Hirap ba kayong makabuo ni mister? 5 paraan kung paano mabuntis nang mas mabilis

Moms! Narito ang sagot sa'yong katanungan na "Paano mabuntis ng mabilis?" Alamin ang mga ligtas na paraang makakatulong para makabuo kayo kaagad.| Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ng mga moms, “Gusto ko na masundan ang baby ko. Paano ba mabuntis ng mabilis?” 

“Sundan niyo na yan.”

Yan ang isa sa mga karaniwang biro ng magkakaibigan kapag napapansin nilang lumalaki na ang iyong anak.

Nakakatawa, pero hindi naman ganoon kadali ang sinasabi nila.  Bukod sa mahirap maging isang magulang, hindi rin ganoon kadali ang makabuo para sa ilang mag-asawa. Maaaring nagkaanak na sila noon, pero may mga bagay na nakakaapekto para masundan si junior.

Kaya naman inalam namin mula sa isang eksperto ang mga paraan para mas mabilis na makabuo.

Moms! Narito ang sagot sa’yong katanungan na “Paano mabuntis ng mabilis?”

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mabuntis ang babae ng mas mabilis?

Huwag mawawalan ng pag-asa, mommy! Kung nagkaanak na kayo dati, marahil ay kailangan niyo lang ng konting panahon at ayusin ang ilang bagay sa inyong katawan para makabuo ulit.

Kung hindi pa naman kayo nagkakaanak ng iyong mister, may ilang ligtas na paraan na makakatulong sa inyo para mas mabilis makabuo. May mga safe at healthy tips kung paano mabuntis ang babae ng mas mabilis.

Siyempre, ang pinakaunang hakbang kung paano mabuntis ang babae ng mas mabilis ay ang pagiging handa at kagustuhang mabuntis. May mga mabilis mabuntis ngunit hindi naman handa. Pwedeng tanda naman ito ng hindi maingat at safe na pakikipagtalik at hindi paggamit ng contraception.

Pero, kahit na may kahandaan na sa pagbubuntis, hindi pa rin dapat kalimutan ang family planning. Ngayong ready na ready ka na mabuntis, kailangan na itong planuhin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa, para sa paraan kung paano mabuntis ang babae ng mas mabilis, kailangang maging mas malapit at maalam tayo sa ating katawan.

Ang pag-alam sa ating ovulation, maliban sa ating sex drive, ang isa sa nakakatulong kung paano mabuntis ang babae ng mas mabilis. Ito ang tinatawag na maximizing ng ating fertility o paraan para mabuntis ng mabilis.

Paraan para mabuntis ng mabilis

Dahil hindi naman pare-pareho ang ating sex drive at fertility, may mga indibidwal na paraan para mabuntis ng mabilis sa bawat babae. Maaaring sundin ang mga paraan para mabuntis ng mabilis na nasa ibaba o kumonsulta rin sa doktor hinggil sa pag maximize ng iyong fertility.

Mga dapat gawin bilang paraan para mabuntis ng mabilis:

  • Makipagtalik sa regular na batayan – Ang pinakamataas na tyansa para mabuntis ng mabilis ay ang araw araw at palagiang pakikipagtalik sa inyong partner o asawa. Siyempre, ikonsulta din sa inyong health care provider kung safe ninyo ba itong gawin.
  • Makipagtalik sa petsa na malapit sa iyong ovulation – Kung hindi posible ang araw-araw na pakikipagtalik, o kung para sa inyo ay hindi exciting, makipagtalik sa loob ng 2 hanggang 3 araw, pagkatapos ng pinakahuling araw ng iyong huling menstrual cycle. Makakatulong ito sa pag boost ng tyansa na makipagtalik habang ikaw ay mas fertile.
  • Mag maintain ng normal weight – Ang mga babaeng overweight at underweight ay may mataas na risk ng pagkakaroon ng ovarian disorders.

Higit na makakatulong rin ang inyong doktor para sa preconception planning. Maaari kang bigyan ng assessment sa iyong general health at matukoy ang mga pagbabagong dapat gawin sa pag-improve ng chance na mabuntis. Pwede rin kayong bigyan ng specific na paraan para mabuntis ng mabilis.

