X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Totoo bang nagkakasakit ang bata kapag natuyuan ng pawis?

6 min read
#AskDok: Totoo bang nagkakasakit ang bata kapag natuyuan ng pawis?

Maari ba talagang magkasakit ang iyong anak kapag natuyuan ng pawis? Alamin ang sagot at paliwanag ng isang pediatrician.

“Baka matuyuan ng pawis si baby, magkakasakit ‘yan!” Totoo ba itong sinasabi ng matatanda? Alamin ang kasagutan mula sa isang pediatrician.

natuyuan ng pawis

Nagkasakit dahil natuyuan ng pawis o sa pagod? | Larawan mula sa Freepik

Hindi tulad dati na kaunting ubo at sipon lang ng ating anak, puwede natin sila agad dalhin sa doktor para mapa-checkup. Ngayon, kailangan nating maging mas maingat sa mapagmasid bilang magulang para bantayan ang nararamdaman ng ating anak kapag mayroon silang sakit.

Isa sa mga karaniwang sakit na napagdadaanan ng mga bata ay ang pagkakaroon ng ubo at sipon. Pagdating din sa paksang ito, napakaraming tanong ng mga magulang, lalo na ngayon na hindi tayo agad makakonsulta sa doktor.

Alam natin na maaaring makuha ang ubo mula sa napakaraming bagay sa ating kapaligiran. Subalit may isang paniniwala na nakuha pa natin mula sa matatanda. Hanggang ngayon nga ay pinaniniwalaan pa rin ng maraming magulang – maaari umanong magkasakit ang isang bata kapag natuyuan ng pawis. Mayroon bang katotoohanan ito?

Para malaman ang kasagutan, kumonsulta kami kay Dr. Romina Gerolaga, isang pediatrician at eksperto sa pediatric pulmonology mula sa Makati Medical Center tungkol sa tanong na ito ang sa mga bagay na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa ubo ng bata.

Advertisement

Ang mabilis na sagot – hindi totoong maaaring magkasakit ang bata dahil natuyuan siya ng pawis.

▲▼Talaan ng Nilalaman

  • Karaniwang sanhi ng ubo at sipon sa mga bata
  • Totoo bang nagkakasakit kapag natutuyuan ng pawis?
  • Paano gagamutin ang ubo ng bata?

Karaniwang sanhi ng ubo at sipon sa mga bata

Ayon kay Dr. Gerolaga, maraming puwedeng panggalingan ang ubo at sipon sa mga bata. Kadalasan ito ay kapag mayroon siyang nalanghap na virus o mikrobyo at nakarating ito sa ating sistema.

“Tandaan natin na ang infection sa baga o mga problema ay karaniwang dahil sa nai-inhale ng tao. Kung ano ang na-inhale o nalagay sa mouth at nose, at napupunta sa respiratory tract.” aniya.

Narito ang ilang posibleng sanhi ng ubo ng iyong anak:

  • Virus na naipasa sa kaniya mula sa kapaligiran

Bukod sa kaniya, mayroon pa bang ibang may ubo sa inyong bahay? Maaaring nahawa ang iyong anak sa pamamagitan ng paglapit sa taong may ubo, o kaya naman nakahawak ng bagay kung saan nanatili ang droplets ng taong may sakit.

Pero kung virus ang sanhi ng ubo, mapapansin mo na hindi naman ito lumulubha. Wala siyang hingal at hindi rin nahihirapang huminga.

  • May nakaharang sa airways

Sa mga baby, isang posibleng dahilan ng ubo ay sa pagpapakain. “Baka masyadong nakahiga, at dahil dito, ‘yong pagkain o milk ng bata ay napunta sa daluyan ng hangin at hindi sa daluyan ng pagkain.” ani Dr. Gerolaga.

  • Allergies

Maaaring na-expose ang bata sa mga bagay na nakakapagsimula o trigger ng kaniyang mga allergy. Mayroon ba siyang ginawa kung saan nakalanghap siya ng alikabok o kaya lagi bang napapalitan ang sapin sa kama niya? “Kung mataas ang allergy sa pamilya, posible rin na kaya inuubo ang bata ay dahil may nagti-trigger dito.” dagdag ni Dr. Gerolaga.

natuyuan ng pawis

Larawan mula sa Freepik

Totoo bang nagkakasakit kapag natutuyuan ng pawis?

