Internet world can be a dangerous place for kids. Para sa parents, narito ang ilang paraan kung paano dapat i-guide ang bata sa mga nakikita nila online.
Mababasa sa artikulong ito:
- #ParentTips: Paano i-guide ang bata sa mga nakikita sa online
#ParentTips: Paano i-guide ang bata sa mga nakikita nila online
Modern world means halos karamihan sa population ng mundo ay may access na rin sa technology partikular na sa internet. Kaya hindi rin maiiwasan na ma-expose kahit pa ang bata sa iba’t ibang balita na may mga sensitive topics o kaya naman traumatic events.
Sa adults, bilang mas matured at may kakayahan nang intindihin ang ganitong pangyayari ay mas madali lang itong ipaliwanag. Sa mga bata, mas kailangang pagtuunan ng pansin sila dahil maaaring makaapekto ito sa kanila. Hindi maiiwasan na mag-raise sila ng questions about these news. Lalo na kung nakaka-witness o nakakarinig sila ng tungkol sa violence.