Ikaw man ay first-time mom o may mga anak na lalaki, maaaring minsang ninais na magka-baby girl. Walang madaling paraan sa pagpili ng magiging kasarian ng anak na hindi dinadaan sa laboratoryo. Ngunit, may ilang pagsasaliksik ang nagsasabing maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle. Ang pagpili ng pagkain ay nakakatulong sa kung paano gumawa ng baby girl.
Paano gumawa ng baby girl? May epektibo bang paraan?
Paano pumili ng pagkain para magka-baby girl? Siguraduhing mayaman ito sa calcium at magnesium!
Ayon sa pag-aaral ng Maastricht University sa Netherlands, ang kinakain ng ina ay may papel sa pagbuo ng baby. Sinasabi ng mga mananaliksik na ang pagkain para magka-baby girl ay dapat mayaman sa calcium at magnesium.
Ang mga pagkaing mayaman sa mga ito ay yoghurt, tofu, spinach, broccoli, beans, pili, cashew, at oatmeal.
Pagdating sa pagkain para magka-baby girl, nagbabala ang mga mananaliksik laban sa labis na asin at potassium. Kanilang pinayo na iwasan ang mga processed meat, tinapay, pastries, anchovies, bacon, salami, olives, hipon, at patatas.
Hindi lang pagkain ang kailangang tandaan!
Nilinaw ng pag-aaral na ang mga masusustansyang pagkain para magka-baby girl ay dapat sabayan ng planned sex – o pagtatalik bago at matapos ang ovulation – para makuha ang nais na resulta.
Nasa 172 na mag-asawa ang lumahok at 150 ang sinundan ng mga mananaliksik sa kanilang treatment at pagbubuntis. Ngunit, 21 lamang ang talagang sumunod sa mga instructions. Sa mga ito, 16 ang matagumpay na nagka-anak na babae.
Ganunpaman, naniniwala ang mga mananaliksik na tama ang kanilang hinala!
Hindi ito ang unang teorya na nagsasabing maaaring maimpluwensyahan ang kasarian ng magiging anak. Ang Shettles Method, na mula pa nuong 70’s, ay nagsasabing kapag ang pagtatalik ay isinagawa habang ovulating ang babae, magkakaroon ng anak na lalaki dahil ang lalaking sperms ay masmabibilis lumangoy. Subalit, ang pagtatalik bago o matapos ang ovulation ay magreresulta ng anak na babae dahil mas matatatag at tumatagal ang mga babaeng sperm.
Ang pagkain para magka-baby girl ay dapat isabay sa timing ng pagtatalik — bago o matapos ang ovulation!
Ang iba rin ay naniniwala na ang acidic na diet ay nagdudulot ng mas-acidic na cervical mucus. Dahil dito, ang mga babaeng sperm ay mastumatagal.
Ayon na naman sa iba pa, ang madalas na pagtatalik ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng anak na babae. Bakit? Dahil napapababa nito ang sperm count. Pinapayuhan pa ng iba ang mga lalaki na maligo ng mainit na tubig bago makipagtalik dahil ayaw ito ng mga lalaking sperm.
Kahit pa ang mga teoryang ito ay kailangan pa ng pananaliksik, nakakatuwang isipin na ang mga magulang ay maaaring piliin ang takbo ng kalikasan.
Nakakatuwang isipin kung paano kayang tulungan ng siyensiya ang pagpili ng magiging kasarian ng anak. Ngunit, huwag dapat kalimutan na ang mahalaga ay masiglang ipapanganak ang baby. Siguraduhing magpakonsulta sa duktor bago subukan ang mga inirerekumendang tricks para maimpluwensiyahan ang kasarian ng baby!
Sources: TIME, Livestrong, Reproductive Biomedicine Journal
Basahin: 5 Everyday activities that can harm your fertility