Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

undefined

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sakit na ito. Lalo na kung ikaw ay may sanggol na anak o kaya naman nagdadalang-tao.

Nakakahawa ba ang tigdas hangin? Malamang kung first time parent ka ay naitanong mo ito. Ang sakit na ito kasi ang isa sa madalas na tumatama sa mga maliiit na bata. Subalit hindi lang sa maliliit na bata banta ang sakit na ito. Ganoon din sa mga babaeng nagdadalang-tao.

Ano ang tigdas hangin?

Nakakahawa ba ang tigdas hangin

Image from My Health Alberta

Ayon sa health website na Mayo Clinic, ang tigdas hangin o tinatawag na rubella o german measles sa Ingles ay isang uri ng viral infection na natutukoy dahil sa red rashes na idinudulot nito sa katawan.

Bagama’t ang sakit ay madalas na tumatama sa mga maliliit na bata, hindi naman ito mapanganib. Maliban na lang kung ang dadapuan ng sakit na ito’y isang buntis. Subalit ang sakit maaari umanong magdulot ng panganib o seryosong epekto sa ipinagbubuntis na sanggol.

Nakakahawa ba ang tigdas hangin?

Ang tigdas hangin ay kaiba sa sakit na tigdas o measles. Sapagkat una, ang dalawang sakit ay dulot ng dalawang magkaibang virus.  Ang tigdas hangin ay hindi kasing lala o seryoso ng tigdas.

Subalit may dalawang bagay na kung titingnan, nagkakapareho ang dalawang sakit. Ito’y ang pareho silang nagdudulot ng mapupulang rashes sa katawan at pareho silang nakakahawa.

Ang sakit na tigdas hangin tulad ng tigdas ay naihahawa sa pamamagitan ng respiratory secretions ng taong nagtataglay ng sakit. Ang virus ay kaniyang naikakalat sa tuwing siya ay umaatsing o umuubo.

Nakakahawa ba ang tigdas hangin

Medical photo created by freepik – www.freepik.com 

Ayon naman sa health website na MDS Online, maaari ring kumapit o mabuhay ang virus sa mga gamit na nahawakan o nabahingan ng taong infected ng sakit sa loob ng 30 minuto. Sa mga oras na ito, kung ang contaminated na gamit ay nahawakan ng isa pang tao at saka isinubo ang kaniyang kamay o kaya naman ay ipinunas sa kaniyang ilong o mata, mataas ang tiyansa na ma-infect siya ng virus.

Base naman sa Mayo Clinic, ang taong infected ng tigdas hangin o rubella ay nakakahawa mula sa unang dalawang linggo bago pa man maglabasan ang mapupulang rashes sa kaniyang katawan.

Hanggang sa isa o dalawang linggo matapos mawala ng tuluyan ang mga rashes sa kaniyang balat. Kaya naman, ang sakit ay maaring maihawa ng taong infected nito ng hindi niya sinasadya o hindi niya pa nalalaman na siya pala ay may tigdas hangin na.

Sino ang mas at risk sa pagkakaroon nito?

Ang mga batang walang bakuna laban sa tigdas ay mas prone sa pagkakaroon nito. Kapag natamaan ng tigdas ang isang bata ay maaari itong magdulot ng mga kumplikasyon sa kaniyang kalusugan. Gayundin, ang mga buntis na kababaihan ay mataaas ang risk sa pagkakaroon nito lalo na kapag wala pang bakuna laban sa tigdas. 

Karaniwang tigdas sa mga developing countries katulad ng ating bansa. Halos majority ng mga pagkamatay dahil sa tigdas ay nangyayari sa mga bansang may mahinang ekonomiya at may mahinag health infrastructues. 

Sintomas ng tigdas hangin

Maliban sa mapupulang rashes sa katawan, may iba pang sintomas ang tigdas hangin na mararanasan ang taong infected nito. Ito ay lumalabas sa pagitan ng 2 hanggang 3 linggo matapos ma-expose sa virus ang isang tao. Tumatagal ng isa hanggang limang araw. Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod:

  • Lagnat na umaabot hanggang sa 38.9 degrees Celsius
  • Pananakit ng ulo
  • Runny nose
  • Namumula o namamagang mga mata
  • Kulani sa likod ng tenga o leeg
  • Mapula o pink na rashes na nagsisimulang lumabas sa mukha. Mabilis itong kumakalat sa katawan pati na sa mga braso at binti. Mauuna rin itong mawala sa mukha at susunod na ang iba pang bahagi ng katawan.
  • Pananakit ng mga joints sa katawan lalo na sa mga kababaihan.

