Para sa mga mag-asawa, ang panganganak sa kotse o anumang sasakyan ay nakakabahala para sa buhay ng bata. Ngunit ito ang pagkakataon na kailangan maging kalmado upang mailabas ang bata ng safe at malayo sa panganib.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nanganak sa kotse si misis, midwife si mister
- Karanasan sa panganganak sa saksakyan, kinakabahan kung hindi iiyak si baby kapag nilabas na?
- Ang paghahanda ni mister kung si misis ay nagsisimula nang mag-labor
Karaniwang inihahanda na ng mga ina ang kaniyang mga kakailanganing gamit sa panahong malapit na siyang mag-labor. Hangga’t maaari ay dapat handa na ang hospital bag at papeles na dapat dalhin kung sakaling maramdaman niyang manganganak na siya. Ngunit, may mga pagkakataon namang nanganganak ang isang babae sa mismong sasakyan papuntang ospital.
Hindi na bagong bagay ang mga kasong may nanganak sa kotse. Ngunit ito’y makapigil-hiningang pangyayari. Kailangang maging maingat na alalayan ang panganganak upang ligtas na mailabas ang bata.
Nanganak sa kotse si misis, midwife si mister
Kamakailan lang ay nag-viral sa Tik Tok na may 2.7 million views ang video ng mag-asawa papuntang ospital. Sa una pa lang ay nagkabit na sila ng camera sa kotse upang mai-vlog ang childbirth moment mula simula ng pagbubuntis hanggang sa panganganak.
30 minuto mula ng sumakay sila ng kotse papuntang ospital, ang baby ay tila ‘di na makapag-hintay na lumabas mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
Sa pagkakataong iyon, inihininto na ng lalaki ang kotse at tumawag ng health operator dahil nagsisimula nang lumabas ang ulo ng bata.
Sa tulong ng online hospital staff, inilabas nang kalmado ng babae ang bata. Safe itong ipinanganak.
Karanasan sa panganganak sa saksakyan, kinakabahan kung hindi iiyak si baby kapag nilabas na?
Sa kabila ng matagumpay na panganganak ng babae, ang mag-asawa ay nagsimula nang mag-alala ng hindi pa naririnig umiyak ang bata. Buti na lamang paglipas ng 20 segundo ay umiyak na ang sanggol at nagbigay ginhawa sa mag-asawa.
Ayon sa ina, ang 20 segundo na iyon na hindi naririnig ang iyak ng anak ay talaga namang nakakabahala.
BASAHIN:
Funny Delivery Story: “Sa tagal ng labor ko, nag-ML na ‘yong mga nurse sa delivery room”
7 signs na malapit nang magsimula ang pag-labor ng buntis sa susunod na 24-48 hours
REAL STORIES: “After 3 days ng labor, CS din pala ang ending!”
Ang paghahanda ni mister kung si misis ay nagsisimula nang mag-labor
Sa pagbubuntis, hindi lang ang babae ang dapat na maging handa sa panganganak. Si mister din ay may malaking parte. Ang paghahanda ay makakatulong para maiwasan mag-panic ang babae sa oras na nararamdaman na niya ang contraction.
Normal na maramdaman ng lalaki ang takot at kaba sa panahong manganganak na ang asawa lalo pa’t kung siya ay first time parent pa lang.
Kaya narito ang ilang tips para mai-ready ang sarili sa oras na malapit na ang due date ni misis:
1. Siguraduhin alam ang pinaka-malapit na daan papuntang hospital o clinic kung saan manganganak si misis.
Bilang asawa, tungkulin mong maging handa sa pagmamaneho papuntang ospital para sa mas safe na delivery ng iyong anak.
2. Siguraduhing sapat ang gasolina ng sasakyan.
Bagaman ito ay madaling gawin, ang kawalang-ingat sa pagsusuri ng langis ng kotse ay maaaring magdulot ng mga problema. Kaya siguraduhing puno ang tangke ng gasoline. Sa oras na nagle-labor na si misis, hindi mo na kailangang mag-alala na huminto sa istasyon ng gasolina para magpa-gas patungo sa ospital.
3. Makinig sa payo mula sa mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan na dumaan sa katulad na karanasan.
Ang paghahanda sa kapanganakan ay maaaring mangyari nang higit sa iyong inaasahan. Maglaan ng oras upang makinig sa mga karanasan at payo mula sa mga tao sa paligid mo.
4. Maghanda ng bag. Huwag kalimutang ihanda ang iyong kagamitan.
Habang naghihintay sa ospital, maaaring kailanganin mong magpalit ng damit, prayer mat, at kumain ng meryenda. Sa oras na ito, abala kung mag co-commute ka pa papuntang bahay o café para bumili ng pagkain. Tandaan na ito ang oras na kailangan ka palagi ni misis sa kaniyang tabi.
5. Maging number 1 supporter ng iyong asawa.
Kapag naharap na sa sakit dulot ng contraction, maaaring halo-halo ang emosyon nararamdaman ng babae. Makakaramdam siya ng sobrang sakit, lungkot, at takot sa puntong makakalimutan niyang sundin ang bawat maternity science na natutunan habang siya’y nagbubuntis.
Bilang asawa, kailangan mong gampanan ang isang mahalagang papel sa oras ng panganganak ni misis. Pakalmahin siya o bigyan ng light massage para maging komportable. Ito’y mahalagang bagay para sa mas safe na paglabas ni baby.
Ang pagsilang ng isang sanggol ay maaaring maging isang nakakatakot at nakakabahalang karanasan para sa isang babae. Ngunit sa tulong at suporta ni mister, ang proseso ng pagbubuntis hanggang sa panganganak ay magiging madali.