X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral

5 min read

Kadalasang nagiging dahilan ng magandang kalagayan ng isang tao ay ang masayang buhay mag-asawa. Hindi na kailangan ng pruweba para masabing ang masayang pagsasama ay nakakabawas ng stress at anxiety.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang pagkakaroon ng nagging wife ay nakakapagpababa ng posibilidad ng diabetes, ayon sa pag-aaral
  • Ang pagkakaroon ng nagger na asawa
  • Ano ba ang ibig sabihin ng nagger wife?

Napapanatili rin nito na maayos ang ugnayan kahit na minsan ay may hindi pagkaka-intindihan. Pero alam mo ba na ang pagiging nagging wife pala ay nakakatulong sa iyong kalusugan?

nagging wife

Ang pagkakaroon ng nagging wife ay nakakapagpababa ng posibilidad ng diabetes, ayon sa pag-aaral

Isang pag-aaral mula sa Michigan State University ang nagsasabing ang mga lalaking  may asawang nagger ay low risk sa diabetes.

Ito ang mga dapat tandaan kung bakit mabuti umano sa kalusugan ang mayroong nagging wife:

  • Ang mga researcher ay nagsagawa ng isang survey sa 1,228 na mga participants. Sila ay may mga edad na 57-85. Ito ay sa simula ng pag-aaral.
  • Nang matapos ang survey na tumagal ng 5 years, napag-alamang ang 389 dito ay may diabetes.
  • Dahil ang sakit na diabetes ay kailangan ng masusing monitoring, sinabihan ang mga lalaki na kailangan nilang alagaan ang kanilang mga sarili.
  • Isa pa, ang mga lalaking may nagging wife ay mas mataas ang tyansang magamot sa kanyang diabetes.

“Since diabetes is affected by social factors, I thought it would be interesting to see how marriage affects the disease rate. For women, consistent with expectations, good marital quality promotes women’s health. It lowers their risk of disease.” professor Cathy Liu, Ph. D. explained to Healthline. 

nagging-wife Image from Dreamstime

BASAHIN:

5 karaniwang rason kung bakit nangangaliwa ang babaeng may asawa na

Yummy pa ba ang asawa mo? 24 funniest answers ng mga moms

10 senyales na hindi healthy ang relationship niyong mag-asawa

Ang pagkakaroon ng nagger na asawa

Ang pagkakaroon ng ganitong asawa ay nakatutulong sa mga lalaki upang maalala nila ang mga kailangan nilang gawain. Katulad ng pagpunta sa doktor, pagkain ng tama at pag-inom ng vitamins.

Ayon sa The New York Times, nahihikayat ang mga lalaki na maging maalaga sa sarili dahil sa kanilang mga asawang nagger.

“The study challenges the traditional assumption that negative marital quality is always detrimental to health. It also encourages family scholars to distinguish different sources and types of marital quality. Sometimes, nagging is caring.” -Hui Liu, MSU associate professor of sociology and lead investigator

Ano ba ang ibig sabihin ng nagger wife?

Ang salitang ‘nagging’ ay kapag lagi mong pinapaalalahanan ang isang tao tungkol sa dapat niyang gawin. Ito ay hindi karaniwan sa mag-asawa lalo na sa mga matatagal nang mag-asawa. Hindi maiiwasan ang ganitong tagpo sa isang relasyon dahil na rin sa mga stress at problemang dumarating sa  pamilya.

Parehong kasarian ang pwedeng maging nagger ngunit ang mga asawang babae ang mas madalas. Bakit? Ang mga babae ang mas responsable, katulad na lang sa paggawa ng mga gawaing bahay o pag-aalaga ng mga bata.

Kahit na sinasabi ng pag-aaral na ito na may magandang benefits ang pagkakaroon ng nagger na asawa, hindi pa rin maaalis ang katotohanan na nakakabawas ito ng romansa. Dahil maaari itong magdulot sa asawa mo ng pagka-irita na talaga namang hindi nakabubuti sa relasyon.

Ayon sa isang psychology professor na si Howard Markman, ang pagtitiwala at pag-unawa ay napakahalaga. 

“Nagging is the enemy of love, if allowed to persist.”

Sa likod ng mga ito, kung hahanapin at iintindihin mo ang ugali ng nagger mong asawa, ito ay magiging positibong bagay para sa iyo. Ito ang mga tips na makakatulong sa’yo!

1. Pagkatiwalaan ang iyong partner

Oo, ito ay isang challenge para sa’yo. Lalo na kung ang iyong asawa ay patuloy na nakakagawa ng mali. Sa isang relasyon, kailangang malaki ang tiwala niyo sa isa’t isa. Dito rin nasusukat kung gaano katagal at katatag ang inyong magiging relasyon.

2. Maging pasyensyoso kapag sila ay nagkamali

Turuan ang sarili na i-appreciate ang mga effort ng asawa. Ipaalala rin sa kanila kung gaano sila kahalaga sa’yo.

“Love blossoms not only when things are going smoothly, but when you show how much you care even when things aren’t going your way.”

3. Maging tapat sa pag-ibig

May ibang pang paraan para sabihin ang pagkakamali nila nang hindi mo sila nasasaktan. Ibahagi ang iyong gustong mangyari at sabihin na handa kang tumulong sa kanya.

nagging-wife

Image from Dreamstime

“If you preface your desire with a love statement, your mate may hear you through that lens of love and care,”

Karen Ruskin

4. Aminin ang iyong mga pagkakamali

Ang palaging pagiging nagger ng isang asawa ay maaring makapagdulot sa inyo ng problema. Lalo na kung patuloy mong hindi inaamin ang iyong pagkakamali.

Sa halip na mag-focus sa kanyang mga pagkukulang, subukan mong pagtibayin ang inyong samahan. Humingi ng tawad kung kinakailangan.

Partner Stories
Automate your home and get clean air with Dyson Pure Cool
Automate your home and get clean air with Dyson Pure Cool
The Secret to Faster Fever Recovery
The Secret to Faster Fever Recovery
Toy Story’s Woody & Buzz star in new Absolute’s Disney kiddie bottle
Toy Story’s Woody & Buzz star in new Absolute’s Disney kiddie bottle
JBL SOUND ALL AROUND: JBL PUMPS UP YOUR SOUND TRIP WITH A NEW, EXCITING RANGE!
JBL SOUND ALL AROUND: JBL PUMPS UP YOUR SOUND TRIP WITH A NEW, EXCITING RANGE!

 

If you want to read an english version of this article, click here.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral
Share:
  • Nagging is good for your husband's health, says study

    Nagging is good for your husband's health, says study

  • Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

    Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Nagging is good for your husband's health, says study

    Nagging is good for your husband's health, says study

  • Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

    Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.