10 katangiang namamana ng anak sa kaniyang ina
Pagiging matalino isa sa mga katangiang namamana ng isang anak sa kaniyang ina, ayon sa mga eksperto.
Namamana sa nanay na katangian ng kaniyang anak kabilang ang pagiging matalino at mainitin ang ulo, ayon sa pag-aaral.
Hindi tulad ng mga ama mas malaki ang papel na ginagampanan ng mga ina sa katangian na tataglayin ng mga anak nila. Sapagkat maliban sa genes may malaking gampin ang pangangalaga ng ina sa anak habang nasa tiyan pa lang niya ito. Ito rin ay may malaking impluwensiya sa kaniya hanggang pagtanda niya.
At para mas maliwanagan ay narito ang ilan sa mga katangiang namamana ng anak mula sa kaniyang ina, ayon sa siyensya.
Talaan ng Nilalaman
Mga katangiang namamana sa nanay ng anak
1. Sleeping style
Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa journal na Sleep Medicine, natuklasan ng mga scientist na ang ang hirap sa pagtulog at iba pang sleeping habits ay naipapasa ng ina sa kaniyang anak.
Lalo na kung nakasanayan ng bata na makita ang kaniyang ina na laging late ng natutulog o nagpapahinga. Kalalakihan niya ito at tuluyan ng magagaya sa kaniyang pagtanda.
2. Temper o pagiging mainitin ng ulo at kalmado
Ayon sa pag-aaral, ang pagiging mainitin ng ulo o pagiging kalmado ay isa sa mga katangian na namamana sa nanay ng isang anak.
Maliban sa ito, naapektuhan ng DNA makeup, malaking impluwensiya rin sa temperament ng isang bata ang kaniyang personal experience o ang kapaligiran na kinalakihan niya.
Kaya naman kung siya’y lumaki sa isang ina na laging galit at sumisigaw, malaki ang tiyansa na makuha niya ito at mamana sa kaniyang pagtanda.
3. Sense of control
Tulad ng temperament, malaki rin ang tiyansa na namamana sa nanay ng isang anak ang pagkakaroon ng strong sense of control. O pagiging mahigpit pagdating sa pagdidisiplina.
Lalo na kung lumaki ang isang bata na laging binabantayan ng kaniyang ina at dinidisiplina sa bawat kilos niya. Malaki ang posibilidad na magaya niya ito at mai-apply rin kapag siya ay naging magulang na.
4. Healthy Eating Habits
Ang pagkain ng masustansiya habang ipinagbubuntis ang isang bata ay hindi lamang nakakatulong sa kaniyang paglaki habang nasa sinapupunan pa. Mataas din daw ang tiyansa na madala ng bata ang eating habits ng kaniyang ina. Lalo na kung ito ay may poor pregnancy diet ng ipinagbubuntis siya.
Dahil ang poor healthy eating habits na ito ay maaaring mauwi sa type 2 diabetes. Ito ay dahil sa genes mula sa mga ina na may kaugnayan sa insulin production na naapektuhan ng mga kinakain niya.
5. Namamana sa nanay: Dominant Hands
Ang pagiging kaliwete ng isang bata ay nakadepende rin umano sa pagiging left-handed o right handed ng kaniyang ina. At mas tumataas pa nga raw ang tiyansa nito kung kaliwete rin ang kaniyang ama.
6. Migraines, Menstruation atbp
Ang pagkakaroon ng migraine ay isa rin sa mga maaaring mamana ng anak mula sa kaniyang ina. Ganoon din ang ibang pang body experiences at milestones.
Tulad na lang ng pagkakaroon ng buwanang dalaw sa mga babae na 57% ang tiyansang maranasan ang first period niya. Sa loob ng tatlong buwan ng parehong panahon na unang nagkaroon ng regla ang kaniyang ina. Ito ay ayon sa Institute of Cancer Research sa University of London.
