Paano hindi maging mahiyain ang bata? Narito ang mga paraan para i-boost ang kaniyang self-confidence at ang dahilan kung bakit ganito ang kaniyang tinuturan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit mahiyain ang isang bata?
- 7 tips para hihndi maging mahiyain ang bata
Bakit mahiyain ang isang bata?
Ang batang nabu-bully ng mga kalaro niya o minamaliit ng kaniyang pamilya ay mas mataas ang tiyansa na maging mahiyain. | Image source: iStock
Mahiyain ba ang iyong anak? Mahilig ba siyang magtakip ng mukha o magtago sa tuwing may ibang tao o bisita kayo? Maraming posibleng dahilan ito na maaaring ikaw ang may gawa mismo. Ayon sa Better Health Channel, ang ilan sa dahilan kung bakit nagiging mahiyain ang isang bata ay ang mga sumusunod:
-
Namana niya ito sa iyo o mula sa isang miyembro ng inyong pamilya.
May mga personality traits na maaaring mamana ng isang bata mula sa kaniyang magulang. Isa na dito ang pagiging mahiyain na maaaring makuha niya rin sa ibang miyembro ng pamilya kahit hindi sa inyong mag-asawa.
-
Siya ay emotionally sensitive.
Ang mga batang emotionally sensitive at madaling ma-intimidate ay mas mataas ang tiyansang maging mahiyain paglaki nila.
-
Nakikita ng iyong anak na mahiyain ka.
Maliban sa namamana, malaki rin ang posibilidad na magaya ng iyong anak ang pagiging mahiyain mula sa ‘yo. Sapagkat bilang isang magulang, tandaan mo tayo ang kanilang nakikitang modelo.
-
Kulang siya sa social interaction.
Kung ang iyong anak ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na makaharap ng ibang tao o magkaroon ng social interaction sa iba, mas mataas ang posibilidad na maging mahiyain siya. Kaya naman habang bata pa siya’y dapat sanayin siyang makisalimuha sa iba o kaniyang kapwa.
-
Siya ay natatrato nang hindi maganda.
Kung ang isang bata ay nakakaranas ng pagmamaltrato o nabubully ng mga tao sa paligid niya, mataas rin ang tiyansa na maging mahiyain siya.
Ang takot na nararamdaman ng isang bata ay maaari ring maging dahilan ng pagiging mahiyain niya. Lalo na kung pinipilit siyang gawin ang mga bagay na hindi niya naman kaya.
Madalas ang mga gumagawa nito ay mga overprotective o masyadong mahigpit na magulang. Sila ang may pinakamalaking impluwensiya sa pagiging matatakutin o mahiyain ng kanilang anak.
Ano man ang dahilan ng pagiging mahiyain ng iyong anak, may maaari kang gawin upang maalis ito at maging confident na siya. Ang mga ito ay ang mga sumusunod na tips kung paano hindi maging mahiyain ang bata.
BASAHIN:
Masama bang ipakita sa anak ang pag-iyak ng magulang? Ito ang kasagutan!
Ito ang #1 dapat gawin para hindi lumaking spoiled ang bata
5-step guide para mas maging less painful ang pagpapabakuna sa iyong anak
7 tips kung paano hindi maging mahiyain ang bata
Ang pagiging magandang halimbawa sa iyong anak ay maaring makapagpabago ng pagiging mahiyain attitude niya. | Image source: iStock
Bago i-apply ang mga tips na ito, mahalagang isaisip na iba-iba ang bawat bata. Maaaring may ilang bata na mabilis na mai-apply ito sa kanilang sarili. Habang may mga bata namang matatagalan na mai-adapt ito.
Magkaganoon pa man, wala namang masama na subukan sa iyong anak ang mga sumusunod na tips kung paano hindi maging mahiyain ang bata. Mas mabuti nga umano na subukang gawin ito sa kanila habang sila ay bata pa.
Sapagkat ayon sa mga eksperto, mas makakatulong ito para mas mabilis nilang mabago ang naturang behavior at makapag-adjust agad sa paligid nila.
1. I-acknowledge ang feelings ng iyong anak.
Bilang kaniyang magulang, ang iyong mga salita ay mahalaga sa iyong anak. Kaya naman mag-ingat sa mga binibitawang salita sa kaniya. Siguraduhin na sa lahat ng oras ay maipaparamdam sa kaniya na valid o nakikinig ka sa nararamdaman niya.