Ayon kay Dr. Gerolaga, walang katotohanan ang paniniwala na magkakasakit ang isang tao kapag natuyuan siya ng pawis dahil wala namang kinalaman ang pawis sa ating baga.

“Matagal nang paniniwala ‘yan, pero sa totoo, hindi mismo ‘yong pawis ang nagko-cause ng ubo kasi wala namang koneksyon ‘yon sa baga natin.” aniya.

Dagdag pa niya, dapat tandaan na ang karaniwang sanhi ng ubo ay impeksyon sa baga na maaaring galing sa virus o allergens na nalalanghap natin.

Payo ni Dr. Gerolaga, dapat obserbahan ang bata at ang kaniyang mga sintomas para malaman ang sanhi ng ubo. Paliwanag niya,

“Kailangan nating alalahanin na hindi dahil sa natuyuan ng pawis. Maaring kaya siya inubo ay dahil posibleng may allergies pala siya, o may hika at napagod kaya siya inubo.” aniya. “Maari rin naman na noong naglalaro pala ay nakalanghap siya ng any triggers na nagko-cause ng pag-ubo niya.”

Aniya, kailangang baguhin ang ganitong paniniwala at suriing mabuti kung saan tunay na nanggagaling ang ubo ng bata.

Paano gagamutin ang ubo ng bata?

Ngayong nalinaw na ang paniniwalang nagkakasakit ang bata kapag natutuyuan ng pawis, dapat alamin ng magulang kung ano ang sanhi ng ubo at paano malulunasan ito.

Kung ang sanhi ng ubo ng bata ay virus, hindi naman agad kailangan na uminom ng gamot at antibiotics.

Habang nasa bahay at hindi makapunta agad ng ospital, narito ang mga bagay na maaaring makatulong sa mga magulang:

  • Obserbahan ang bata

Ayon kay Dr. Gerolaga, ang unang bagay na dapat gawin ng mga magulang ay obserbahan ang kanilang anak. Obserbahan kung lumulubha ba ang kaniyang ubo at kung nagiging mas madalas ito.

  • Tulungan ang bata

Depende sa mga sintomas na nararanasan ng bata, mayroong mga home remedies na puwedeng subukan para maibsan ang ubo gaya ng lagundi para mapalambot ang plema at pinaluluwag ang daluyan ng hangin sa baga.

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
  • Alamin ang medical history ng bata

Mahalaga ito para matukoy kung ano ang karaniwang sanhi ng ubo sa bata at kung anong mainam na gamot na ibigay sa kaniya.

“Kung hikain, tingnan mo kung ano ‘yong instruction sa iyo ng iyong doktor.” ani Dr. Gerolaga. “Baka naman mayroon ka nang gamot na naka-ready at puwede nang i-nebulize ang bata. Kung ito naman ay paisa-isang ubo dahil sa virus, just increase fluid intake, mag-rest at obserbahan kung ito ay gumagrabe.” paliwanag niya.

Payo ni Dr. Gerolaga, kapag napapansin mo ang sintomas ng ubo sa iyong anak, huwag mag-panic at sa halip, i-monitor at obserbahan ang bata kung lalala ang kaniyang sakit.

Kapag nilagnat ang iyong anak at nagkaroon ng problema sa paghinga, ipagbigay-alam agad sa kaniyang pediatrician para malaman ang sunod na gagawin.

Habang limitado ang pagdala sa ating anak sa ospital at doktor, mas makakabuti kung magiging alerto, huwag agad maniniwala sa mga sabi-sabi. Gayundin, panatiliing malinis ang paligid at palakasin ang resistensya ng buong pamilya upang makaiwas sa sakit.

Pero kung mayroon kang napapansin na kakaiba sa ikinikilos o sa kalusugan ng iyong anak, tumawag agad sa doktor.

natuyuan ng pawis

Larawan mula sa Freepik

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • #AskDok: Totoo bang nagkakasakit ang bata kapag natuyuan ng pawis?
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko