X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kumpare na nangungutang: "Damot mo naman, 'Pre... 7k ba diaper at gatas ng anak mo?"

4 min read
Kumpare na nangungutang: "Damot mo naman, 'Pre... 7k ba diaper at gatas ng anak mo?"

May nangutang ba sayo at hindi nakapagbayad? Narito ang maari mong gawin para panagutin siya sa kaniyang responsibilidad.

Nangungutang ng pera at hindi nakakabayad, may paraan o kaso bang maaring maisampa?

nangungutang ng pera

Image from Freepik

Lalaking nangungutang ng pera

Naging viral sa social media ang usapan ng isang netizen at kaniyang kaibigan na nangungutang ng pera. Ang nakakatuwa ng hindi mapahiram ng pera dahil pinaglalaanan ng netizen ang gatas at diapers ng anak niya ay sinabihan itong madamot at kakarmahin din ng kaniyang kaibigan.

Tulad nga ng “ikinatatakot” ng iba, nagsimula ang kanilang usapan sa kumustahan. Hanggang nag-volunteer na ang kaibigang nangungutang ng pera na maging ninong ng anak ng netizen sa paparating nitong binyag. At sunod na naging hirit nito ang pangungutang ng P7,000 para daw di umano sa celebration ng nalalapit na birthday ng girlfriend niya.

nangungutang ng pera

Image from Facebook

Madamot dahil hindi nagpautang?

Ngunit dahil sa maraming gastusin at laging may sakit ang anak ng netizen ay sinabi niyang hindi niya ito mapapahiram ng ganoong kalaking halaga. Sa halip ay inalok niya ito ng P1,000 dahil mas kailangan daw ng netizen ng pera para sa gatas at diapers ng anak niya. Lalo pa’t petsa de peligro noong nangungutang ng pera ang kaibigan niya. Hindi akalain ng netizen na, ito ang magiging reaksyon at sagot ng kaibigan niyang nangungutang ng pera.

Kumpare na nangungutang: Damot mo naman, Pre... 7k ba diaper at gatas ng anak mo?

Image from Facebook

Pero ayon sa netizen hindi siya madamot dahil ilang beses na umanong nakautang ang kaibigan niya sa kaniya na magpahanggang ngayon ay hindi niya pa nababayaran. Ngunit tila nakalimutan na ng kaibigan ng netizen ang nahiram nitong pera. Sa halip ito pa ang nagalit at binawi ang pagpepresinta na maging ninong ng anak ng inuutangan niyang netizen.

Kumpare na nangungutang: Damot mo naman, Pre... 7k ba diaper at gatas ng anak mo?

Image from Facebook

May ganito ka rin bang karanasan? O mayroon na bang nangutang sayo at hindi ito nabayaran? Mayroon kang maaring gawin para ito ay habulin at siya ay panagutin. Bagamat ayon sa batas, ang sinumang hindi nakabayad ng utang ay hindi maaring makulong sa kapabayaang ginawa niya.

Mga paraan para panagutin ang taong hindi nagbabayad ng utang

Ayon kay Atty. Hazel G. Dilig-Carandang, attorney-at-law, walang batas sa Pilipinas ang nagsasaad na may Pilipinong maaring makulong dahil sa utang. Bagamat may mga kasong maaring maisampa lalo na kung ang pangungutang ay ginawa sa pamamagitan ng credit card, pag-iisyu ng talbog na cheke at estafa.

Pagpa-file ng small claims

Sa usapin ng pangungutang ng pera sa pagitan ng dalawa tao, ang pinaka-simpleng paraan para panagutin ang nangutang ay sa pamamagitan ng pagpa-file ng small claims o A.M. No. 08-8-7-SC. Ayon sa pinaka-latest na update mula sa Supreme Court, ang small claims ay applicable lamang sa pagkakautang ng hindi lalampas ng Php400,000. At ito ay fini-file sa Municipal Trial Court o Metropolitan Trial Court.

Matapos ng filing ng small claims ay magkakaroon ng hearing ang inutangan at nangutang ng pera sa korte sa loob lamang ng 30 araw matapos mai-file ang claim. Dito ay maari silang pag-ayusin o pagkausapin para sa pinakamainam na paraan para panagutan ng nangungutang ng pera ang kaniyang responsibilidad. Ngunit sa oras na hindi sumipot ang inirereklamong nangutang ng pera ay mag-iisyu ng writ of execution ang korte. Gamit ito ay maaring kumuha ng properties na pag-aari ng inirereklamo bilang kapalit o kabayaran sa perang nautang niya.

Pagsampa ng civil case

Kung ang inutang na pera naman ay higit sa P400,000 ito ay itinuturing na isa ng civil case at kailangan ng dumaan sa legal at mahabang proseso.

Hindi rin namamana o naipapasa ang utang. Kung sino ang nangutang ay ito lamang ang may responsibilidad na magbayad sa perang nautang niya. Ngunit ito ay maaring maiba kung may kontratang napagkasunduan ang dalawang panig na nagsasaad ng pagpapasa sa kaniyang pagkakautang.

Kaya may payo si Atty. Carandang sa mga nagpapautang.

“Parating maghanda ng kontrata kapag nagpapautang. Kahit magkano pa ang halaga, kailangan may kasulatan. Lalo na kung may interes.” Kung ang pinapautang ay may interes, ayon sa kasunduan ng lender at debtor, dapat nakasulat at pirmado ng nanghihiram, dagdag ni attorney.

“Kung installment naman ang pagbabayad, mas maganda kung mahihingan ng cheke na post-dated. Para kung tumalbog man, puwedeng sampahan ng criminal action kaagad,” pagtatapos niya.

Source:

ABS-CBN News, The Asianparent Philippines, Philippine News Agency

Photo: Freepik

Basahin: Tama bang pautangin ang iyong mga kaibigan o kamag-anak?

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Kumpare na nangungutang: "Damot mo naman, 'Pre... 7k ba diaper at gatas ng anak mo?"
Share:
  • Lalaki, hindi nagsusuporta at iniwanan ng utang ang babaeng nabuntis at naanakan niya

    Lalaki, hindi nagsusuporta at iniwanan ng utang ang babaeng nabuntis at naanakan niya

  • Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

    Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Lalaki, hindi nagsusuporta at iniwanan ng utang ang babaeng nabuntis at naanakan niya

    Lalaki, hindi nagsusuporta at iniwanan ng utang ang babaeng nabuntis at naanakan niya

  • Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

    Mister, iniwan si misis matapos manalo ng lotto

  • Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

    Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko