Ang dalawang pagkakamali ng magulang kung bakit hindi natutulog nang maaga ang bata

lead image

Narito ang pagpatulog mistakes na iyong ginagawa sa iyong anak at mga steps paano ito maitatama.

Paano magpatulog ng baby o ng iyong anak ng tama? Ito ang tanong ng marami sa ating mga magulang. Dahil maliban sa tuwing tulog lang ang ating anak tayo nakakagawa ng mga gawaing bahay, ito rin ay maganda para sa kanilang kalusugan.

Malamang ay may routine ka ng ginagawa sa pagpapatulog ng iyong anak? Ngunit, ayon sa isang sleep psychologist, maaring ang ginagawa mong routine ay mali. At mas nagpapahirap lang sa iyong anak na makatulog ng maayos lalo na sa gabi.

paano magpatulog ng baby

Image from Freepik

Two common mistakes sa pagpapatulog ng baby o bata

Ayon kay Dr. Lynelle Schneeberg, isang pediatric sleep psychologist at assistant professor sa Yale School of Medicine ay may dalawang common mistakes na ginagawa ang mga magulang sa tuwing magpapatulog ng anak. At imbis na matulungan ang mga batang makatulog ng maayos, ay mas pinapahirapan pa daw ng dalawang routine na ito na makakuha ng good night sleep ang mga bata.

Ang unang pagpapatulog mistake na tinutukoy ni Dr. Scheneeberg ay ang paghiga o pagtulog sa tabi ng iyong anak hanggang siya ay makatulog.

Isa ito sa mga style ng pagpapatulog ng karamihan sa ating mga magulang. Dahil sa ganitong paraan ay nasisiguro ng ating anak na hindi tayo aalis sa tabi nila. Ngunit, hindi mo ba napapansin na sa tuwing wala ka sa tabi niya ay nagigising agad siya at hindi na makakakuha ng maayos na tulog na kailangan niya?

Ayon kay Dr. Scheneeberg, ito daw ay dahil nasanay siya na nasa tabi ka niya tuwing siya ay natutulog. Kaya naman sa oras na wala ka na ay agad na hahanapin ka niya. O kaya naman kapag wala ka para tabihan siya ay mahihirapan na siyang makatulog ng mag-isa.

Ang pangalawang pagpapatulog mistake naman ay ang pagbibigay sa mga extra request ng iyong anak bago siya matulog. Tulad ng isang pang bedtime story, isang bedtime snack o kaya naman ay isang hug o kiss mula sa iyo bago niya ipikit ang kaniyang mata.

Ayon kay Dr. Scheneeberg, hindi daw tinuturuan ng pagpapatulog style na ito ang mga batang makatulog ng maaga at ng maayos. Sa halip ay mas nagigising at active pa sila. Ito ay dahil sa pag-iisip na makakakuha sila ng reward sa tuwing sila ay gising at hihirit ng extra request pa.

Paano magpatulog ng baby o bata ng tama

Malamang, ang susunod mong tanong e paano magpatulog ng baby ng tama? Narito ang mga sagot at pagtatama ni Dr. Scheneeberg sa dalawang pagpapatulog mistake na ito.

Una ay siguraduhin daw na may maayos, komportable at consistent na bedtime routine ang iyong anak. Bigyan din ng clear endpoint ang routine na ito tulad ng isang kiss sa kaniyang noo o cheek. At iwan siya habang siya ay gising pa o hayaan siyang makatulog ng mag-isa.

Puwede mo din siyang hayaang magbasa ng libro o maglaro hanggang siya ay antukin sa kaniyang kama.

Kung ang iyong anak naman ay nasanay na tatawagin ka o hihirit ng request bago matulog ay bigyan siya ng bedtime tickets. Ang mga bedtime tickets ay maari mong gawin bilang pamalit sa isa o dalawang final request ng iyong anak. Dapat ang mga tickets na ito ay quick request lang at nag-eexpire sa loob ng 5 minuto. Ipaliwanag sa kaniya na kapag naubos niya na ang tickets niya sa kada gabi ay dapat na siyang bumalik sa pagbabasa o paglalaro hanggang sa makatulog siya ng mag-isa.

At kung hindi naman magamit ang ticket ay ipaliwanag din sa kaniya na ito ay may kapalit na reward pagkagising niya sa umaga. Sa ganitong paraan ay gagawin niyang isang game ang pagtulog na makakatulong sa kaniya na pag-aralan itong gawin at makasanayan ng mag-isa.

Source:

Psychology Today

Photo:

Children’s Health

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner