#AskDok: Paano malalaman kung bukas na ang cervix at malapit nang manganak?

Malapit na ba ang due date mo, Mommy? Narito ang mga senyales na bukas na ang cervix at malapit ka nang manganak!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Excited ka na bang makita si baby? Alamin kung nalalapit na ang araw na iyon. Narito ang sagot sa katanungang paano malalaman kung bukas na ang cervix ng buntis at handa na itong manganak.

Habang lumalapit ang iyong due date, napapansin mo na mayroong mga pagbabago sa iyong katawan na maaaring senyales na nalalapit na rin ang araw ng kapanganakan ni baby. Isa sa mga pangunahing senyales na nagsimula na ang labor ay kapag bumuka na ang iyong cervix.

Maraming mommies ang nagtanong sa ating TAP community, paano mo malalaman kung bukas na ang iyong cervix at malapit nang manganak?

Bago natin sagutin ‘yan, alamin muna natin ang ilang senyales na nalalapit na ang labor.

Walang makapagsasabi ng ganap oras ng pagsisimula ng labor. Pero dahil naghahanda na ang katawan sa panganganak, maaari mong mapansin unti-unti ang mga senyales na malapit na itong dumating.

Mga senyales na malapit ka nang manganak

Mababa na ang iyong tiyan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Tinatawag din na ligtening, ito ang pagbaba ng ulo ng iyong anak papunta sa birth canal. Nangyayari ito sa ikatlong trimester o ilang linggo bago ang due date.

Karamihan ng mga nakakaramdam nito ay mga first-time mom at hindi na masyadong napapansin ng mga babaeng nanganak na dati. Isang teorya rito: maaaring dahil alam na ng iyong katawan kung ano ang gagawin nito sa panganganak, kaya hindi na kailangan ang mahabang panahon para maghanda.

Contractions o paghilab ng tiyan

Kung nakakaramdam ka ng paninikip o paninigas ng ibabang bahagi ng iyong tiyan, maaaring nagsisimula na ang labor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng contractions ay isa sa mga unang senyales na malapit ka nang manganak. Pero kailangan mong bantayan at bilangin ang mga ito para masiguro na ito ay totoong labor at hindi false labor o Braxton-Hicks.

Sa totoong labor, nagsisimula ang sakit sa iyong likuran at umaabot hanggang sa iyong tiyan. Tumitindi rin ang paghilab at lalong sumasakit habang tumatagal. Mapapansin mo ring mas madalas ang paghilab at umiiksi ang pagitan ng contractions.

Kapag 5 minuto na lang ang pagitan ng iyong contractions at tumatagal ito ng mahigit isang minuto, oras na para pumunta sa ospital.

Pumutok na ang panubigan mo

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mararamdaman mo ang biglang pagbuhos ng tubig mula sa puwerta, na para bang naihi ka, pero sobrang dami o lakas ng agos, o ‘di kaya’y tuluy-tuloy lang ang pagdaloy ng tubig na hindi mo mapigilan.

Kadalasan, ang pagputok ng panubigan ang pinakamalinaw na palatandaan na manganganak na ang isang babae, subalit may mga pagkakataon ding hindi pumuputok ang panubigan.

Ang pagputok ng iyong amniotic sac o panubigan ang senyales na kailangan mo nang pumunta agad ng ospital.

Stages ng labor

Bago alamin kung paano malalaman kung bukas na ang cervix, pag-usapan muna natin ang iba’t ibang stages ng labor. Mayroong tatlong stage ng labor. Kapag nagle-labor, bumubukas ang cervix para mabigyan ng daan ang ulo ng baby patungo sa vagina ng mommy.

Kung dilated na ang cervix kasabay ng regular at masakit na contractions, ibig sabihin ay nasa active labor ka na at malapit nang manganak.

Narito ang iba’t ibang stage ng labor at mga dapat mong asahan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Stage 1

May dalawang bahagi ang stage na ito ng labor: ang latent at active phase.

Sa latent phase ng labor, hindi pa gaanong matindi at regular ang contractions na maaaring maranasan ng expectant mom. Kumbaga, nagwa-warm up pa ang cervix. Naghahanda na ang cervix sa paglabas ng bata.

Samantala, sa active stage naman ng labor, magsisimula ang regular na cervical dilation kada oras. Sa stage na ito, inaasahan ng doktor na unti-unti nang bumubukas ang iyong cervix sa mas regular na rate.

