Camarines Norte—Dalawang buwan na ang nakakalipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Kyre Sarmiento ang sinapit ng kaniyang ate na si Princess Jane sa kamay ng diumano’y pabayang midwife sa health center. Ayon sa isang Facebook post, namatay dahil sa kapabayaan ang 22-anyos na ina habang nagli-labor ito.
“Healthy po ang kapatid ko at walanq iniinda na sakit habang sya ay naqbubuntis,” ikinuwento ni Kyre sa panayam sa theAsianparent. “Septicemia po ang ikinamatay niya three weeks pagkatapos niyang manganak.”
Sa isang Facebook post, na may mahigit 2,000 shares na ngayon, ikinuwento ni Kyre ang nakalulungkot na pangyayari.
“Dinala ang kapatid ko sa health center sa bayan ng Sta.Elena Camarines Norte upang doon manganak bandang 11:45 ng tanghali. Ipinasok agad ang aking kapatid sa delivery room at ang attending midwife,” ikinuwento ni Kyre sa isang post sa Facebook.
Ayon kay Kyre, pinilit ng midwife na paputukin ang panubigan ng kapatid niya at paulit-ulit na ginawa ang internal examination, hanggang sa namaga na ang puwerta nito.
Sa kanyang facebook post, isinama din ni Kyre ang larawan ng namamagang puwerta bilang patunay na namatay sa kapabayaan ang kaniyang kapatid. | sceenshots mula kay: Kyre Espadilla Sarmiento
“Dito na naganap ang di namin inaasahang pangyayari na magiging sanhi ng komplikasyon ng kapatid ko,” dagdag pa niya.
“…hanggang sa dumating ang hapon at sinabi ng midwife na kailangan i-refer sa probinsyal hospital sa Daet ang aking kapatid.”
Ayon kay Kyre, pinilit ng midwife na paputukin ang panubigan ng kapatid niya at paulit-ulit na ginawa ang internal examination, hanggang sa namaga na ang puwerta nito.
“ Minarapat ko na pumasok sa delivery room at nakita ko na hirap na hirap na ang aking kapatid, at namamaga na ang kaniyang pwerta,” kuwento ni Kyre.
“Sa kwento ni ate sa akin ay inagad ng midwife ang kanyang pag-anak agad daw nito na pinutok ang kanyang panubigin ng wala pa sa oras,” dagdag niya. Ayon kay Kyre, marami ring gamit na guwantes sa delivery room, na “magsisilbi sanang patunay sa paulift-ulit na internal examination.” Ito, aniya, ang nagdulot din ng grabeng pamamaga sa pwerta ng ate niya.
Dahil sa Pamamaga ay Na-Cesarean Section ang Kapatid ni Kyre at Dahil Dito Nagka-Komplikasyon at Namatay Ito
Ang pamamaga na ito ang naging dahilan para ma-cesarean ang kapatid ni Kyre sa isang provincial hospital. Makalipas ang tatlong linggo, namatay ito dahil sa septicemia.
“Marami syang pangarap na di na matutupad dahil sa kagagawan mo!” sabi pa ni Kyre sa Facebook post, dagdag pa niya na itinanggi ng midwife ang nangyari. Maging sa death certificate diumano’y pinagtakpan nila ang tunay na nangyari.
Ayon kay Kyre, healthy naman ang kaniyang pamangkin, ngunit hindi pa rin nila matanggap na naulila na ito bago pa man makilala ang kaniyang ina.
“Hustisya pakiusap! Hustisya nasaan? Napakasakit,” sabi ni Kyre, “para sa walang muwang na naulila at sa mga pangarap na kailan ma’y di na maaaring matupad.”
Nakikiramay po kami sa pamilyang Sarmiento. Nawa’y makamit nila ang mga kasagutan at hustisyang ninanais nila.
Na-contact din namin ang Department of Health sa Camarines Norte tungkol sa insidenteng ito para makuha ang kanilang pahayag.
Ano ang septicemia?
Ang septicemia, o blood poisoning, ay isang malubhang impeksyon sa dugo. Nangyayari ito kapag ang bacterial infection sa ibang parte ng katawan ay pumapasok sa bloodstream.
Kapag hindi naagapan, maaaring nakakamatay ito dahil delikado ang bacteria at toxins na kakalat sa buong katawan. Maaaring lumubha pa ito at maging sepsis kung hindi naagapan sa ospital ng antibiotics at iba pang gamot.
Ang sepsis ay isang malubhang komplikasyon ng septicemia na nagdudulot ng pamamaga sa loob ng katawan, blood clots, at maaari din nitong harangan ang oxygen na kailangan ng vital organs ng isang tao. Dahil dito, maaaring magka-organ failure na nakamamatay.
Kadalasan ay hindi alam ang eksaktong nagdulot nito pero madalas ay resulta ito ng napabayaang urinary tract infections (UTI), impeksyon sa lungs tulad ng pneumonia, impeksyon sa kidneys o tiyan. Ang mga nakaconfine sa ospital ay at risk din lalo na ang may malubhang sugat, urinary catheter, mechanical ventilation o yung may mga HIV at kanser na nagki-chemotherapy.
Ang mga sintomas nito ay lagnat, chills, mabilis na paghinga o pagtibok ng puso. Maaari ring magdulot ito ng pagkalito, pagsusuka, pagkahilo, pulang rashes, kakaunting urine or di sapat na blood flow sa katawan.
source: Healthline
BASAHIN: 8 maternity practices na maaaring hindi na gawin ngayon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!