Mga hindi dapat gawin bilang paraan para mabuntis ng mabilis:

Narito naman ang mga hindi o iiwasang gawin para mapataas ang tyansa bilang paraan para mabuntis ng mabilis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Huwag manigarilyo. Ang pag-iwas sa paninigarilyo ay makakatulong hindi lamang sa pagtaas ng tyansa upang mabilis na mabuntis, kundi pati na rin sa iyong kalusugan. Kung nabuntis na, mainam na tigilan na rin ito dahil sa maaaring epekto nito sa fetus. Kumonsulta sa iyong doktor para maiwasan na ang paninigarilyo.
  • Iwasan ang pag-inom ng sobrang alak. Posible ang kabawasan sa iyong fertility sa sobrang pag-inom ng alak.
  • Bawasan ang in take ng caffeine. Subuking bawasan ang caffeine in take sa pamamagitan ng pag-inom ng kape sa 1 to 2 cups kada araw.
  • Gawin ang katamtamang pag-eehersisyo kaysa sa gawin itong strenuous. Ang mabigatang pag-eehersisyo at strenous na gawain sa loob ng higit 5 oras kada linggo ay nagdudulot ng pagbaba ng tyansa ng ovulation ng babae. Pwede rin itong maging dahilan kung paano hindi mabilis na mabuntis.

Mga dapat tandaan

Bago tayo tumungo sa mga tips para mabuntis ng mas mabilis, narito muna ang ilang bagay na dapat tandaan ng  mag-asawa na sumusubok magkaanak:

  • Para mabuntis ang isang babae, kailangang magtagpo ang kanyang egg cell at sperm cell ng lalaki sa loob ng fallopian tube. Ito ay isang natural na pangyayari kapag nagtatalik ang babae at lalaki, at ang lalaki ay nakapaglabas ng semilya sa loob ng ari ng babae.
  • Kapag nakalabas na ang sperm, nakakapagtagal ito ng 2 araw sa katawan ng babae habang 1 araw lang nagtatagal ang egg cell ng mga babae. Mahalaga ito para malaman kung kailan at gaano kadalas kayo dapat magtalik.

Mga bagay na nakakaapekto sa pagbubuntis

Ang pagkakaroon ng anak ay isang kaganapan na natural na nangyayari sa maraming pamilya. Pero hindi naman ito madali para sa iba. Marahil ay may mga bagay na nakakaapekto sa fertility o kakayahang magkaanak ng mag-asawa. Ito ang ilan sa kanila:

  • Edad

Ayon kay Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon, isang OB-gynecologist at Infertility expert mula sa Makati Medical Center, nakakaapekto ang pagtanda sa kakayahan ng isang babae na mabuntis. Samantala, wala namang hangganan ang mga lalaki sa paggawa ng sperm cells.

“Walang limit sa lalaki kasi nga ang difference natin, sila constantly producing. May factory sila e. Every 2 months nagre-replenish. Sila walang problema. Tayo, we are born with eggs. Pagkalabas natin set na yung eggs natin, wala nang factory. So every time you menstruate, every time in cycle ka, nababawasan yun. Kaya my life span lang yung eggs natin.” aniya.

  • Timbang

Ang pagiging overweight ay maaring magdulot ng hormonal imbalance at insulin resistance, dalawang bagay na nakakasagabal sa pag-ovulate ng isang babae. Basahin ito para mas maliwanagan sa papel ng timbang sa pagbubuntis.

  • Hormonal imbalance o PCOS

Ang hormonal imbalance ang pagkakaroon ng hindi balanseng male at female hormones sa katawan nating mga babae. Ito ay dahilan para magulo ang ating monthly cycle at makasagabal sa ating pag-ovulate.

Ang Polycystic Ovarian Syndrome naman o PCOS ay isang hormonal disorder na nakakaapekto sa mga kababaihan. Nagdudulot ito ng hormonal imbalance at insulin resistance na nakakaapekto sa kakayahan nating mag-ovulate.

