#AskDok: Buntis at lagpas na sa due date ng panganganak, ano ang dapat gawin?

Malalaman rin rito ang mga palatandaan na malapit na ang pinakahihintay mong sandali na makita ang iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May isang napakahalagang bagay na dapat gawin ang overdue na buntis para sa kaligtasan niya at ng kaniyang sanggol. Ito ay ayon sa OB-Gynecologist na si Dr. Katrina Tan.

Sa artikulong ito ay mababasa ang sumusunod:

  • Ang ipinapayong gawin ng overdue na buntis.
  • Mga palatandaan na malapit ng manganak ang buntis.

Ang dapat gawin ng overdue ng buntis

Ayon kay Dr. Katrina Tan, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang mga overdue na buntis ay ang pagbubuntis na lumagpas sa estimated due date ng panganganak o matapos ang 40th week ng pagdadalang-tao. Kaiba ito sa tinatawag na post-term na tumutukoy naman sa paglagpas ng pagdadalang-tao sa 42 na linggo.

Ayon sa Mayo Clinic, ito ang stage sa pagbubuntis na nagpapataas ng tiyansa na makaranas ng mga problema sa kalusugan o komplikasyon ng sanggol at ng ina.Tulad ng pagbaba ng level ng amniotic fluid ng buntis na maaring makaapekto sa heart rate ng kaniyang sanggol.

Kaya naman sa oras na tumungtong na sa 40th week ang pagbubuntis o ito’y overdue na, payo ni Dr. Tan,

“The first thing you have to do when your overdue is to talk to your OB first. You two have to create a plan. Because it doesn’t mean that if you are overdue you need to deliver the baby right away. You two have to devise a plan to monitor the baby and also birthing plan if ever na you don’t go into labor anytime soon.”

Makakatulong sa kaniyang panganganak ayon sa doktor

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Woman photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

“Normally, kung kailangan na talagang manganak ng isang buntis because lagpas na sa due date, may mga medications that we use to ready the cervix. Ang tawag namin cervical ripening agent. Those are prostaglandins. Those are medications that we place in the vagina to make the cervix soften and dilate. Then there are also medications that we give through IV to give you stronger and regular contractions so you go into labor soon.”

Pahayag pa ni Dr. Tan. Sa oras nga daw na umepekto na ang cervical ripening agent na ibinigay nila sa overdue na buntis. Maaari na itong makaranas ng mga palatandaan o signs ng panganganak. Ito ay ang sumusunod.

Palatandaan na malapit ng manganak ang isang buntis

1. Contractions o paghilab ng tiyan

Ang contractions o pananakit ng tiyan ng buntis ang pangunahing palatandaan na malapit na itong manganak. Bagama’t nakakaramdam ang buntis ng Braxton Hicks contraction sa 3rd trimester ng pagbubuntis, matutukoy niya naman ang pagkakaiba nito sa contractions na sign na malapit na siyang manganak. Ito ay kapag ang contractions niya ay mas lumalakas o ang intervals sa pagsumpong nito ay mas umiikli.

“Madalas ‘yung mga buntis makakaramdam ng contractions even before they go into active labour.  Iyon ‘yung tinatawag natin na false labor contractions o the Braxton Hicks contraction.” “One good way to tell the difference is to time your contractions. Pansinin o i-record gaano katagal ang simula ng naunang contraction hanggang sa simula ng susunod na contraction. You do this for 1 hour. Isang oras bantayan mo. True labor contractions are regular at kapag tumatagal ay naglalapit-lapit sila. Compare to false labor contractions na walang regular interval, this means na naghihiwa-hiwalay pa ‘yan.” “If your contractions are getting stronger and the intervals are getting shorter, that’s the number one sign na malapit ka ng manganak.”

 

2. Lightening

Dagdag pa niya, isa pang palatandaan na malapit ng manganak ang buntis ay ang lightening o ang pagbaba ng sanggol sa pelvis o balakang bilang paghahanda sa kaniyang paglabas. Ito’y maaring maramdaman ilang linggo o oras bago ang panganganak. Wika ni Dr. Tan,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There is such a thing o meron tayong tinatawag na lightening. This is a feeling na bumaba na ‘yung head ng baby down into the pelvis. This one is actually really felt by mothers. It’s because when the head goes down to the pelvis ‘yung pressure sa diaphragm nawawala. So napi-feel talaga nila na nag-lighten ‘yung pakiramdam nila. That’s why it’s called lightening.”

BASAHIN:

#AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

Mister huli sa pangangaliwa, habang nagle-labour ang kaniyang misis

#AskDok: Paghihimas ni daddy sa tiyan ni mommy habang buntis, masama ba?

Love photo created by mego-studio – www.freepik.com 

3. Paglabas ng mucus plug

Ilang oras o araw bago ang panganganak maaari ring makapansin ang buntis ng kakaibang discharge na lumalabas sa kaniyang puwerta o vagina. Ito ang tinatawag na mucus plug na isinasalarawan ng Healthline na sticky o jelly like na maaring kulay clear, pink o may bahid ng dugo. Tinatawag rin itong bloody show na ayon kay Dr. Tan ay palatandaan na bumuka na ang cervix ng buntis.

“Yung cervix is covered by a mucus plug that protects the pregnancy habang hindi pa term. When you start contracting o kapag naghihilab-hilab na ang matris, when the cervix dilates, we lose the mucus plug, we see that passing out on your vagina.”  

4. Pagputok ng panubigan o water breaking

Isang ring palatandaan kapag manganganak ay ang pagputok ng panubigan. Ito’y maaaring maranasan ng buntis sa araw o oras bago ang panganganak. Bagama’t may ilang buntis naman ang nakapagsabi na hindi nila ito naranasan o naramdaman ng manganak sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When the membrane rupture, we call that water breaking. There’s strickling of water coming out from the vagina.”

Paliwanag pa niya,

“You will be able to control your pee o pwede mo siyang pigilan. But with water leaking you cannot do that, it is a continues strickle of water.”

Napakahalaga nito dahil sa oras na pumutok na ang panubigan ng buntis, wala ng pumoprotekta sa kaniyang sanggol sa loob ng sinapupunan. Dahil rito, tumataas ang tiyansa ng sanggol na makaranas ng impeksyon. Kaya naman ipinapayo na manganak ang buntis sa loob ng isa o dalawang araw matapos pumutok ang panubigan niya.

Gaano katagal bago manganak ang buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Christian Bowen on Unsplash

Sa oras na makaramdam ng mga nabanggit ang buntis ay palatandaan ito na malapit na siyang manganak. Maaaring ito’y mangyari sa susunod na 12-18 oras na naiiba-iba sa kada babae ayon pa rin kay Dr. Tan.

“If a woman is having her first it typically last 12-18 hours. For women who have given birth before, if it’s your second or 3rd baby, it typically last 8 to 10 hours. But every woman is different, your labor may not be like your mother, your sister or your friend. It may even be different for each child that you have.”

Sa kabuuan payo ni Dr. Tan, sa bawat pagbubuntis mahalaga na magkaroon ng contact o ugnayan ang buntis at kaniyang doktor sa lahat ng oras. Upang agad na mabigyan ang buntis ng payo at rekumendasyon na mahalaga sa kaniyang pagdadalang-tao. Lalong lalo na kung ito ay overdue na.

Source:

Healthline, Mayo Clinic, Live Science

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement