REAL STORIES: Buntis, nanganak ng kambal pero magkaibang linggo nabuo!

Ating alamin ang isang rare condition na superfetation pregnancy! | Lead image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Talaga nga namang kakaiba ang pagbubuntis ng isang babae. May iba na dumaan sa normal na pregnancy ngunit iba ang kwento ng mismong panganganak. Mayroon din namang babae na nabuntis ng dalawang beses habang may nabubuo nang fetus sa kaniyang tiyan. Sa huli, siya ay nanganak ng super twins!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kwento ng isang nanay na nabuntis ng dalawang beses sa isang pagkakataon
  • Ano ang superfetation pregnancy?
  • Komplikasyon ng superfetation pregnancy

Teka, pwede ba itong mangyari?

Nabuntis ng dalawang beses? | Image from Shutterstock

Buntis, nabuntis ng dalawang beses

Oo, posible ang ganitong bihirang pangyayari. Isang babae mula sa UK ang nagsilang ng kambal ngunit ang kakaiba rito ay tatlong linggo ang lumipas bago mabuo ang pangalawang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Buwan ng Setyembre, ipinanganak ni Rebecca Roberts ang kaniyang superfetation twins. Sa kwento ng ina, siya ay dumaan sa fertility treatment na siyang dahilan kung bakit siya nabuntis ng dalawang beses

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matagal nang nagpaplanong magkaanak si Rebecca at ang asawa nitong si Rhys. Dahil sa edad na 38, hindi maiwasang mangamba ito kaya naman nais na nilang magkaanak agad. Kaya naman nagpakonsulta sila sa doktor at dito na nga sumailalim sa fertility treatment si Rebecca.

BASAHIN:

Kambal na sanggol, nakitang nag-aaway sa ultrasound

Paano namamana ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya?

7 things that increase your chances of having twins

Dagdag pa ng ina, sa unang cycle pa lang ng ibinigay na drug, nabuntis agad siya. Pagkatapos ng 12 weeks scan, saka lang niya nalaman na siya ay buntis sa pangalawang pagkakataon.

“I found out there was a second baby at my 12 weeks scan.”

Sa kaso ni Rebecca, ang kaniyang pagbubuntis ay tinatawag na superfetation pregnancy. Kung saan ang dalawang sanggol ay hindi sabay na nabuo dahil ang magkaibang itlog ay hindi sabay na na-fertilize.

Dahil nga hindi sabay na nabuo ang kambal, iba rin ang kanilang timbang at laki. Nang ipinanganak si Noah, ang panganay, ito ay 4 lbs 10 oz habang si Rosalie naman ay 2 lbs 7 oz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa unang mga linggo ng kambal sila ay dinala muna sa neonatal intensive care unit. Habang si Rebecca naman ay kinailangang manatili rin sa NICU nurse.

Ibinahagi ng ina na ang kaniyang pagbubuntis ay hindi naging madali. Maaari umanong mamatay si Rosalie kapag ito ay nakalabas na.

“They tested me for viruses and infections as I thought this might be why Rosalie is small but the test came back completely clear.”

Kinailangang dumaan sa c-section ni Rebecca dahil hindi ito pwedeng manganak ng normal. Ito ay dahil maaaring magkaroon ng impeksyon ang pagbubuntis. “When the babies were born we had lots of tests done to find out if there was a genetic reason Rosalie was so much smaller and she came back clear.”

Sanhi ng kondisyong ito, agad na-diagnosed siya na ito ay superfetation pregnancy.

Ano ang superfetation pregnancy?

Ang superfetation pregnancy ay isang uri ng bihirang pagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag ang isang buntis ay nabuntis ulit sa magkaibang linggo. Ang mga sanggol na ito ay itinuturing na kambal dahil sa paglabas nila ng sabay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasang nangyayari ang ganitong pagbubuntis kapag ang isang babae ay kasalukuyang mayroong fertility treatment.

Sapagkat ang pagbubuntis na ito ay bihira lamang mangyari, walang sintomas ang mararamdaman. Malalaman lang ito kapag ikaw ay sinuri ng doktor sa iyong monthly check-up at kapag magkaiba ang laki o timbang ng kambal sa loob ng sinapupunan.

Nabuntis ng dalawang beses? | Photo by Fallon Michael on Unsplash

Komplikasyon ng superfetation pregnancy

Sapagkat dalawang sanggol ang nasa iyong sinapupunan at lumalaking magkaiba ang timbang o size, ang pinakabatang fetus ay maaaring hindi pa handang lumabas. Posibleng ipanganak ng premature ang sanggol na ito.

Narito ang risk ng mga sanggol na ipinanganak ng premature:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hirap sa paghinga
  • Mababang timbang kapag ipinanganak
  • Brain hemorrhage o pagdugo ng utak
  • Neonatal respiratory distress syndrome
  • Problema sa paggalaw

Bukod sa fertility treatment habang ikaw ay buntis, maaaring maiwasan ang superfetation pregnancy kung hindi muna magtatalik habang ikaw ay buntis. Ngunit dahil ito ay hindi pangkaraniwang pagbubuntis, mababa ang tyansa na may mabuo ulit kapag nakipagtalik habang buntis.

 

Source:

CBS News, Healthline

Sinulat ni

Mach Marciano