STUDY: 5 romantic beliefs na maaaring makasira sa relasyon ng mag-asawa

Hindi lahat sa pakikipagrelasyon ay nakakakilig, agree ka ba?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imbis na makapagpatatag, nakakasira ng relasyon pa ang ilan sa romantic beliefs nating mga Pilipino. Ano ang mga ito? Ito ang pahayag ng isang eksperto.

Pagiging masyadong romantiko maaaring makasira ng relasyon ayon sa isang eksperto

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging romantiko. Kaya naman marami sa atin ang nahuhumaling sa panonood ng telenobela, TV series o koreanobela na may temang pag-ibig.

Nariyan na ini-imagine natin na tayo sana ang leading lady o kaya naman ay hinihiling natin na makakita sana ng tulad ng leading man.

May iba namang maliban sa pinakikilig ng mga romantic movies ay nai-entertain pa ng mga ito. Dahil sa ito ay may feel good na epekto sa manonood na bibigyan ka ng positive na outlook sa buhay. Ito ay totoo para sa marami. Lalo na sa mga single at still looking o waiting para sa kanilang magiging Mr. or Ms. Right.

Pero ayon sa isang relationship expert na si Dr. Gary W. Lewandowski Jr., para sa may karelasyon na hindi puro good vibes ang maaaring ibigay ng masyadong pagiging romantiko. O ang panonood ng mga romantic movies o TV series na binibigyan tayo ng “standards” pagdating sa true love o perfect na relasyon.

Sabi pa ni Dr. Lewandowski, imbis nga daw na makatulong ay nakakasira ng relasyon ang masyadong pagro-romanticize. Paano? Narito ang 5 romantic beliefs na marami sa atin ang pinaniniwalaan na nakakasira ng relasyon pala umano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by Freepik 

Mga romantic beliefs na nakakasira ng relasyon

1. Love conquers all.

Marami sa atin ay ito ang paniniwala. Sinasabi natin na kapag mahal ka wala ka ng mahihiling pa. Lahat gagawin ng tao na yan para sayo. At kung may pag-ibig o pagmamahal sa isa’t isa ang mag-asawa ay malalagpasan nila lahat ng problema.

Sa isang banda ito ay totoo. Pero ayon kay Dr. Lewandowski, ang “love” ay number one requirement lang sa isang happy at long lasting relationship. Maraming dapat taglayin ang isang relasyon para tumatag ito.

Kailangan mayroon ring respect, trust at honesty. At marami pang different positive qualities na siyang gagabay sa magkapareho para mas palalimin pa ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

2. May perfect relationship.

Alam naman nating lahat na nobody is perfect. Kaya naman pagdating sa relasyon ay wala ring perpekto. Nariyan na may mga pag-aaway, hindi pagkakaintindihan o minsan 3rd party na susubukin ang relasyon. Kaya naman ang paglalagay sa iyong isip na may perfect relationship ay maaari lang makadulot ng disappointment sayo.

May mga pagkakataon din na dahil mayroon kang ideya ng perfect relationship ay iisipin mong maaring hindi pa ang partner o asawa mo ang iyong one true love.

Dito nagkakaroon ng problema, dahil sa may standards ka ng perfect na relasyon o partner ay maaaring hanapin mo ito sa iba. Ang resulta masisira ang relasyon na mayroon ka ngayon na kalaunan ay ma-rerealize mong mas mainam na kaysa sa bago mong nakita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by tirachardz on Freepik 

3. Kapag nagseselos mas mahal ka.

Masarap naman talaga pakiramdam ng hinahabol-habol ka. ‘Yong masyadong protective sayo. Iyong laging nag-alala at nanghihingi ng update kung nasaan ka o ano ang iyong ginagawa.

Nakakakilig sa una pero ang matagal na pagpapakita ng mga ito sa isang relasyon ay maaring makasama. Lalo na kung ang mga ito ay susundan ng pagseselos na hindi palatandaan ng pagmamahal ayon kay Dr. Lewandowski.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa halip, ito umano ay palatandaan ng insecurity at kawalan ng tiwala sayo ng iyong partner. Madalas itong pinagsisimulan ng problema at nagiging dahilan ng pagkasira ng relasyon.

Dahil ayon kay Dr. Lewandowski, ang tunay na nagmamahalan may tiwala sa isa’t-isa. At ang pagseselos bagamat normal ay hindi dapat sumusobra lalo na kung walang dahilan o basehan.

4. Dapat laging ang partner mo ang number one sa priorities mo.

May kasabihan tayo ngayon na “happy wife, happy life”. Bagamat pabor ito sa ating mga babae, medyo alanganin naman dito ang mga lalaki. Dahil ayon kay Dr. Lewandowski, hindi dapat ang partner o asawa mo ang number one lagi sa priorities mo.

Dapat ay hindi mo rin pabayaan ang iyong sarili o i-sacrifice ang iyong feelings para lang mapagbigyan ang iyong asawa. Dahil ang isang taong tunay na nagmamahal ay hindi papayag na magsasakripisyo ka para sa kaniya. Dapat laging pantay kayo sa isa’t isa o dapat pareho kayong happy sa pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by master1305 on Freepik 

5. May forever!

Mula sa nabanggit na naunang mga romantic beliefs, ito ang nabubuo ng marami sa atin – may forever! Pero in reality malamang marami sa atin ang mag-aagree na hindi ito totoo. Dahil tulad ng naunang nabanggit walang perfect.

May mga pagkakataon na susubukin ang inyong relasyon. Kung malalagpasan ninyo ito ay mas tatatag kayo pero kung hindi walang forever sa relasyon ninyo.

Dagdag pa ni Dr. Lewandowski, hindi dapat ang tagal o bilang ng taon ng pagsasama ang maging basehan ng pagkakaroon ng fulfilling na relasyon. Dahil may ilang mag-asawa na nagsasama nalang para sa anak nila. Habang may iba namang magkapareho na pinipiling lumagay sa tahimik na kahit kakakilala palang nila sa kanilang ka-pareho.

Iba-iba tayo ng sitwasyon at pagsubok na nararanasan pagdating sa ating buhay pag-ibig. Isa ang sigurado, ang pakikipagrelasyon ay hindi happy days lang. May mga sad days rin.

Pero para malampasan ito ng magkarelasyon ay kailangan pareho silang nag-eeffort at lumalaban. Hindi dapat ikumpara ang relasyon ninyo sa iba. At tanggaping hindi perpekto ang taong iyong kasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isaisip din na hindi lang basta telenobela ang buhay mo na puwedeng i-edit o i-direk ng iba. Nasa totoong buhay ka kaya naman ang direksyon ng buhay mo ay ikaw ang may hawak. At ang relasyon ninyong mag-asawa ay nakasalalay lang sa inyong dalawa.