Iba’t iba ang haba at tagal ng labor kada babae. Karaniwang mas matagal ang pagle-labor kung ikaw ay new mom kompara sa mga nakapanganak na noon.

Stage 2

Kapag fully dilated na ang cervix ng buntis nang 10 centimeters, nasa second stage na ito ng labor. Unti-unti nang mare-reach ni mommy ang full cervical dilation o ang ganap na pagbukas ng cervix. Pero kahit ganap nang bukas ang cervix, hindi ito nangangahulugan na agad nang lalabas ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahan-dahan pa rin itong bababa sa birth canal. Kapag nasa tamang posisyon na ang baby ay unti-unti nang iire ang mommy para matulungan na makalabas si baby.

Katulad sa stage 1 labor, hindi rin magkakatulad ang mga babae ng oras o tagal ng pagdaan nito sa stage 2 ng labor.

May mga babaeng nagagawang ilabas agad ang anak sa loob lamang ng ilang minuto samantala, mayroon namang ilang oras ang inaabot bago tuluyang mailabas ang baby.

Maaari lamang umire kasabay ng bawat contractions. Pinapayuhan ding magpahinga ang mommy sa pagitan ng bawat contractions. Tinatayang nasa dalawa hanggang tatlong minuto ang pagitan ng bawat contractions.

Maaaring i-encourage ang buntis na magpabago-bago ng posisyon at magpahinga pagkatapos ng bawat contractions. Kapag naman hindi talaga mailabas ang baby sa pag-ire lang ng ina, maaaring irekomenda ang assisted vaginal delivery o paggamit ng medical instrument para matulungang mailabas ang bata.

Ilan sa mga medical instrument na ginagamit sa assisted delivery ay ang forceps at vacuum. Kapag naman hindi talaga kaya ng vaginal delivery ay irerekomenda ng doktor ang cesarean delivery.

Magwawakas ang ikalawang stage ng labor kapag nailabas na ang baby.

larawan mula sa Pexels kuha ni Isaac Hermar

Stage 3

Sa stage na ito kung saan ay nakalabas na ang baby, ay sunod namang ilalabas sa katawan ng mommy ang placenta.

Kapag nakalabas na kasi ang baby ay hindi na kailangan ng katawan ni mommy ang placenta kaya kailangan niya rin itong ilabas.

Tulad nang kung paano ilabas ang sanggol, inilalabas din ang placenta sa pamamagitan ng contractions. Karaniwang isang push lang naman ang kailangan para mailabas ng mommy ang placenta. Tinatayang umaabot sa lima hanggang 30 minuto ang stage 3 ng labor.

Samantala, tinatawag namang stage 4 ng labor ang postpartum recovery. Ito ang bahagi kung saan nailabas na ang baby at placenta, magco-contract ang uterus at unti-unting makakarecover ang katawan ng mommy.

Paano malalaman kung bukas na ang cervix?

Sa panahon ng iyong pagbubuntis, mahalaga na maging matigas at sarado ang iyong cervix dahil pinoprotektahan nito ang sanggol sa iyong uterus.

Habang tumatagal, unti-unti itong lalambot para paghandaan ang oras ng panganganak.

Ang pagbuka ng cervix ang pinakapangunahing sensyales na nagsisimula na ang labor. Kadalasan, hinihintay ng mga OB-GYN na maging fully-dilated ito at umabot ng 6 cm pataas bago magsimula ang pangalawang stage ng labor – ang paglabas ni baby sa iyong katawan.

Pero ano nga ba ang mabisang paraan para malaman kung bukas na ang cervix?

Ayon kay Dr. Maria Theresa Lopez, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang tanging paraan para makumpirma kung nakabukas na ang cervix ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng internal examination o IE. Tanging ang iyong OB o isang certified medical professional ang maaring gumawa nito.

 “You have to go to your OB to do that. It is only by doing a proper internal examination that you could check if your cervix is opening or not.” aniya.

Subalit kung matagal pa ang iyong due date at iniiwasan munang magsimula ang labor, nirerekomenda rin ng mga doktor na sumailalim sa vaginal ultrasound.

“Sometimes, for those who are in preterm labor, and then you dont want to induce- kasi when we do internal examination it induces labor, so some obstetricians would actually elect to do a vaginal ultrasound to look at that cervix. Para lang makita kung how long pa o kung bukas na ba.” paliwanag ng doktora.

