Mother’s day gift this 2020
Paano mo bibigyan ng regalo ang isang taong mapagbigay? Katulad ni mommy na siyang nagbibigay ng lahat ng kailanganin natin sa pang araw-araw. Kaya naman hirap tayong mga anak na mag-isip ng gift ngayong mother’s day 2020. Ngunit para makatulong sa iyong pag-iisip ngayong mga araw ng nanay, narito ang mga classic surprises na hinding-hindi kumukupas.
Mother’s day gift 2020 | Image from Freepik
1. Mag-sip ng DIY gift
Madali ang bumili ng regalo ngunit hindi ba mas magandang gumawa ng regalong ibibigay kay mommy? Para naman kay daddy, maaari mong suportahan ang iyong mga anak na maging creative para sa magiging regalo kay mommy. Sa mga nanay, hindi importante kung mahal ba ito. Masaya na sila sa mga simpleng bagay na ibibigay sa kanila ngunit paniguradong dagdag kasiyahan sa kanila ang effort na ibinigay mo sa kanilang regalo. Bakit hindi mo itry na gumawa ng DIY mother’s day gift ngayong 2020? Paniguradong less hassle ito at hindi mo na kailangang lumabas pa! Budget friendly at masusubukan pa ang creative cells mo.
Maaari mo ring bisitahin ang Photobook para sa iba pang choices sa iyong regalo kay mommy!
Mother’s day gift 2020 | Image from Freepik
2. Work-out!
Ang pag exercise na kasama ang iyong nanay ay makaka pagpalabas ng endorphins. Health is wealth, ika nga. Kaya naman ang paghikayat sa kanyang mag exercise ay isang magandang regalo para na rin sa kanyang kalusugan. Makakapag lift din ng mood ang ehersisyo at mapapanatili ang pagiging energetic ni mommy! Hindi naman kailangan ng mabigat na physical workout pero maganda na rin na nagagalaw ang mga muscles at buto dahil sa exercise. Ngunit panigurado, nakaka pagod ang mag workout. Kaya naman mag handa agad ng healthy meal na pwede niyong pagsaluhan pagkatapos.
3. Breakfast in bed
Bigyan naman si mommy ng proper enough sleep at hayaang hindi gumising ng maaga. Tawagin ang si ate, kuya at bunso kasama na rin si daddy at maging busy sa kusina! magluto ng paboritong breakfast ni mommy katulad ng egg, bacon with fruits, samahan pa ;yan ng mainit na kape! Syempre ‘wag rin kakalimutan ang color red na bulaklak sa tabi ng plato. Maaari mong sorpresahin si mommy sa pamamagitan ng breakfast in bed! Paniguradong buong araw itong nakangiti dahil sa nilutong pagkain na hinain sa kanya.
Mother’s day gift 2020 | Image from Freepik
4. Batiin ng maaga
Magiging mas memorable pa ang mother’s day gift ni mommy ngayong 2020 kung ito ay babatiin mo ng maaga. Mararamdman kasi nitong special siya at hindi niyo nakalimutan ang importanteng araw para sa kanya. Umpisahan ang kanyang araw sa pamamagitan ng paghahain ng paborito niyang agahan. Atsaka paghahanda ng dress na gagamitin sa inyong dinner date with family! Oh teka, ‘wag kakalimutan ang flower bouquet at ang matamis na kiss sa cheeks ni mommy!
5. Mag set ng reunion
Hindi natin maaalis ang fact na gustong-gusto ni mommy na makita ang mga kamag-anak nito at mag spend ng quality time. Kaya naman bakit hindi gawing mas special at memorable ang mother’s day sa pamamagitan ng reunion? Magpatulong kay daddy na mag plano ng gagawing surprise reunion kay mommy lalo na kung mayroon kayong malaking pamilya. Imbitahin na sina lolo, lola, tita, tito, pinsan, bestfriend, ninang at ninong!
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: Easy Do-It-Yourself gifts para kay nanay ngayong Mother’s Day
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!