Napakalaking adjustment mula sa pagiging mag-asawa at ngayon ay magulang na. Ang mga unang linggo matapos ipanganak si baby ang pinakamahirap. Andiyan ang pag-palit ng diapers, pagpapadede, at ang pinaka-challeging— paano makatulog ng mahimbing ang baby!
Ang sabi nila, “Sabayan mo matulog ang baby mo.” Pero kadalasan kapag tulog si baby, iyon lang ang panahon mo para maka-ligo, makakain, at mag-banyo. By the time na matapos ka sa mga gawaing bahay at gusto mo nang matulog, gising na ulit si baby. Wala ng panahon para makapagpahinga.
Kaya naman viral ngayon ang isang video na ginawa ng isang nurse at bagong mommy na si Le Thi Anh. Pinapakita niya rito ang isang trick na natutunan niya kung paano makatulog ng mahimbing ang isang newborn.
“Sleep pillow” gamit ang tuwalya
Sa viral video, ipinakita ni Nurse Le Thi Anh kung paano i-rolyo ang tuwalya para maging isang “sleep pillow” o “baby nest” na nakakatulong para mas mahimbing at mas matangal ang tulog ni baby. Marahil ay gumagana ang trick na ito dahil naaalala ni baby ang kaniyang comfy na “bahay” sa loob ng tiyan ni mommy.
https://www.facebook.com/anh.lethi.18/videos/1349059871904880/
Mga dapat tandaan:
- Konsultahin muna ang iyong pediatrician bago gamitin ito para magpatuog ng baby.
- Siguraduhin na bantayan ang bata habang natutulog dahil baka ma-suffocate siya ng tuwalya kapag gumalaw ito habang natutulog.
- Subukan lamang ito sa mga bata na hindi pa marunong rumolyo o mag-roll.
- Back is best—pinaka-safe pa rin na sleeping position para sa mga baby ang nakatihaya.
- Wala dapat ibang gamit sa kuna o kama ni baby. Tanggalin ang mga kumot o unan na puwedeng maka-suffocate sa kaniya habang siya ay natutulog.
Step-by-Step guide kung paano ito gawin
Step 1
Kumuha ng malaki at malambot na tuwalya na may sukat na 120cm x 60cm. Importante na malambot ang tuwalya para hindi magasgas ang skin ni baby. I-rolyo ang tuwalya na parang hotdog.
I-rolyo ang tuwalya
Step 2
Ilagay si baby sa kaniyang tagiliran. Ilagay ang gitna ng naka-rolyong tuwalya sa puwang ng kaniyang mga binti. Kunin ang dulo ng tuwalya at i-align ito sa likod ng bata. Ang kabilang dulo naman ay dapat naka-align sa harap ni baby.
Step 3
Ilagay ang tuwalya sa gitna ng dalawang braso ni baby na tila niyayakap niya ito. Marahang i-tuck-in ang magkabilang dulo ng tuwalya sa ilalim ng ulo ni baby na parang nakahiga siya sa unan.
Siguraduhing naka-rolyo ng mabuti ang tuwalya para hindi ito kumalas habang natutulog si baby. Siguraduhin din na hindi ito humaharang sa mukha o humaharang sa pag hinga ng bata.
Step 4
Kapag naka-posisyon sa si baby sa “sleep pillow niya,” haplos-haplusin ang kaniyang likod hanggang makatulog ito.
Isinaling mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza mula sa artikulong:
https://sg.theasianparent.com/newborn-sleeping-tricks
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!