Paano makaiwas sa tukso, ito ang dapat gawin ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Bakit may asawang nagloloko?
- Dapat gawin kung paano makaiwas sa tukso sa relasyon.
Bakit may asawang nagloloko?
Image by Drazen Zigic on Freepik
Ang cheating o pagloloko ang isa sa nangungunang dahilan ng pagkasira ng isang pagsasama. Ayon sa pag-aaral, ang madalas nga na nagloloko sa isang relasyon ay ang mga lalaki. Ang number one na dahilan nila kung bakit ito nagagawa ay dahil sa hindi naibibigay sa kanila ng kanilang misis o partner ang sexual satisfaction na kanilang hinahanap.
Habang ang mga babae namang nagloloko ay mayroon ring dahilan. Ito ay ang hindi nila nararamdaman sa kanilang partner ang emotional attachment na kailangan nila. Ito ay ayon sa isang psychology professor na si Gurit Birnbaum mula sa Reichman University, Herzliya, Israel.
Base naman sa isang pag-aaral na ginawa sa 495 na indibidwal, may walong key reasons kung bakit nagloloko ang isang tao. Ito ay ang anger, self-esteem, low commitment, gustong tumikim ng iba, lack of love, neglect, sexual desire at dahil narin sa isang sitwasyon o circumstance sa kanilang relasyon.
Ang mga nabanggit na dahilan ang nagmo-motivate umano sa isang tao na magloko. Ito rin ang nakakaimpluwensiya kung gaano katagal ang cheating na ginagawa ng isa sa magkapareho. Kung gaanong investment both emotional at time ang iuukol nila sa pagloloko at kung mauuwi ito sa tuluyang pagkasira ng kanilang kasalukuyang relasyon.
Paano makaiwas sa tukso sa relasyon? Dapat gawin
Image by pressfoto on Freepik
Pero ayon sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Birnbaum, may paraang kung paano makaiwas sa tukso ang mag-asawa kung gugustuhin nila. Ito ay sa pamamagitan ng pag-practice ng empathy sa relasyon.
Paano ito magagawa?
Paliwanag ni Birnbaum, magagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mag-asawa sa sitwasyon ng mister o misis nila. O ang pag-iisip na kung ano kaya ang mararamdaman nila kung sila ang malalagay sa sitwasyon at makakaranas ng pangloloko.
Ito umano ang natuklasan ng pag-aaral na ginawa ni Birnbaum sa 408 na lalaki at babae na edad 20-47 years old.
Maliban pa nga raw sa naiiwasan ang cheating, ay mas nagiging committed pa raw ang magkarelasyon kung ipa-practice nila ang empathy sa kanilang pagsasama.
Nababawasan daw sa tulong nito ang sexual at romantic interest ng magkarelasyon sa iba. Kaya naman ang resulta nito napipigilan silang gumawa ng mga behaviors na maaaring makasakit sa kanilang kapareho at makasira ng relasyon.
Dagdag pa ni Birnbaum, ang paglalagay ng magkapareho sa perspective ng kanilang partner ay nagiging dahilan para ma-prioritize nila ang nararamdaman nito.
Nabibigyang pansin din nila ang kung ano bang kailangan at gusto nito. Ito ay nagreresulta ng satisfaction sa relasyon. Naiiwasan ang temptasyon o tukso na madalas na nauuwi sa cheating o panloloko.
Sa ganitong paraan din ay mas tumitibay ang bonding ng magkarelasyon. Mas madaling naiintindihan ng magkapareho ang isa’t isa. Naiiwasan ang disagreements at mas nagiging smooth lang ang relasyon.
Ito raw ang isa sa sikreto sa pagkakaroon ng matibay na pagsasama na hindi basta mabubuwag ng temptasyon o tukso sa iba.
Paano mas mapatibay ang pagsasama?
Image by Drazen Zigic on Freepik
Samantala, maliban sa pagkakaroon ng empathy, ang iba pang dapat gawin ng mag-asawa para mapatibay ang relasyon nila ay ang sumusunod:
Kaibiganin ang iyong asawa.
Hindi naman kailangang maging bestfriend mo ang iyong asawa. Pero kailangan mo siyang ituring na kaibigan na iyong pagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng iyong problema.
Ito raw ay mas magpapagaan ng loob ninyo sa isa’t isa. Sa ganitong paraan ay mas naiintindihan ninyo rin ang isa’t isa na mas magtutulak sa iyong mag-adjust sa mga pagkakataong mayroon kayong hinaharap na problema.
Magkaroon kayo ng engage at honest conversations sa isa’t isa.
Sa pag-uusap na ito ay hindi lang dapat basta ugali ng isa’t isa ang ipinupunto ninyo. Kasama na rin dito ang mga gusto ninyo at ayaw sa pakikipagtalik.
Ito ay para maibigay ninyo ang needs at wants ng isa’t-isa na hindi kayo magkakasamaan ng loob o wala ni isa sa inyo ang kailangang ma-kompromiso ang gusto.
I-respeto ang mood at perspectives sa buhay ng iyong asawa.
Nobody’s perfect, ganoon rin sa pag-aasawa. May mga qualities na maaaring makita mo sa iba na wala sa iyong asawa. O may mga paniniwala siya na maaring salungat ng sa ‘yo o hindi ninyo napagkakasunduan.
Pero hindi dapat maging dahilan ito para mabawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. Sa halip, dapat ay i-respeto ito at huwag iparamdam sa kaniya na hindi siya ang lalaking pinapangarap mong makasama.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maaring gawin ng mag-asawa para mas mapatibay pa ang kanilang pagsasama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!