Isa sa mga dapat tandaan sa PCOS ay maaring magkaroon nito ang isang babae nang hindi niya nalalaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You probably have the tendency, and then an event can trigger your ovaries to become lazy. Kasi ang PCOS parang lazy sila ayaw nila mag-ovulate. So pwede it can happen na all of a sudden biglang irregular ka pero dati naman very regular.” ani Dr. Gergen.

  • Male factor infertility

Kung hindi kayo magkaroon ng anak ni mister, maaring mayroon rin siyang kailangang ayusin sa kanyang katawan. Baka mababa ang kanyang sperm count o hindi aktibo ang kanyang sperm cells, ilang bagay na nakakaapekto sa kanyang kakayahang makabuntis.

Paano mabuntis ng mas mabilis? Tips kung paano mabuntis agad:

Ngayong alam mo na ang mga bagay na maaring makaapekto sa tiyansa niyong magkaanak at paano mabuntis ng mas mabilis. Narito ang ilang ligtas na paraang dapat niyong gawin para mas mabilis kayong makabuo ni mister at kung paano tumaaas ang tyansa na mabuntis ng mas mabilis:

1. Kumonsulta sa isang doktor.

Bago kayo sumubok ng iba’t ibang paraan para mabuntis, makakabuti kung magpapatingin muna kayo sa isang OB-gynecologist o eksperto sa Infertility. Dito niyo malalaman kung anu-ano ang mga dapat niyong ayusin sa inyong katawan para lumaki ang tiyansa niyong makabuo.

Nirerekomenda ni Dr. Gergen na hindi lang ang babae ang kokonsulta sa doktor kundi pati ang lalaki para malaman nila kaagad kung ano ang mga hakbang na dapat nilang gawin kung paano mabuntis ng mabilis ang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

When a couple embarks on a fertility work out, kailangan pareho kayo. Kailangan magpapa-checkup ng semilya ‘yong lalaki. ‘Yong babae magpagpapa-ultrasound siya, magpapa-check kung nag-oovulate siya.

Ipapa-check dun kung ‘yong fallopian tube open. Kasi ang meeting place ng egg and sperm sa fallopian tube kung iyon barado, wala palang meeting place. So ‘yon ang mga dapat i-investigate. Mas mahirap ‘yong unexplained kasi paano mo gagamutin?” aniya.

Kung ikaw ay may edad na 35 pataas, kailangan mo munang kumonsulta sa doktor para matulungan ka niya sa iyong pag-oovulate at makapagbigay ito ng mga paraan paano ka mabubuntis agad.

2. I-monitor ang iyong ovulation

Ang mga babae ay merong ovulation cycle na sinusunod. Sa ovulation cycle na iyon, mayroon tayong fertility window kung kailan tayo ay naglalabas ng mga itlog sa ating fallopian tube. Ito ang kailangan mong tandaan para malaman ang pinakamagandang araw na makipagtalik.

“Kung 30 days ang cycle mo, nagsisimula yung fertile period mga day 12 to day 18 ng cycle. Ang first day o yung day 1, ‘yon ang first day of the period. Kung magbibilang ka, sa day 12 doon magsisimula. Tapos dun kayo mag-iintercourse ng madalas. Doon sa time frame na iyon,” payo ni Dr. Gergen.

Mas madali para sa mga babaeng may regular cycle na malaman o mataon ang kanilang fertility period. Kaya napaka-importante na kumonsulta sa isang doktor para matulungan ka niyang gawing regular ang iyong cycle at matukoy kung kailan ka nag-oovulate.

“The best rin talaga pag ga sobrang irregular, magpakonsulta. Kasi baka nga hindi siya nag-oovulate so the chances of getting pregnant ay mas mababa. And also kapag yung mga ganung cases kailangan mo i-investigate. Bakit hindinagoovulate ang isang babae. Baka may ibang dahilan na need to correct.” dagdag ng doktor.

Mayroon pang ibang paraan para malaman mo ang iyong fertility window. Isa rito ang paggamit ng ovulation test kit.

