Nadia Montenegro kinumpirma na si Baron Geisler ang ama ng bunso niyang anak na si Sophia

Ayon kay Nadia, alam ng yumaong mister na si Boy Asistio ang katotohanan tungkol sa anak nila ni Baron.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nadia Montenegro kinumpirma na si Baron Geisler nga ang ama ng bunso niyang anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Nadia Montenegro kinumpirma na si Baron Geisler ang ama ng bunso niyang anak.
  • Baron at anak ni Nadia may komunikasyon sa isa’t-isa.
  • Mister ni Nadia alam ang tungkol sa anak nila ni Baron.

Nadia Montenegro kinumpirma na si Baron Geisler ang ama ng bunso niyang anak

Larawan mula sa Facebook

Aktres na si Nadia Montenegro nagsalita na tungkol sa kung sino nga ba talaga ang ama ng bunso niyang anak na si Sophia. Kinumpirma nga ni Nadia sa isang panayam na ang aktor na si Baron Geisler nga ang ama nito.

Ayon pa kay Nadia, ito na kasi ang tamang panahon para matuldukan na ang mga sabi-sabi tungkol sa bunso niyang anak. Kaya naman ngayon ay nagsasalita na siya.

“Sophia is turning 18 in August. And that’s why I’m here; it’s not for views, not to trend, because that’s one thing I hate, but to put an exclamation on everything.”

Ito ang sabi ni Nadia sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa ni Nadia, pinili niyang manahimik hindi dahil sa tinatago niya ang katotohanan. Ito ay upang maprotektahan ang anak sa nagawa niyang pagkakamali 17 years ago.

“This is my mistake. Kung nagkamali man ako. I don’t want to even call it a mistake. Sophia is one of the most beautiful girls you can ever meet. Not just sa mukha niya, pati puso niya. This child has been through so much that she does not deserve.”

“I want this to end because my daughter’s turning 18 soon, and she does not need to come out of this world and answer questions for her mother. So, I’m putting an end to this now.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook

Baron at anak ni Nadia may komunikasyon sa isa’t-isa

Kuwento pa ni Nadia, may komunikasyon si Baron at anak nilang si Sophia. Bagamat hindi nga lang nagkikita ang mga ito sa personal. Dahil si Baron mahilig daw mag-message sa anak sa tuwing lasing ito. Isang bagay na alam niyang hindi magandang halimbawa at hindi makakabuti para sa babae nilang anak.

May pagkakataon rin umanong nagpainterview si Baron at nagsalita tungkol sa kanilang anak na hindi hinihingi ang permisyon nito. Dahil sa narinig ng publiko sa interview ni Baron, ang anak niyang si Sophia ay nabully umano. Kaya naman si Nadia, mariing sinabi na kung mayroon mang dapat magkuwento o magsalita tungkol sa anak ay walang iba kung hindi siya na ina nito.

“She was bullied. Someone all of a sudden just posted on the student council page a picture of Baron in jail. ‘Kaninong tatay ito?’”

“Kailangan ko pa bang ikuwento kung ano ang pinagdaanan namin just to keep our peace? This is my life. This is my children’s lives. And this is my story, no one has the right to tell my story.”

Ito ang sabi pa ni Nadia na nagsasalita tungkol sa anak nila ni Baron sa unang pagkakataon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mister ni Nadia alam ang tungkol sa anak nila ni Baron

Sabi pa ng aktres, ang pagkakamali niyang ito ay hindi niya pinagsisihan. Lalo na’t lumaking isang maganda at mabait na bata ang anak. Para naman sa yumaong mister niyang si Macario “Boy” Asistio. Ayon kay Nadia, alam nito ang katotohanan tungkol sa anak nila ni Baron. Pero naging napakabuting asawa nito sa kaniya at tinanggap ang anak niya na parang kaniyang anak na rin.

“All he asked me was not to tell her until he’s gone and I kept that promise. Dahil ayaw niya magbago ng tingin si Sophia sa kanya.”

Ito ang sabi pa ng aktres na sinunod ang hiling ng mister. Pero ang katotohanan agad niya ring sinabi sa anak ng masawi ito.

Sabi pa ng aktres, bagamat hindi nakasama ng anak ang amang si Baron sa paglaki nito, ito daw ay lumaking mabuting bata. At alam niya sa pagmamahal na ibinibigay niya pati ng mga kapatid ni Sophia ay kumpleto ito bilang isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook