Nico Bolzico sa pagiging tatay: "Thylane is my number one priority... She is more important than work"

Nico Bolzico nag-iba umano ang priority nang siya'y maging tatay na, alamin ang fatherhood story niya sa artikulong ito.

Nico Bolzico, asawa na aktres na si Solenn Heussaff, ipinahayag ang naging malaking pagbabago nang siya ay maging isang ganap na ama sa kaniyang unica hija na si baby Thylane.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Nico Bolzico sa kaniyang fatherhood
  • Benefits ng pagkakaroon ng matatag na father-daughter relationship

Nico Bolzico sa kaniyang fatherhood

Si Thylane Katana Bolzico ang 2-year-old unica hija ng aktres na si Solenn Heussaff at isa sa mga kilalang social media personalities na si Nico Bolzico.

Simula nang maging isang ganap na tatay at magulang si Nico Bolzico, malaki ang pagbabagong dala nito sa kaniyang buhay. Ibinahagi niya ito sa isang podcast kasama ang kaniyang malalapit na kaibigan na sina Wil Dasovich at Erwan Heussaff.

Ayon kaniyang kaibigan na si Wil,

“Ever since having Thylane, he’s changed.”

Napansin ni Wil ang naging pagbabago kay Nico simula nang siya ay maging magulang kay baby Thylane. Aminado rin naman ang social media personality na si Nico Bolzico sa bagay na ito. Mula sa pagiging very career-oriented, ngayon ay anak na niya ang number 1 sa kaniyang priority list.

Nico Bolzico on fatherhood. | Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heusaff

Pagbabahagi ni Nico Bolzico,

“At one point of your life, your career was everything and you just wanted to develop yourself.”

Bago dumating ang kanilang unica hija ng asawang si Solenn Heussaff, iba ang kaniyang objective sa buhay. Ayon sa kaniya, nais pa niyang magkaroon multinational na company na mayroong mahigit 2000 employee. Subalit, tila naiba ang ihip ng hangin magmula nang siya ay pumasok sa fatherhood.

“If you ask me today, that’s not my objective anymore,” sambit niya. 

Nais iparating ni Nico na tapos na siya sa punto ng kaniyang buhay kung saan ang sarili at career ang kaniyang topmost priority. Ngayon, hindi maitatanggi na sa kaniyang baby girl na halos umiikot ang kaniyang mundo.

“Thylane is my number one priority,” saad ni Nico Bolzico. 

Dahil priyoridad ni Nico ang  kaniyang anak, labis-labis rin ang kaniyang pagpapahalaga sa health at pagwo-wourkout. Ayon sa kaniya, nais niyang patuloy at mas maging healthy pa para sa anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heusaff

Pagbabahagi niya,

“I want to be healthy as long as possible in order to be able to play with her, to be there for her, and support her.. her life in general.”

Wala siyang iba pang layunin kundi ang makakabuti para sa kaniyang baby girl at ang magampanan ng maayos ang kaniyang role bilang magulang nito.

Dagdag pa niya,

“When it comes to my time distribution of my day-to-day, Thylane becomes a priority in the sense that she’s more important than work.”

Araw-araw ay sinisigurado niya na mayroon siyang oras para makasama at maalagaan si baby Thylane. Tatlong oras sa umaga, tatlong oras din sa hapon ang kaniyang ibinibigay para sa anak araw-araw. “Non-negotiable” raw ang bagay na ito, at hindi pwedeng makaligtaan.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heusaff

“I don’t care if I have a meeting, that’s non-negotiable,” sambit ni Nico.

Nagpapasalamat naman ang mag-asawa dahil may kakayahan silang gawin ‘yon para sa anak. Dahil aware din siya na hindi lahat ng magulang ay may kakayahan ng mahabang oras para sa kanilang anak araw-araw.

Bukod dito, aware din siya sa consequences ng parenting style na ginagawa nila para kay Thylane. Aminado siya na nagkaroon ito ng epekto sa kaniyang buhay, career, at lalo na ang kaniyang income. Subalit sa kabila ng mga ito, may isang bagay din siyang napagtanto. Ayon sa kaniya,

“To be honest, I realized that spending time with Thylane is want I really want to do.”

Para rin sa kaniya, habnag nadadagdagan nang nadadagdagan ang kaniyang edad ay mas kumukonti rin ang kaniyang oras, kaya naman mas binibigyan niya ito ng pagpapahalaga. Nais niyang sulitin ang kaniyang bawat oras sa araw-araw para lamang sa kaniyang unica hija.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heusaff

BASAHIN: 

Awra’s father sa pagkakaroon ng two gay sons: “Kung hindi ko matatanggap, paano pa ‘yong ibang tao?”

John Lloyd Cruz on fatherhood: “Akala mo ready ka because you wanted it…”

McCoy de Leon on being a father: “Panibagong responsibility, panibagong inspirasyon.”

Benefits ng pagkakaroon ng matatag na father-daughter relationship

Ayon sa ilang mga pag-aaral, maraming magandang naidudulot ang pagkakaroon ng matatag at maayos na relasyon sa pagitan ng batang babae at kaniyang ama. Malaki ang healthy na epekto nito sa kaniyang psychological development.

Ang mga batang babae na lumaki na may kasamang presensya na kaniyang ama ay mas healthy, confident, at mas nagkakaroon ng malalim na pagkakaintindi sa kanilang mga sarili at nais gawin sa buhay.

Bilang ama, mahalaga na iyong tandaang malaki ang positibong epekto ng iyong pagiging connected sa iyong anak. Ayon sa pag-aaral, ang mga anak na babaeng lumaki ng may mapagmahal at maayos na relasyon sa kaniyang ama ay:

  • Mas mayroong paninindigan at confident na hindi agresibo.
  • Layunin at pagnanais na magkaroon mataas na pinag-aralan.
  • Mas may tiwala sa kaniyang sarili at mga kakayahan
  • Magiging confident na bumuo ng maayos na relasyon sa iba’t ibang uri ng tao.

Ang pagkakaroon ng maayos at matatag na father-daughter relationship ay isang magandang pundasyon ng tiwala at suporta. Bukod pa rito, maiipon ninyo ang inyong masasaya at meaningful nang magkasama na maaari ninyong balik-balikan pagdating ng panahon.