Ang test kit na ito ay sumusuri sa urine ng babae at tinitignan ang luteinizing hormone (LH), na siyang nagkokontrol sa iyong menstual cycle. Kapag nakita sa iyong ovulation test na mataas ang iyong LH, ang ibig sabihin nito ay malapit ka nang mag-ovulate.

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Unsplash

3. Panatiliing malusog ang iyong katawan.

Napakaimportante ng pagkakaroon ng malusog at magandang pangangatawan kung gusto niyong magkaanak.

Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain. Iwasan ang pagkain ng junk food at mga inuming may caffeine. Sa halip, uminom ng maraming tubig.

Ugaliin ring mag-ehersisyo para mapanatiling tama ang iyong timbang.

Ayon sa pag-aaral, ang pagbabawas ng timbang ay nakakatulong para tumaas ang tsansa mong magbuntis.

Gayundin, kapag sobra namang payat o kulang sa timbang, maari rin itong magdulot ng hormonal imbalance na makakasagabal sa iyong pag-ovulate.

Ayon kay Dr. Gen, kailangan talagang baguhin ang iyong nakasanayan para tumaas ang posibilidad niyong makabuo.

“‘Yon ang pinaka number 1, dapat healthy. Exercise. Yung weight mo dapat tama sa height mo. Dapat ideal ‘yong bodyweight mo. So mag-exercise, then the diet. Lifestyle modification, walang vices.”

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Unsplash

4. Iwasan ang bisyo

Kung nais makabuo agad, marapat lang na tigilan ang masasamang bisyo ulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at lalo na ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Makikita sa sigarilyo ang mga delikadong kemikal na nicotine at carbon monoxide na nagpapababa sa dami ng itlog ng babae at nagpapahina rin ng semilya ng lalaki.

5. Iwasan ang stress!

Isa sa mga unang pinapayo ni Dr. Gergen sa kanyang mga pasyenteng gustong magkaanak ay ang magpahinga. Napatunayan na niya kasi ito sa kaniyang ibang pasyente.

“Yes, it really happens. Minsan mawala lang ‘yung stress doon nape-pregnant. Minsan matapos mag-workup o kapag napagod na sila doon pa sila mape-pregnant.” kwento ng doktora.

“Dapat alisin yung mga stress factor.” aniya. “If they can spend more quality time together ng walang stress, isang factor yun (na makakatulong sa kanila).” dagdag pa niya.

Kaya makakatulong sa inyong mag-asawa ang magpahinga, magbakasyon (kung kaya) at alisin sa isip ang mga negatibong bagay.

Kung gagawin niyo ni mister ang mga bagay na ito, siguradong gaganda ang inyong pangangatawan at mas tataas ang tsansa niyong magkaanak.

Kailangan lang ng konting oras, tiyaga at sakripisyo at hindi magtatagal ay makakabuo na rin kayo ng isang masayang pamilya.

Paano mabuntis ang may PCOS?

Isa ang pagkakaroon ng Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) sa mga maaaring dahilan para maging mahirap sa isang babae na mabuntis nang mabilis.

Isa ito sa mga karaniwang dahilan ng infertility sa mga kababaihan. Subalit ito naman ay nagagamot. Ayon sa Healthline, hindi naman ibig sabihin na mayroon kang PCOS ay tiyak nang hindi ka magkakaanak. Posible lang na kailanganin mo ng tulong ng medikasyon para makabuo kayo ni mister.

Bago natin alamin kung paano mabuntis ang may PCOS, narito muna ang mga sintomas ng PCOS sa kababaihan:

  • Hindi normal na menstruation
  • Kakaunting menstrual periods
  • Irregular na pagkakaroon ng regla
  • Hindi nagkakaregla
  • ‘Di pangkaraniwang haba ng panahon o mga araw na nagkaroon ng regla
  • Heavy periods
  • Breakout ng acne o tigyawat
  • Pagkakaroon ng facial hair at extra hair sa ibang bahagi ng katawan na ‘di karaniwan sa mga kababaihan.
  • Mas mataas na level ng male hormones tulad ng testosterone
  • Maliliit na cysts o bundles ng fluid sa obaryo
  • Kakaunting egg cells ang inilalabas ng varies

Hindi pa rin batid sa ngayon kung bakit ba nagkakaroon ng PCOS ang isang babae. Kaya naman, mahalagang magpatingin sa doktor kung mapansin sa sarili ang mga nabanggit na sintomas.