Sa oras na nararanasan na ang mga sumusunod na sintomas, ipinapayong mabuting magpunta na agad sa doktor. Lalo na kung ang mga sinasabing sintomas ay dadagdagan pa ng pananakit ng tenga, stiff neck at mas matagal na pananakit ng ulo.

Dapat rin agad na magpunta sa doktor kung ang nakakaranas ng sakit ay isang sanggol o kaya naman ay babaeng nagdadalang-tao. Sapagkat sila ang pinaka-at risk na makaranas ng komplikasyon na dulot ng tigdas hangin.

Komplikasyong maaaring maidulot ng tigdas hangin sa mga babaeng nagdadalang-tao

Mariing ipinapaalala sa mga babaeng buntis na huwag basta balewalain ang tigdas hangin. Kung ito’y hindi agad malunasan, makakasama ito sa kaniyang sanggol. Maaaring magdulot ng mga sumusunod na komplikasyon sa kaniyang baby:

  • Growth delays o mabagal na paglaki
  • Cataracts o katarata
  • Deafness o pagkabingi
  • Congenital heart defects
  • Defects sa iba pang organs ng kaniyang katawan
  • Intellectual disabilities

Paano ito malulunasan?

Ang tigdas hangin sa mga bata ay kusa namang nawawala. Bagama’t dapat ay bigyan pa rin sila ng gamot upang mapanatiling nasa maayos na temperatura ang kanilang lagnat. Ganoon din upang mabawasan ang discomfort sa kanilang katawan.

Para sa mga bata, sila ay reresetahan ng acetaminophen o ibuprofen para sa kanilang lagnat. Hindi dapat sila binibigyan ng aspirin. Dahil ang gamot na ito ay napatunayang may kaugnayan sa development ng sakit na Reye syndrome. Samantala, para sa mga buntis ay may inirereseta naming antibodies na tutulong sa kanilang katawan na labanan ang sakit.

Paano ito maiiwasan?

Sa ngayon, ang pinaka-mabisa at ipinapayong paraan upang maiwasan ang tigdas hangin ay sa pamamagitan ng vaccine o bakuna. Ito ay tinatawag na MMR o ang Measles, Mumps, Rubella vaccine.

Nakakahawa ba ang tigdas hangin

Doctor photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ipinapayong mabakunahan ng MMR vaccine ang mga bata ng dalawang beses o dose. Ang una ay dapat ibigay sa kanilang 1st birthday at ang pangalawa sa kanilang ikaapat hanggang ikaanim na taon.

Samantala ang mga adults naman ay maaring makatanggap ng isang dose ng MMR vaccine bilang immunity laban sa sakit na measles, mumps at rubella.

Ang vaccine na ito’y nagtataglay ng mahinang version ng live virus ay hindi ito maaring iinject o maibakuna sa isang babaeng nagdadalang-tao.

Kaya naman ipinapayo ng mga doktor upang maging protektado ang isang babae mula sa sakit na rubella na maaring magdulot ng masamang epekto sa kaniyang baby ay magpabakuna ito ng MMR vaccine isang buwan bago ang planong pagbubuntis.

Ipinapayong ring mabigyan ng MMR vaccine ang sinumang bata o matatanda na nasa paligid ng isang babaeng nagpaplanong magdalang-tao o nagdadalang-tao para makasiguradong walang magdadala sa kaniya ng nakakahawang virus na ito.

Bagamat hindi isang garantiya na hindi na dadapuan ng rubella o tigdas hangin ang taong nakabakunahan ng MMR vaccine, pinapalakas naman nito ang katawan ng isang tao laban sa sakit at pinipigilan nitong makahawa pa ng ibang tao.

Hindi naman pwedeng bigyan ng MMR vaccine ang mga taong may malubhang sakit o mayroong mahinang immune system ganun din ang mga buntis.

Ang MMR vaccine ay libreng ibinibigay at ibinabakuna ng mga health centers sa Pilipinas.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!