Mababasa sa artikulong ito:
- Mga signs na nagseselos ang babae.
- Ano ang dapat gawin upang hindi ito makasira ng inyong relasyon.
Mga signs na nagseselos ang babae ng sobra
Ang pagseselos ay normal na bahagi ng relasyon. Sapagkat patunay lang ito kung gaano mo kamahal ang partner mo at kung gaano ka nag-aalala na mawala siya sa ‘yo.
Pero ang pagseselos na sobra o wala na sa lugar ay hindi nakakatuwa. Maaring makasama at makasira pa ng inyong relasyon.
Kaya naman ayon kay Esther Boykin, isang relationship expert, ang behavior na ito ay dapat matutunan nating makontrol.
“We all experience jealousy at some point; the key to keeping things healthy is being able to identify the feeling and not allow it to control behavior,”
Ito ang pahayag ni Boykin na isa ring marriage and family therapist mula sa Virginia, USA.
Ayon sa mga research, ang mga babae ay nai-report na may mas mataas na level ng pagseselos kumpara sa mga lalaki. Isa sa itunuturong dahilan ng siyensya ay dahil sa mas emotional ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
Sang-ayon ka ba dito? Kung aminadong selosa ka, ayon kay Boykin, narito ang mga signs na ang pagseselos mo ay sumusobra na at maaaring makasama na sa relasyon ninyong mag-asawa.
Signs na sobra na ang pagseselos mo
Woman photo created by cookie_studio – www.freepik.com
- Nagpapanic o kung ano-ano na ang inisip mo kapag hindi agad nasagot ni mister ang tawag o text mo. Sa oras na sumagot siya ay ibubulyaw mo na agad ito sa kaniya.
- Gusto mo ay laging detalyado ang ibibigay ni mister na impormasyon kung saan siya pupunta at kung sinong mga kasama niya. Kahit pati ang mga bagay na ginagawa niya ay gusto mong malaman at inoorasan. Halimbawa kung gaano siya katagal kumain ng lunch sa labas kasama ang mga ka-opisina niya.
- Ma-late lang siya ng uwi o may detalyeng na-miss na ibigay sa ‘yo, iniisip mo ng may ibang babae na siyang pinagkakaabalahan.
- Maya-maya mong chine-check ang social media ni mister. Big deal sa ‘yo ang mga nagli-like o nagko-comment sa post o kaniyang litrato. Para nga sa ikakasaya mo ay hiningi mo rin ang password ng social media accounts ni mister para malaman kung sinong mga ka-chat niya.
- Inaaway mo si mister kahit nasa public place kayo kapag may naalala ka o nagsimula na ang pagseselos mo.
- Gusto mong sumama sa lahat ng lakad ni mister para masigurong mababantayan mo ang lahat ng kilos niya.
- Gusto mong pasunurin si mister sa lahat ng gusto mo.
- Mahilig kang punain ang mga flaws ni mister at laging pinapaalala sa kaniya na napakasuwerte niya sa ‘yo.
- Lagi kang may bad comment sa mga babaeng nakakasama ni mister at ayaw mong may mga kaibigan siyang babae.
- Gusto mo ay ikaw lang priority niya at wala ng iba.
BASAHIN:
5 Signs na nagseselos si mister
5 paraan para maiwasan ang pagseselos
REAL STORIES: 5 tips para maibalik ang tamis ng pag-ibig
People photo created by katemangostar – www.freepik.com
Ano ang iyong magagawa para mabawasan o maalis iyong pagiging pagselosa?
Kung ipinapakita mo ang mga sumusunod na palatandaan sa inyong relasyon ay certified selosa ka. Kailangan mo ng itigil o magdahan-dahan na sa behavior mong ito para hindi ito makaapekto sa relasyon ninyong asawa.
Ayon sa psychologist na si Robert Leahy, para magawa ito ay kailangan mong tanggapin at aminin sa sarili mong selosa ka. Mula roon ay magagawa mo na ang iba pang hakbang na ipinapayo ni Leahy para ang pagiging selosa mo ay matigil na.
Ayon kay Leahy na author ng librong “The Jealousy Cure”, ang mga paraan na maaaring gawin upang makontrol na ang pagiging selosa mo ay ang sumusunod:
Tips kung paano makokontrol ang iyong pagseselos
People photo created by jcomp – www.freepik.com
- Ipaalam sa iyong partner o asawa ang nararamdaman mo. Mag-usap kayo at magkasundo sa kung paano ninyo masisiguro na pareho kayong magiging relax o kampante sa feelings ng isa’t isa.
- Sa oras na nagseselos ka na ay gumawa ng mga bagay na hindi pa magpapalala pa ng nararamdaman mo. Maglakad-lakad, magbasa ng libro, o isulat ang nararamdaman mo. Sa ganitong paraan ay nade-delay ang nararamdaman mong selos at mas makakapag-isip ka ng mabuti.
- I-improve ang iyong sarili. Mag-enroll sa mga classes na magbibigay sa ‘yo ng dagdag na kaalaman. Partikular na self-improvement o pagboboost ng iyong self-esteem para mabawasan ang insecurities mo.
- Ibaba ang expectations mo. Kailangan mong isaisip na hindi sa lahat ng oras ay masusunod at mangyayari ang gusto mo.
- Maging thankful sa mga bagay na mayroon ka. Sa ganitong paraan ay mas na-appreciate mo ang mga bagay sa paligid mo at maiiwasang makaramdam ka ng insecurity.
- Higit sa lahat magtiwala ka sa asawa mo. Sa oras na may pag-aalinlangan sa kaniya ay huwag mahiyang magsabi at makipag-usap sa kaniya.
Source:
Bustle, Psychology Today, Cosmopolitan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!