Ipinanganak na ng dating aktres na si Nadine Samonte ang kaniyang 3rd baby na pinangalanang si Harmony Saige.
Mababasa sa artikulong ito:
- Karanasan ni Nadine Samonte sa panganganak sa kaniyang 3rd
- Mga dapat asahan sa panganganak ngayong may COVID-19 pandemic.
Nadine Samonte on giving birth to 3rd baby: “Grabe ang journey ng third ko pero we survived”
Nadine Samonte with baby Harmony/ Image screenshot from Nadine Samonte’s Instagram account
Naisilang na ng dating aktes na si Nadine Samonte ang pangatlo nilang anak ng mister at businessman na si Richard Chua. Ito ay isang babae na pinangalanan nilang si Harmony Saige. Ang magandang balita ay ibinahagi ni Nadine sa kaniyang Instagram nitong nakaraang linggo.
Sobrang saya at nagpapasalamat ang aktres na sa kabila ng kaniyang nararanasang kondisyon ay ligtas niyang naisilang ang pangatlo niyang anak. Si Nadine ay nakararanas ng sakit na PCOS at APAS.
Ang PCOS o Polycystic ovary syndrome ay isang hormonal disorder na nararanasan ng mga babae. Ang mga babaeng mayroon nito ay nagkakaroon ng irregularidad sa kanilang ovaries na makakaapekto sa pagre-release nila ng eggs at kakayahang magdalang-tao.
Samantala, ang APAS naman o Antiphospholipid syndrome ay isang immune disorder na kung saan ang katawan ng isang babae ay nagproproduce ng abnormal antibodies. Madalas ang mga babaeng may PCOS ay nakakaranas ring ng sakit na APAS tulad na lamang ni Nadine.
Para masigurong maging ligtas ang kaniyang pagbubuntis ay kinailangang uminom at mag-inject ng gamot ni Nadine araw-araw. Siya rin ay dapat sumasailalim sa regular na test at check-up para masubaybayan ang kaniyang pagbubuntis.
“Grabe ang journey ng third ko pero we survived.”
Ito ang masayang sabi ni Nadine sa ligtas na panganganak sa kaniyang pangatlong baby sa kabila ng nararanasang sakit.
Nadine nahiwalay sa pamilya ng manganak
Image screenshot from Nadine Samonte’s Instagram account
Pero nitong nakaraang araw ay naging emosyonal si Nadine na ibahagi ang malungkot na bahagi ng kaniyang panganganak. Dahil sa COVID-19 protocol na kailangang sundin ng mga bagong panganak na babae ay kinailangang maihiwalay ni Nadine sa kaniyang pamilya pansamantala.
Ito ay isang tagpo na kumukurot sa puso ni Nadine lalo na’t hinahanap na siya ng kaniyang mga anak na naiwan sa kanilang bahay.
“I miss you too so much my Heather, kunting tiis nlng(na lang). Ahhhhhh it breaks my heart when I see her cry. Umiyk na din ako kagbi . I wanna go home na din pero kunting araw nlng . Love you so much my fam.”
Ito ang malungkot na pagbabahagi ni Nadine sa Instagram. Kalakip ng post niyang ito ay ang larawan ng pagbi-videocall nila ng mister at panganay na si Heather.
Sa post na ito ni Nadine ay may mga ibang mommies din ang nakarelate. Gaya nalang ni Neri Naig-Miranda na kapapanganak lang din sa pangalawang baby nila ng band vocalist na si Chito Miranda.
“‘Yan ang pinakamahirap sa panganganak ngayon! Yung kailangan mong iwan sa bahay 😢.”
Ito ang malungkot na sabi rin ni Neri Miranda.
May ibang mommy netizens ang nagpaaabot rin ng simpatiya nila kay Nadine at nakaranas din ng parehong sitwasyon ngayon sa panganganak.
Ngayong araw, ay nakauwi na si Nadine kasama si baby Harmony sa kanilang bahay. Sila ay masayang sinalubong ng kanilang pamilya.
BASAHIN:
Sanggol hindi man lang napangalanan ng mga magulang niyang nasawi dahil sa COVID-19
REAL STORIES: “Dalawang beses inoperahan ang baby namin at nagpositibo pa sa COVID”
Panganganak ngayong may COVID-19 pandemic
Hindi tulad ng dati ay maraming naging pagbabago sa mga dapat paghandaan ng babaeng manganganak ngayong may COVID-19 pandemic. Ito ay para masigurado ang kaligtasan ng babaeng manganganak at kaniyang sanggol.
Para sa mga nais manganak sa ospital ay kailangang maghanda ng negative na RT-PCR result ang babaeng manganganak bago siya ma-admit.
Kaya naman ilang araw bago ang inaasahang due date sa panganganak ay mainam na magpa-RT PCR na ang babaeng buntis. Dahil malaki ang posibilidad na hindi siya tanggapin sa ospital o kaya naman ay maisama sa mga babaeng manganganak na may COVID-19 symptoms sa ospital. Ito ay mahigpit na ipinapatupad para sa kaligtasan ng lahat ng babaeng manganganak at kanilang sanggol.
Limitado rin ang miyembro ng pamilya na maaring makasama ng babaeng manganganak. Ngayon ay ipinapayong sasamahan lang siya ng kaniyang asawa o isang tao na maaring umalalay sa kaniya.
Ang taong ito ay dapat mayroon ring negative RT-PCR test result bago makasama ang babaeng bagong panganak at kaniyang sanggol.
Sila ay pinapayuhan ring mag-isolate ng kanilang sarili paglabas ng ospital o mahiwalay muna sa kanilang pamilya. Ito ay para masigurado na sila ay hindi infected ng sakit o wala sa sinuman sa kanilang pamilya ang nakakaranas nito.