Iwasan ding pagawin siya ng mga bagay na hindi siya komportable. Suportahan siya sa mga interes at hilig niya. Iwasang ding tawagin siyang mahiyain ng iba lalong lalo ka na.
2. Samahan ang iyong anak sa kaniyang first social situation.
Sa tuwing bibisita sa isang bagong lugar o makakakilala ng bagong tao, ikaw ang mag-initiate ng interaksyon na kung saan maaaring maging bahagi ang anak mo. Laging gawin ito hanggang sa makasanayan at maging komportable na siya ng mag-isa. Sa ganitong paraan ay unti-unting mabo-boost ang pagiging confident niya sa pakikipag-interact sa iba.
3. Purihin ang iyong anak sa tuwing siya ay magpapakita ng outgoing behavior.
Para mas ma-encourage siyang ipagpatuloy ang pagiging interactive at involve niya sa mga bagong tao nakikilala o sitwasyon na nararanasan niya. Dapat purihin ang iyong anak sa behavior niyang ito. Ito ay para ma-inspire siyang ipagpatuloy ito dahil sa alam niyang ito ay nagpapasaya sa ‘yo.
4. Maging mabuting halimbawa sa iyong anak.
Maging magandang halimbawa sa iyong anak kung paano hindi maging mahiyain ang bata. Ipakita sa kaniya ang joy at fun na ibinibigay ng pakikipag-interact sa iba. Ipakita rin kung gaano kakomportable itong gawin. Upang ma-encourage siya at hindi matakot na gawin ito.
5. Mag-arrange ng playdate o hayaan ang iyong anak na sumali sa mga extracurricular activities.
Para mas mapraktis ang social skills niya ay hayaang sumali ang iyong anak sa mga extracurricular activities. Para mas makakilala pa siya ng iba niyang kapwa bata habang mas hinuhubog hindi lang ang talent o skills na mayroon siya kung hindi pati na rin kung paano siya nakikihalubilo sa iba.
6. Dahan-dahanin ito sa iyong anak.
Mahalaga na huwag biglain ang iyong anak na matutunang ma-overcome ang pagiging mahiyain niya. Gawin ito ng paunti-unti na hindi niya namamalayan. Habaan din ang iyong pasensya at higit sa lahat ay huwag siyang piliting makipag-engage sa isang social situation kung ito ay nagdudulot ng discomfort sa kaniya.
7. Huwag i-cocompare ang iyong anak sa iba, kaibigan man niya ito o kapatid niya.
Sapagkat tulad nga ng naunang sinabi ko, bawat bata ay magkakaiba. Ang pagkukumpara sa kaniya sa ibang kapwa niya bata ay mas magkukuwestyon lang sa kakayahan niya. Lalo lamang siyang mahihiya at mawawalan ng tiwala sa sarili niya.
Kailan dapat mag-alala sa pagiging mahiyain ng iyong anak
Kung gagawa ng desisyon para sa iyong anak, siguraduhing isaalang-alang ang nararamdaman niya. | Image source: iStock
Bagama’t ang pagiging mahiyain ay hindi naman nakamamatay, maaari naman itong labis na makaapekto sa buhay at pagkatao ng iyong anak. Kaya naman mainam na matulungan siyang ma-overcome ito.
Masasabi ngang problematic na ang pagiging mahiyain ng isang bata kapag siya’y nagpapakita na ng mga sumusunod na palatandaan na dapat mo ng agad na bigyan ng pansin at aksyon:
- Sa sobrang mahiyain ay hindi na siya nagpa-participate sa mga activities sa school. O kaya naman ay hindi nakakasagot sa kaniyang klase.
- Madalas siyang nakakaramdam ng lungkot at mababang self-esteem.
- Nagpapakita siya ng signs of anxiety sa mga social situations at nababawasan ang opportunities niya na ma-improve ang kaniyang social skills.
- Hindi niya naipapakita ang best niya o kahit ang mga bagay na alam niya sa takot na ma-judge ng iba.
Kung ang pagiging mahiyain ng iyong anak ay nagsisimula nang magpakita ng mga nabanggit na epekto sa buhay niya ay mabuting makipag-usap na sa isang eksperto. Bumisita sa isang psychologist o counsellor na makakatulong na maitama ang attitude niyang ito.
May reports mula kay Karen Mira.
Orihinal na inilathala sa the Asianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!