Napag-alaman ng mga eksperto na mas sumasaya pala ang relasyon kung mas madalas magtalik dahil sa maraming benepisyo nito sa mental, physical, at emotional health ng tao.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mas madalas magtalik, mas happy ang relationship ayon sa experts
Mas madalas magtalik, mas happy ang relationship ayon sa experts
Kaliwa’t kanan ang benepisyong maaaring ihatid ng sex sa magkarelasyon in terms pf physical, pyschological, at iba pang health factors. | Larawan kuha mula sa Pexels
Maraming bagay ang nakakapagpasaya sa relasyon, maaaring ang pagiging loyal, caring, at loving ng iyong partner. Bukod sa saya, may isang bagay na nakapagbibigay both ng happiness at spice sa magkasintahan — ito ay ang pakikipagtalik.
Pakikipagtalik ang isa pang way to show your partner that you love him or her. Kumbaga ito ang most intimate bonding ng mga magkakarelasyon para maramdaman ang init ng kanilang pag-iibigan. Bagaman maraming relasyon ang nagsu-survive nang wala ito pero mahalaga rin itong parte ng pagsasama dahil sa fulfillment na maaaring ibigay nito sa magkasintahan.
Sa ilang pag-aaral ng experts, nalaman nila na kaya mas nagiging masaya ang relasyon dahil sa iba’t ibang benepisyo na mayroong ang pakikipagtalik.
Many benefits of sex in the relationship
Regular sex maganda para sa mas masaya at healthy na relasyon payo ng mga eksperto | Larawan kuha mula sa Pexels
Physical
Dahil nga sa kumikilos halos ang buong kaganapan sa pakikipagtalik, marami ang maaaring maging tulong nito sa katawan ng tao. Ilan sa kabilang dito ay:
- Mas nagkakaroon ng healthy physical fitness. Hindi alam ng karamihan na isang porma rin ng exercise ang pakikipagtalik. Halos katumbas rin daw ito ng moderate na physical activities. Nakakapagtunaw rin ng halos 200 calories ang 20-30 minutes ng pakikipag-sex. Ang mga galaw rin kasi sa pakikipagtalik ay nakakapag-tighten at tone ng abdominal at pelvic muscles. Lalo na sa kababaihan na maaaring ma-improve rin ang kanilang bladder control.
- Nakakapagpalakas ng immune system. Ayon sa experts, ang regular sex daw ay nakakapagpababa ng tsansa sa pagkakaroon ng cold o flu.
- Maganda para sa brain function. Malaking factor rin daw ito para i-improve ang cognitive function at growth ng mga bagong brain cells.
- Nakakatanggal ng ilang pain levels. Ang endorphins na nailalabas ng sex at nagpo-promote ng sense of well-being at calmness na maaaring makabawas sa sakit na dala ng migraine at back pain.
- Nakakabawas sa period cramps. Dahil sa nama-massage nito ang katawan ng babae, maaari rin itong maging helpful lalo na kung nakakaramdam ng pananakita ng puson sa tuwing nireregla.
- Nakakapagpataas lalo ng libido. Ang frequent sex din daw ay nakakapagbigay ng factor sa pagtaas ng libido dahil sa better vaginal lubrication.
Psychological
Nalaman ng researchers na maganda rin ang pagsesex sa psychological factor ng tao. Narito ang mga sumusunod na benepisyo:
- Pagpapataas ng self-esteem at self-confidence ng tao. Sa pakikipagtalik, maaaring mabawasan nito ang pakiramdam ng pagiging insecure sa katawan dahil sa pagkakaroon ng someone na gusto siyang makasama at maramdaman. Kaya nga way ito para sa positive na perceptions ng tao sa kanyang sarili.
- Nakakapag-build ng bond between partners. Tuwing nagse-sex, maraming brain chemicals ang narerelease dahilan upang mabawasan ang pakiramdam ng pagiging depressed at iritable. Isa na sa nari-release ay ang oxytocin kung saan nakakatulong upang makaramdam ang isang tao ng sense of calmness at contentment.
- Nakakabawas ng stress. Malaking tulong din ang sex sa pagbabawas ng stress response hormones gawa na lamang ng cortisol at adrenaline.
Ilan lamang ito sa maraming bagay na beneficial para sa magkakarelasyon dahil sa sex. Ito rin ang mga dahilan kaya raw maaaring maging dahilan ang pagtatalik upang maging mas happy, fulfulling, at content ang partner kung sila ay may regular sex.
Sa kabila nito, maaaring marami nga ang benefits nitong kayang ibigay sa couples pero marami ring bagay ang maituturing na helpful para sa kanila. Kayang-kaya pa rin naman panatilihin ang matibat at healthy na relasyon sa iba pang intimate na pamamaraan lalo kung hindi pa handa ang partner para sa pakikipagsex.
There are many non-sexual ways to try other than sex to make your relationship more intimate | Larawan kuha mula sa Pexels
Narito ang ilan sa non-sexual ways na maaaring i-try:
- Pag-cuddle habang nakaupo sa park, namamasyal o kahit sa nanonood lamang ng palabas sa bahay.
- Paggawa ng mga bagay na pareho ninyong gusto tulad ng pagkanta, pagluluto, o anumang hobbies.
- Pagbibigay ng madalas na paghalik at pagyakap lalo na kung nakakaramdam ng pagod o stress.
- Paghahawak ng kamay habang naglalakad o namamasyal.
- Pagkakaroon ng “us time” na kayong dalawa lamang ang magkasama at nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!