7. Body Shape
Ang pangangatawan ng isang bata ay isa rin sa katangiang namamana sa nanay niya. Ayon nga sa pag-aaral, 80% ng body fat ay nire-regulate ng DNA. Ito ay naipapasa ng ina ang mataas na porsyento kapag ipinagbubuntis ang isang bata.
Ang bone structure, frame size at muscle mass ay ilan din sa katangian ng katawan na maaring mamana mula sa mga ina.
8. Hairline, hair color at texture
Ang hairline, hair color at texture ay mga katangiang maaari rin mamana ng anak mula sa kaniyang ina. Lalo na kung ang mga katangiang ito ay mas dominant sa kaniya.
Tulad ng pagkakaroon ng window’s peak, V-shape o lower hairline. Ito ay base sa pag-aaral na ginawa ng University of Utah’s Genetic Science Learning Center.
9. Namamana sa nanay: Intelligence
Ayon isang bagong pag-aaral ang pagiging matalino ng isang ina ay maaring mamana ng anak niya. Ito ay sa pamamagitan ng dalawang X chromosomes na naipapasa ng ina kumpara sa isang chromosome lang na naipapasa ng ama.
Kaya naman mataas ang tiyansa ng kung mataas ang IQ level ng isang ina ay malaki ang posibilidad na ganoon rin ang anak niya.
10. Mga sakit na taglay ng ina
Maliban sa magagandang katangian, malaki rin ang tiyansa na maipasa ng isang ina sa kaniyang anak ang anumang sakit na taglay niya.
Hindi lang ito dahil sa genes o DNA mula sa kaniya. Kung hindi dahil din sa pag-aalaga niya sa sarili habang ipinagbubuntis ang anak niya. Ito ay ayon sa mga pag-aaral.
“By the time it arrives in the uterus, very important biological decisions have been made and those are unchangeable. The seeds of a range of chronic diseases are being sown at that time.”
Ito ang pahayag ni Dr. David Barker, isang professor ng clinical epidemiology sa University of Southampton, England at professor ng cardiovascular medicine sa Oregon Health and Science University.
Ayon pa kay Baker, ang ilan sa mga sakit maaaring mag-develop sa isang sanggol habang siya ay nasa sinapupunan pa lang ng kaniyang ina ay coronary heart disease, stroke, type 2 diabetes, at high blood pressure.
Ganoon din kung may Huntington’s disease ang isang ina, 50-50 ang tiyansang makuha rin ito ng anak niya. Kung siya naman ay may hemophilia, na dinadala ng X chromosomes, mataas naman ang tiyansa ng anak niyang lalaki na mamana ito sa kaniya.
Pero dahil sa ito ay dulot ng faulty gene, ang sakit naman na ito ay maaring hindi mamana ng mga babaeng anak. Ito ay dahil,ang mga babae ay may dalawang X chromosomes na tinatama ang faulty gene na nagdudulot ng hemophilia.
Ang mga sakit na lupus at diabetes rin ay namamana sa nanay ng anak niya. Lalo na kung siya ay na-expose sa iba pang factors sa kaniyang environment na mas magpapa-trigger pa ng sakit.
Namamana sa nanay: Paalala ng mga eksperto
Kaya naman para maiwasan ang mga sakit na ito ay may paalala ang mga eksperto sa mga magulang, partikular na sa mga kababaihan.
Ito ay ang pangangalaga sa kalusugan ng kanilang anak na nagsisimula sa kanilang sarili. At sa pagbubuntis na kung saan kinakailangan ng mga sanggol na lahat ng nutrisyon na makukuha niya mula sa kaniyang ina.
“Babies live off the mother’s body. And her body is the product of a lifetime of nutrition,” dagdag na pahayag ni Dr. Baker.
Dahil dito ay kailangang mapanatili ng mga ina ang pagkakaroon ng healthy diet hindi lamang kapag tuwing sila ay nagbubuntis. Kung hindi sa araw-araw na aalagaan nila ang anak nila na magsisilbi ring hulmahan ng magiging sa kung sino sila paglaki nila.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.