5 adventurous na sex positions na dapat subukan ninyong mag-asawa

5 adventurous na sex positions na dapat subukan ninyong mag-asawa

Heto ang aming listahan ng mga must-try sex positions na dapat subukan ng mga mag-asawa, lalong-lalo na sa mga adventurous sa kanilang sex life.

Pagdating sa buhay, mahalagang sumubok tayo ng mga bagay-bagay kahit isang beses lang. Pati na rin sa sex life ng mga mag-asawa, nakakatulong rin ang sumubok ng mga must-try na sex positions, kahit isang beses lang.

Nakakadagdag ito sa intimacy ninyong dalawa, at magiging mas exciting rin ang inyong samahan. Wala namang masama sa pagsubok ng mga bagong experience, kaya't i-try niyo na ang mga positions na ito.

Must-try sex positions para sa adventurous na mag-asawa
1. Seesaw

Sa ganitong position ay nakaupo ang iyong asawa sa gilid ng kama. Ikaw naman ay nakapatong ng paharap sa kaniya, at sasandal ka ng patalikod para humiga sa legs niya.

Medyo komplikado ang ganitong posisyon dahil dapat may rhythm kayong mag-asawa, pero siguradong kakaiba ang inyong magiging experience kapag nasubukan ninyo ito.

2. Baller

Sa Baller position, nakaupo ikaw sa isang malaking exercise ball. Nakaupo naman ang iyong asawa sa harap, at dahan-dahan ka niyang bibigyan ng oral sex.

Ang maganda sa position na ito ay puwede mong gamitin ang pagtalbog o paggalaw ng bola para maging suporta mo, kaya't hindi ka mangangalay habang pinapaligaya ka ni mister.

3. Fall of Man

Medyo komplikado ang Fall of Man na sex position. Una, dapat nakaupo ang iyong asawa sa gilid ng kama, at ang likod niya ay dapat nasa edge nito.

Dahan dahan siyang hihiga, hanggang 'nakasabit' ang upper half ng katawan niya sa gilid ng kama. Ikaw naman ay papatong sa iyong asawa, at gagalaw para masarapan kayong dalawa.

Kakaiba ang feeling nito para kay mister, dahil sa dumadaloy na dugo sa ulo niya. Ito ay isang tunay na must-try sex position para sa inyong dalawa.

4. Warrior Yum

Sa position na ito, nakapuwesto ka ng katulad sa cowgirl na position, ngunit naka-diretso ang isa mong binti. Ito ay para magkaroon ka ng extra na leverage upang gumalaw, at maging mas malalim ang pag-thrust sa iyo ni mister.

5. My Queen

Sa My Queen na position, nakahiga ang iyong asawa sa gilid ng couch o upuan. Ikaw naman ay nakatayo, at nakapatong ang isang binti sa taas ng couch.

Pagkatapos ay pupwesto ang iyong mister, upang bigyan ka ng oral sex habang nakatayo. Mainam ang posisyon na ito dahil nakapagbibigay ito ng dagdag na kontrol sa iyo, at puwede kang gumalaw-galaw habang binibigyan ng oral sex ni mister.

 

Source: Cosmopolitan

Basahin: 5 blindfold sex positions na magpapainit ng inyong Valentine’s Day

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner