin ng mga couples na nagbabalak magpakasal. Alamin dito kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • David Lamar at Morisette Amon wedding film at highlights.
  • Morisette Amon at David Lamar love story.

David Lamar at Morisette Amon wedding film at highlights

Image from Nice Print Photography

“Surprise after surprise after surprise! ♡”

“We are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED!”

Ito ang masayang pag-aanunsyo ng singer na si Morisette Amon na sila ay kasal na ng fiancé at singer rin na si David Lamar. Ang masayang balita na ito ay unang ipinost ni Morisette sa kaniyang Instagram account. Sinundan ito ng pag-popost niya ng kanilang wedding film ni David sa kaniyang YouTube channel.

Base sa post ni Morisette, ay ilang buwan na ang nakakalipas ng maganap ang kanilang kasal. Pero ito ay kanilang pansamantalang isinekreto na naging mahirap daw gawin. Kaya naman sobrang saya niya sa ngayon na naibahagi niya na ito sa wakas sa publiko.

“It was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we're finally Free!”

Ito ang sabi ni Morisette. Dagdag pa niya, hindi naging madali ang pinagdaanan ng pagmamahalan nila ni David. Pero sobrang saya niya sa ngayon na ito ay ganap ng asawa niya. Sobrang excited din daw siyang harapin ang buhay sa araw-araw na ito ang kasama.

“What a ride it's been, @Dave Lamar !!!! to the stars and the Moon, I love you my Husband! thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together. And I can't wait to keeping going Up and Away and experience it all with you!”

Ito ang sabi pa ni Morisette.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

David Lamar at Morisette Amon love story

Samantala, kalakip ng mensaheng ito ay ang wedding film nina Morisette at David. Ang wedding film ay tumagal ng higit sa 15 minuto. Dahil ito ay binubuo ng apat na kantang isinulat at kinanta mismo ni David at Morisette. Dito itinatampok ang naging love story nila at higit sa lahat ang kanilang naging kasal.

Sa bandang simula ng video ay ibinahagi ni Morisette at David kung paano nagsimula ang pagtitinginan nilang dalawa. Sila umano ay unang nagkakilala noong 2011 habang gumagawa ng cover ng isang kanta sa TV5. Doon palang ay naging magkaibigan na sila. Hanggang sa muli silang nagkasama sa “The Voice” sa ABS-CBN na kung saan nag-develop ang feelings nila sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Morisette: “I was able to develop that personality na sobrang galing kong mag-keep ng emotions ko inside and then you were the one that really I found really comfortable just sharing stuff with. Hanggang pati mga stuff that I really don’t tell people sinasabi ko narin sayo.”

David: “I guess that's what gravitated me towards you as a friend, it was just, like, conversations were just easy na parang di mo na namalayan na ilang oras na pala kayong nag-uusap about random things.

M: “At magkaibang time zones pa.”

Ito ang bahagi ng pag-uusap ni David at Morisette na tampok sa wedding film na kanilang ginawa.

Ikinuwento rin nilang dalawa na mayroon sila noong tinatawag na rooftop dates. Dahil doon daw sila nagkikita sa rooftop ng condo na tinutuluyan ni Morisette noon. Sa rooftop din na iyon nag-propose ng kasal si David kay Morisette.

BASAHIN:

Riva Quenery’s dad sa unexpected na pagbubuntis ng anak: “I felt betrayed”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Lahbati sa pagkakaroon ng stretch marks: “It took me awhile to accept that. My biggest insecurity.”

LOOK: Vocalist Champ Lui Pio marries non-showbiz partner named Claire Nery

The super kilig wedding

Matapos nga ang isang taon ng mag-propose si David, ang kanilang kasal ay naisakatuparan na. Bagamat hindi ibinahagi nina Morisette at David ang eksaktong petsa ng kanilang kasal, ito ay ginanap sa Old Grove Farmstead sa Lipa, Batangas. Ang venue ay napuno ng pink at red flowers na inarrange ng wedding stylist na si Gideon Hermosa. Habang si Morisette napakaganda sa wedding gown na dinesenyo ni Michael Leyva.

Kahit ang ulan ay hindi napatigil ang kasal nila Morisette at David na mangyari. Ang mahalagang okasyon na ito sa kanilang buhay ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Makikita nga doon ang singer na si Moira Dela Torre at kaniyang mister na si Jason Marvin Hernandez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Morisette: Finally, this day has come that I can officially call myself your wife. I am thrilled to be spending the rest of my life with you. Forever and always, "Gihigugma tika". I love you.

David: “Gihigugma sad tika. I love you too.”

Ito ang palitan ng mensahe ni David at Morisette sa kanilang naging kasal.

Image from Nice Print Photography

 

Photo from:

Nice Print Photography

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement