Nilason ng kasambahay at natusta ang lalamunan. Ito ang nangyari sa isang ama ng tahanan matapos hindi pinagbigyan ang hiling ng kasambahay nilang advance para makabili ng sigarilyo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ama nilason ng kasambahay
- Tips para sa pagkuha ng kasambahay
Amang nilason ng kasambahay
Para magsilbing babala at paalala sa lahat ng magulang na desperadong makakuha ng yaya o kasambahay ay ibinahagi ng marketing professional na si Mel Panabi ang kaniyang karanasan.
Si Mel nilason ng kasambahay nila sa pamamagitan ng paglalagay ng liquid sosa sa kaniyang inumin dahil sa ginawa ng kasambahay, ang lalamunan ni Mel ay natusta. Kaya naman hirap na siyang kumain.
Kuwento ni Mel, nangyari ang insidente noong October 20, 2020 sa gitna ng ipinatutupad na quarantine sa Maynila dahil sa COVID-19. Isang bagay na akala niya’y nangyayari lang sa mga kuwento-kuwentong naririnig niya.
Ayon pa kay Mel, may sa malas daw sila pagdating sa pagkuha ng kasambahay na mapagkakatiwalaan para sa kanilang pamilya. Isa sa kasambahay nila noon ay nag-advance ng 2 buwan nitong sahod para makauwi ng probinsya at hindi na bumalik.
Habang ang sumunod naman na nakuha nila ay nagrereklamo sa tuwing nauutusang bumili sa tindahan sa loob lang ng kanilang subdivision.
Kasambahay na inirekumenda ng isang kakilala
People photo created by drobotdean – www.freepik.com
Dahil si Mel ay nagtratrabaho, ganoon din ang misis niyang si Dedet desperado silang makakuha ng kasambahay. Upang may mag-alaga at magbigay ng araw-araw na pangangailangan ng dalawang seniors sa bahay nila at ng dalawa nilang anak.
Kaya naman nang may irekumenda ang kasambahay ng kanilang kapitbahay ay hindi na sinayang ng mga ito ang pagkakataon.
“We didn’t want to go through an agency and get someone “we didn’t know.” But personal referrals are hard to get, and not as reliable as they seem. The corner sari-sari store owner recommended a neighbor’s household help, who recommended her sister-in-law. While it wasn’t a perfect scenario, there was some assurance that she was somehow… related.”
Sa pag-aakalang mapagkakatiwalaan nila, agad tinawagan nila Mel at ininterview ang kasambahay over the phone. Kuwento ng kasambahay, siya’y nanggaling na ng Maynila at marunong sa mga gawaing bahay.
Isang bagay na pinaniwalaan naman ni Mel at kaniyang asawa. Kaya naman nag-desisyon silang kunin na ito at papuntahin na sa bahay nila.
Nagsinungaling at hindi pala marunong sa mga gawaing-bahay
Kuwento ni Mel, dumating sa kanilang bahay ang kasambahay na si Tess ilang linggo bago magdeklara ng lockdown sa Maynila.
Sa mga unang linggo pa lang nito’y nadiskubre nilang hindi totoo ang pinagsasabi nito noon sa interview. Si Tess pala’y hindi marunong sa gawaing-bahay kahit na ang magluto. Saka ito pala’y malakas mag-sigarilyo na hindi nito nabanggit sa kanila.
“Tess arrived at the tail-end of February, a few weeks before the COVID-19 lockdown was declared. From the very first few weeks it was apparent she oversold her skills. She didn’t know how to cook, barely knew all other chores, and could only remember to do something after you reminded her. And she smoked. A lot. Something she failed to tell us.”
Si Mel bago siya nilason ng kasambahay nila./Image from The Philippine Star
Mahilig din itong mag-advance para sa kaniyang bisyo
Gustuhin man nila Mel na paalisin na si Tess sa kanilang bahay ay naawa sila rito. Lalo na’t nagdeklara na ng lockdown at hindi ito basta-basta makakabyahe pabalik sa kanila.
Kaya naman nag-desisyon sila ng kaniyang asawa na si Dedet na pagtiisan muna ito at hayaang magsilbi sa kanila ng ilang buwan pa.
Pero ang kasambahay na si Tess mahilig mag-advance. Hindi para maipadala sa pamilya niya. Kung hindi para makabili ng bisyo nitong sigarilyo na sa pagkukuwenta ni Mel ay umabot na sa 15,000 matapos ang ilang buwan nitong pamamasukan sa kanila.
Sanhi ng lockdown ay nakaranas din ng paghihigpit sa budget ang pamilya ni Mel. Kaya naman para magpakasya ang kanilang kinikita ay sinabihan nito ang misis na si Dedet na itigil muna ang pagbibigay ng cash advance sa kasambahay nilang si Tess.
Lalo na kung ito’y pambili lang ng sigarilyo at tsitsirya na lagi niyang idinadahilan para makapunta sa kapit-bahay nila.
Panglalason ng kasambahay dahil sa hindi nila ito pinagbigyan
Hanggang sa nangyari nga ang hindi nila malilimutang insidente noong Oktubre 10, 2020. Ang araw na kung saan hindi napagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng kasambahay na cash advance para may ipambili ng sigarilyo niya.