Ang agarang paggamot sa PCOS at pagbabago ng lifestyle ay maaaring makatulong para ikaw ay mabuntis at maiwasan ang mga komplikasyong kaugnay ng nasabing kondisyon.

Mga paraan kung paano mabuntis ang may PCOS

May mga paraan naman na maaaring gawin para matulungan ang sarili na mabuntis pa rin kahit na mayroong PCOS. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Kumonsulta sa doktor. Alamin ang timbang at ang iyong body mass index (BMI). Sa pamamagitan nito malalaman mo kung mayroon ka bang malusog na body weight. Kung labis naman ang iyong timbang, maaaring magbigay ang doktor ng mga paraan kung paano ka makapagbabawas ng timbang sa malusog na paraan. Ayon sa Healthline, kung mayroong PCOS mahalagang makapagbawas ng kahit 5 percent ng iyong timbang kung ikaw ay overweight.
  • Gumawa ng healthy diet at exercise plan. Makakatulong ang ehersisyo at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain para maging handa ang katawan sa pagbubuntis. Iwasan muna ang matatamis na pagkain, simple carbs, at mga pagkain na may unhealthy fats. Idagdag sa iyong diet plan ang pagkain ng beans at lentils, manok, isda, gulay at prutas, at whole grains tulad ng oats, barley, at brown rice.
  • Uminom ng vitamins and minerals supplement. Halimbawa nito ay folic acid, Vitamin B complex, at coenzyme Q10. Kumonsulta sa doktor kung ano ang angkop na bitamina para sa iyo.
  • Tingnan ang blood sugar levels at siguraduhing balanse ito. Mahalaga na balanse ang blood sugar level para matiyak ang malusog na pagbubuntis at maayos na kalusugan ng iyong magiging anak. Maaaring kumonsulta sa doktor upang humingi ng payo kung paano mapanatili ang balanseng blood sugar level.
  • Gumamit ng ovulation calendar upang ma-track ang period. Sa pamamagitan nito mababantayan ang ovulation at malalaman kung kailan mataas ang posibilidad na ikaw ay mabuntis.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Cottonbro

Gamot sa PCOS

Makakatulong din ang medication para tumaas ang tiyansa na magkaroon ka ng anak kahit na ikaw ay may PCOS. Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng prescriptions medications na makatutulong para mabalanse ang iyong hormones.

Ilan sa mga posibleng irekomenda ng iyong doktor ay ang mga sumusunod na gamot:

  • Birth control pills para mabalanse ang estrogen at testosterone levels sa katawan. Maaari itong ibigay ng doktor bago simulant ang fertility treatment.
  • Metformin naman ang kailangan para mabalanse ang insulin levels.
  • Clomid o clomiphene citrate naman ang makatutulong para mabalanse ang estrogen levels.
  • Para makapaglabas ng mas maraming egg cells ang ovary, makatutulong ang fertility medications.
  • Maaaring kailanganin mo ang fertility help o ang tinatawag na in vitro fertilization (IVF) para mabuntis kahit may PCOS.

Komplikasyon

Mahalagang magamot din ang iyong PCOS, nais mo mang magbuntis o hindi. Sapagkat mayroong mga health complication na kaugay ang pagkakaroon ng PCOS. Kung hindi malulunasan ang PCOS, maaaring tumaas ang tiyansa na magkaroon ka rin ng iba pang mga kondisyon sa kalusugan tulad ng:

Kaya naman, mahalagang kumonsulta sa inyong doktor kung mapuna ang ano mang sintomas ng PCOS.

 

Karagdagang impormasyon sinulat nina Jobelle Macayan at Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

theAsianParent