Mayroon ka na ba o ang iyong anak ng Philippine national ID? Kung wala pa, narito ang mga dapat mong malaman sa national ID registration.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang Philippine national ID
- Paano kumuha ng national ID para sa adult at bata at mga kinakailangang requirements
Ano ang Philippine National ID?
Isa ang Pilipinas sa iilang bansa sa buong mundo na wala pang National ID system. Kaya naman tinatag ang Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.
Sa pamamagitan ng RA 11055 na kilala rin sa pangalang, “Philippine Identification System Act” na pinirmahan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018, ang bawat Pilipino ay bibigyan ng kauna-unahang national identification card.
Layunin ng Philippine National ID ang kaligtasan at maprotektahan ang privacy at mabawasan ang korapsyon. Ito ay pinasimpleng sistema para sa mga Pilipino. Nasa kasalukuyang proseso ang pagpaparehistro para magkaroon nito.
Larawan mula sa Philippine News Agency
Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagtatag ng tatlong habang o steps para sa National ID registration process.
Unang step: Ang pag-submit ng demographic data at saka itatakda ang appointment para sa step 2
Pangalawang step: Ang validation ng demographic data at pagkuha ng biometric information
Pangatlong step: Ang pag-isyu ng PhilSys Number o PSN at PhilID
Ang step 1 registration ay maaaring sa pamamagitan ng house-to-house collection o online registration sa ng Philsys web portal https://register.philsys.gov.ph./#/eng.
Samantala, ang step 2 naman ay kailangang gawin sa registration center. Sapagkat ito’y nangangailangan ng validation ng iyong demographic information.
Paano kumuha ng national ID?
Narito ang steps na kailangang sundin para makapag-apply para sa national ID:
-
Mag-submit ng PhilSys Registration Form.
Para makapagpa-rehistro ka para sa iyong National ID, pumunta sa https://register.philsys.gov.ph/#/eng
Pagtapos sagutan ang mga hinihinging impormasyon, bibigyan ka ng Application Reference Number (ARN) o QR code. Siguraduhing i-save ang kopya nito dahil ito ay ipapakita sa registration center.
I-book ang iyong gustong iskedyul ng appointment para magpatuloy sa Step 2 registration.
Para sa mga nakakumpleto ng Step 1 registration sa pamamagitan ng house-to-house collection, hindi kailangang magrehistro online upang maiwasan ang mga isyu sa iyong pagpaparehistro.
Screen capture mula sa Philippine Identification System
-
Pumunta sa registration center at i-submit ang requirements.
Kinakailangang ipakita ang ARN o QR code at dapat magdala ng orihinal na kopya ng alinman sa mga sumusunod na primary documents:
- Certificate of Live Birth na ibinigay ng PSA at isang (1) dokumento ng pagkakakilanlan na ibinigay ng gobyerno na naglalaman ng buong pangalan, iyong litrato, at pirma o thumb mark.
- Philippine Passport o ePassport na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA);
- GSIS o SSS-issued Unified Multi-purpose Identification Card (UMID);
- Land Transportation Office (LTO)-issued Student’s License Permit o Non-Professional/Professional Driver’s License
Kung ang aplikante ay walang alinman sa mga nabanggit na dokumento, maaari siyang magdala ng orihinal na kopya ng alinmang secondary documents.
BASAHIN:
Step-by-step guide sa pag-apply para makakuha ng SSS (Social Security System) ID
3 PhilHealth benefits na hindi mo alam bukod sa in-patient at out-patient
Step-by-step guide to getting a PSA birth certificate
Tandaan na ang lahat ng ID na ipapakita ay dapat na orihinal at hindi pa expire. Ang photocopy ng valid ID ay hindi tinatanggap sa pag-apply para sa Philippine National ID.
-
Ibigay ang biometric data.
Ibigay ang iyong larawan, biometrics, iris scan at ang iyong demographic information.
-
Verification ng aplikasyon.
Mabe-verify ang aplikasyon kung mapapatunayang ang impormasyong iyong binigay ay ‘unique’ o totoo. Kung ito ay ma-verify, isang PSN o PhilSys Number (PSN) ang bubuoin na makikita sa iyong national ID.
-
Hintayin ang national ID.
Hintayin ang delivery ng iyong PhilSys Number (PSN) at PhilID sa iyong delivery address. Ipakita ang iyong transaction slip o anumang valid ID sa courier.
Saan pwede mag-apply/registration center?
Ang mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ay tumatanggap ng aplikante para sa national ID:
- Regional and Provincial Offices of Philippine Statistics Authority
- Civil Registry Office (LCRO) ng bawat munisipyo
- Any Government Service Insurance System (GSIS) branches
- All Social Security System (SSS) Branches
- Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Branches
- Pag-IBIG or Home Development Mutual Fund (HDMF) Branches
- Commission on Elections (COMELEC) Local or Provincial Offices
- Postal Offices under PHL or Philippine Postal Corporation
- Iba pang Government Agencies o GOCCs na itinalaga ng PSA
Ang aplikasyon ng Philippine national ID ay dapat gawin nang personal. Ang anumang aplikasyon na ginawa ng isang representative sa ngalan ng ibang tao ay hindi pinapayagan.
National ID requirements at process para sa mga bata
Ang pagpaparehistro sa national ID ay bukas sa lahat ng edad, maging sa mga bagong silang na bata.
Ang mga magulang at guardian ay hindi pinapayagang dalhin ang mga batang may edad 0 hanggang 4 na taong gulang sa mga registration center.
Tulad sa adult, ang mga bata ay may katulad na registration process para makapagpa-rehistro.
-
Mag-register online.
Ilagay ang demographic information ng bata tulad ng pangalan, kasarian, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, edad, permanenteng at kasalukuyang tirahan, blood type at citizenship
-
Mag-book ng appointment para sa biometric phase.
Ilagay ang appointment date kung kailan ka pupunta sa registration center.
-
Dalhin ang kinakailangang dokumento.
Dalhin ang birth certificate ng bata para sa verification ng kaniyang impormasyon
-
Ibigay ang biometric data.
Ang Iris scan, mga fingerprint, at mga litraton ay ire-record sa mga registration center.
-
Hintayin ang delivery ng national ID.
Tandaan na ang buong proseso ng pagpaparehistro at ang national ID ay walang bayad.
Sa ngayon, mayroon ng mahigit 3 milyong Filipino ang nakatanggap ng national ID at mayroon ng 40 milyong Filipino ang tapos na sa step 2 registration.
Source:
Philippine Identification System, PNA
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!