Hindi umano ito nagustuhan ng kasambahay na kitang-kita sa mga itsura at mga galaw niya.
Nang nasabing araw ay lumabas ang mag-asawang sina Mel at Dedet para may asikasuhin. Nang makabalik sila ng bahay ay nangyari na nga ang insidenteng babago sa buhay niya.
Sapagkat nilagyan ni Tess ng liquid sosa ang inumin ni Mel. Nagdulot ito ng labis na init at pananakit ng kaniyang lalamunan. Nagsuka rin siya ng dugo na nagbigay sa kaniya ng ideya na nalason siya.
“Right beside my desk is a metal water bottle, which I always have with me since I always drink water. I opened it and took a small gulp. The first thing that I noticed was that the water was hot. I thought someone replaced it accidentally with hot water, or that since it was a hot day, by some weird physics, the water temperature had risen, too.”
“Then my throat started burning. The pain just kept on escalating. I rushed to the bathroom—immediately realizing that someone had put poison in my water bottle. I was vomiting thick globs of bloody mucus. The agony was unbearable.”
BASAHIN:
Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas
Nanay ng tinangay na baby ng kaniyang yaya: “Ayoko ng mag-yaya”
Kasambahay pinagnakawan ang amo—tinago ang pera sa kaniyang ari
Lalaluman ng mister natusta dahil sa liquid sosa
Si Mel matapos ang panglalason./ Image from The Philippine Star
Agad na isinugod sa ospital si Mel at isinailalim sa mga test. Ayon sa doktor na sumuri sa kaniya, nakainom umano siya ng isang highly alkaline solution.
Base sa PH level ng kemikal na nakita sa ginawang pagsusuri sa kaniya, ito ay ang liquid sosa o ang ginagamit para matanggal ang mga bara sa mga tubo ng lalabo.
Dahil sa nangyari, ay wala ng iba pang pinaghinalaan si Mel at kaniyang asawa na gagawa nito sa kaniya. Kung hindi ang kasambahay nilang si Tess na agad na nawala matapos ang nangyari.
Noong una, ayaw na sana nila Mel na palakihin pa ang isyu kaya naman minabuti nilang hayaan si Tess at hindi kasuhan. Pero ng malaman niya ang impact ng ginawa nito sa kaniya ay nabago ang isip niya. Ang kasambahay nasi Tess, kinasuhan nila upang mapanagot sa kaniyang ginawa.
Aral na natutunan
Sanhi ng insidente, natusta ang lalamunan ni Mel, at hindi na tulad ng dati ay hirap na siyang kumain. Kailangan pang i-dilate ang esophagus niya para makadaan dito ang pagkain.
Isang bagay na kailangan niyang buwan-buwan sa loob ng isang taon. Isa itong malaking dagok at gastos para sa kanilang pamilya.
“The liquid sosa burned my esophagus. In the initial endoscopy, taken a day after the incident, sections of my esophagus were completely black—like charred inihaw.”
“Luckily, my esophagus was able to heal. However, part of the body’s healing response is inflammation or swelling.”
“That’s the challenge I face now. My esophagus tends to swell and get stuck together—what the doctors call strictures. When this happens, food can’t pass through. I need periodic dilations, where a tube is pushed into the esophagus, to break through any parts that have stuck together.”
Paalala sa mga magulang
Pero sa kabila nito ay nagpapasalamat si Mel na naka-survive siya. May mahalaga pa siyang paalala sa bawat magulang o sinumang naghahanap ng kasambahay.
Ito’y ang huwag basta-basta magtiwala at magpapasok ng tao sa loob ng inyong bahay na hindi ninyo kilala. Ito ay para sa kaligtasan mo at ng iyong pamilya.
“Observe anyone you invite into your home. If you feel uneasy, listen to your instincts. Your family’s safety always comes first.”
Tips sa pagkuha ng kasambahay
- Ayon sa agency na Maid Provider Incorporated, ang pagkuha umano ng kasambahay ay dapat dumadaan sa tatlong level. Una, ang pagba-background check. Pangalawa, training at orientation para maturuan at mapaalalahan ang yaya sa mga dapat niyang gawin at sa mga karapatan niya. Pangatlo, ang medical screening upang masiguradong walang communicable disease ang isang yaya na mag-aalaga sa isang bata. Ang pagdaan din ng isang yaya sa psychological test ay inirerekumenda bagama’t ito ay magiging dagdag na gastusin sa employer na kukuha sa kasambahay.
- Kailangan niyo ring alamin kung anong klase o paano ginagawa ng agency ang pagba-background check nila sa isang kasambahay para masiguradong mahigpit at maayos nilang nasala ang taong makakasama mo.
- Kung kukuha naman ng kasambahay ng hindi dumadaan sa agency ay kinakailangan din na i-background check ito. Sa pamamagitan ng paghingi ng mga requirements gaya ng biodata o resume, police at NBI clearance upang masiguradong wala silang record ng kahit anumang krimeng nagawa.
Source:
The Philippine Star, The Asianparent PH
Photo:
Shirt photo created by 8photo – www.freepik.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!