Viral: Babae naputol ang kaliwang binti matapos maipit ang paa sa walkalator

Iwasang mangyari ito sa iyong anak sa tulong ng mga safety tips na tampok sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita mo na ba ang viral na larawan ng babaeng naipit ang paa sa escalator? Alamin dito kung paano maiiwasang mangyari ang kalunos-lunos na aksidente lalo na sa mga maliliit na bata.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Babaeng naputol ang binti matapos naipit ang paa sa escalator .
  • Elevator at escalator safety for kids.

Babaeng naputol ang binti matapos naipit ang paa sa escalator

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang babae na putol ang pinti habang nakaupo sa isang walkator. Sa unang tingin ay aakalaing fake ang larawan. Pero base sa isang news report ang insidente ay totoong nangyari sa isang airport sa Bangkok, Thailand at siya ay naipit sa isang walkalator.

Ayon sa news report, ang babae ay naglalakad sa walkalator ng bigla itong matapilok sa kaniyang dalang maleta. Ang kaniyang paa kinain ng walkalator. Napindot naman daw ang emergency button ng nasabing walkalator pero huli na ang lahat. Ang kaliwang binti ng babae ay kinain na ng walkalator at kinailangan na itong tuluying putulin para maalis siya sa pagkakaipit.

Base parin sa report, ay galit na galit ang pamilya ng naturang babae. Ayon sa kanila, normal na naglalakad ang kanilang ka-pamilya ng biglang masira ang airport walkalator. Hindi nila inakalang mararanasan niya ito at higit sa lahat ay mapuputulan ito ng binti sa naranasang aksidente.

Elevator at escalator safety for kids

Ang nangyaring aksidente ay nagbigay paalaala sa lahat kung bakit dapat mag-doble ingat sa paggamit ng elevator at escalator. Lalo na sa mga maliliit na bata na ginagawa itong laruan o rides sa loob ng mall at iba pang establisyemento.

Paano ligtas na gumamit ng elevator kasama ang isang bata?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by zinkevych on Freepik 

Ang paggamit ng ligtas na elevator ay hindi lang para sa mga bata kung hindi pati narin sa mga adults o matatanda.

  1. Alalayan ang anak o bata pagpasok ng elevator.

Para masigurong ligtas ang pagpapasok ng bata sa loob ng elevator ay alalayan ito o hawakan ang kaniyang kamay. Huwag silang hayaang pumasok ng mag-isa sa loob ng elevator lalo pa’t kung hindi sila marunong gumamit nito.

  1. Huwag hayaang ipasok o iharang ng bata ang kaniyang paa o kamay sa gumagalaw na pinto ng elevator.

Ipaliwanag sa anak kung bakit hindi niya dapat iharang ang kaniyang kamay o paa para mapigilan ang elevator sa pagsasara. Lalong-lalo na ang pagpasok ng kaniyang kamay at paa sa espasyo sa gitna ng nagsasarang pinto ng elevator at sahig. Dahil maari itong maipit at makalakad na maaring magdulot sa isang kalunos-lunos na aksidente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Ituro sa anak ang paggamit ng emergency button sa elevator.

Hindi dapat kailanman hahayaang sumakay ng mag-isa sa elevator ang maliliit na bata. Pero makakatulong sa panahon ng emergency na maituro sa bata ang dapat niyang gawin. Tulad nalang sa pagtuturo sa kaniya na kung saan nakalagay ang emergency button na maari niyang pindutin sa oras ng hindi inaasahang pangyayari.

Paano ligtas na gumamit ng escalator kasama ang isang bata?

Image by prostooleh on Freepik 

  1. Alalayan ang anak o bata sa paggamit ng escalator.

Tulad ng elevator, ang escalator ay hindi dapat ginagamit o sinasakyan ng isang bata na walang kasamang adult o nakakatanda. Dapat siya ay may kasamang nakakatanda na kung saan hawak ang kaniyang kamay sa tuwing gagamit ng escalator.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Huwag hayaan ang isang batang maglaro sa escalator lalo na sa handrail nito.

Hindi dapat hayaan ang isang bata ay maglaro sa escalator. Hindi siya dapat hayaang mag-akyat at baba ng pabalik-balik. Dahil marami ang posibleng mangyari na maaring mauwi sa aksidente at magdulot sa kaniya ng injury. Partikular na sa paglalaro o pag-abot sa handrail nito na maaring magtulak sa kaniya patalikod. Ito ay maaring magdulot ng pagkahulog niya sa escalator at pagkakaladkad sa bata pababa.

  1. Huwag hayaang maupo sa escalator ang bata.

Hindi rin dapat hayaan na maupo sa escalator ang isang bata habang ito ay umaandar. Dahil sa maaring maipit at kainin ng escalator ang anumang parte ng kaniyang damit. Ito ay maaring mauwi sa pagkasira ng damit o hindi kaya naman ay ang pagkakaipit sa escalator ng bahagi ng kaniyang katawan kung hindi agad maagapan.

  1. Hindi ipinapayong gumamit ng stroller sa isang escalator lalo na kung ito may sakay itong bata.

Kung may dalang stroller at nakasakay dito ang iyong anak o isang bata ay mas mabuting gumamit ng elevator. Dahil ang pagsakay ng stroller sa escalator ay hindi ipinapayo. Una dahil sa masyadong maliliit ang step o baitang ng escalator at hindi sasakto dito ang stroller. Maaring magdulot ito ng pagkaka-out of balance na maaring magdulot ng aksidente hindi lang para sa batang sakay ng stroller kung hindi pati narin sa nakakatandang may dala nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kaligtasan ng iyong anak sa tuwing gumagamit ng escalator at elevator ay nakasalalay sa iyong kamay. Kaya naman siguraduhing maging maingat at tandaan ang mga nabanggit ng elevator at escalator safety tips para sa mga bata.