Bagamat IE o ultrasound lang ang makakapagkumpirma na bukas na ang cervix ng buntis, mayroon namang senyales na pwedeng bantayan.

Mga senyales na bukas na ang cervix

Ayon kay Dr. Lopez, kapag lumakas ang nararamdamang contractions, at makaranas ng pagdurugo o vaginal bleeding, maaaring ibig sabihin nito na bukas na ang cervix.

The contractions o ‘yong pain, that’s one that can lead up to the opening of your cervix. There is also some bleeding kasi nagbi-bleed kasi ang cervix sometimes kapag iyan ay bumubuka.” aniya.

Isa pang senyales na pwedeng abangan ang pagkatanggal ng mucus plug, o tinatawag ring bloody show. Ang mucus plug ang pumoprotekta sa cervical canal kapag hindi pa panahon para mag-labor.

Some moms would even notice the mucus plug na sinasabi natin. It’s a very thick mucus na parang sipon na yellowish pa siya ng konti saka madami siya.” paglalarawan ni Dr. Lopez.

Kapag malapit na ang iyong due date at naramdaman ang mga sintomas na ito, pumunta na sa ospital o tumawag sa iyong doktor.

Kung malayo pa naman ang due date pero nakaranas ng mga ganitong sintomas, tumawag agad sa iyong doktor dahil baka ikaw ay nakakaranas ng preterm labor.

 

Larawan mula sa Freepik

Mga paraan para mapabilis ang pagbukas ng cervix

Habang kasama sa labor ang paghihintay, may mga sitwasyon na kailangan nang makialam ng doktor para mapabilis ang proseso ng panganganak.

Masaring kailangan na ng medical intervention kung:

  • mayroong impeksyon sa uterus ng buntis.
  • lagpas na ng 2 linggo mula sa due date, at hindi pa nakakaranas ng sintomas ng active labor.
  • pumutok na ang panubigan, pero walang contractions.
  • iba pang medikal na kondisyon na maaring maglagay sa buhay ng mag-ina sa peligro.

Sa mga ganitong pagkakataon, maaaring maglagay ang iyong doktor ng gamot na mag prostaglandin para mapalambot ang cervix at bumuka ito.

Mayroon ding proseso na tinatawag na membrane stripping kung saan hinihimas ng doktor o midwife ang amniotic sac para maglabas ng prostaglandin ang uterus at matulungang bumukas ang cervix.

Mga natural na paraan na pwede mong subukan:

Kung gusto mo naman ng isang natural birth, maaring subukan ang ilang bagay na ito sa iyong bahay para bumuka ang iyong cervix.

  • Maglakad-lakad sa palibot ng iyong bahay

Pwede mo ring subukang magpalit ng posisyon. Ang bigat ni baby ay nagbibigay ng pressure sa cervix at nakakatulong para bumuka ito.

  • Umupo sa isang exercise ball o birthing ball

Siguruhin lang na may taong nakaalalay sa ‘yo para makaiwas sa aksidente.

  • Mag-relax

Ang stress at muscle tension ay nakakasagabal sa pagbuka ng cervix. Subukan mong magpahinga o magpractice ng iyong breathing exercises. Pwede mo ring kausapin ang iyong partner para mapalagay ang iyong isip.

  • Sex

Makakatulong ang pakikipagtalik para ma-relax ang iyong katawan. Bukod dito, ang semilya ng isang lalaki ang mayroong prostaglandin, isang hormone na nakakatulong para bumuka ang cervix.

Subalit bago subukan ito, tanungin muna sa iyong doktor kung ligtas na makipagtalik sa estado ng iyong pagbubuntis.

Huwag mag-aalinlangang tumawag o magtanong sa iyong doktor, lalo kung nakakaramdam na ng mga nabanggit na sintomas sa ika-37 na linggo ng pagbubuntis.

Hayaan mo nang masabing makulit ka, basta’t sigurado ka na ligtas ang pagbubuntis mo. Ang isang magaling na doktor ay hindi nag-aatubiling sumagot sa mga tanong o magpayo sa kanyang pasyente.

Tips sa postpartum recovery

Matapos na tuluyang bumuka ng cervix at mailabas ang sanggol at placenta, ang kailangan mo namang harapin ay ang postpartum recovery.

Narito ang ilang mga tips na maaari mong subukan para maging healthy ang iyong recovery:

  • Uminom ng postnatal vitamins habang ikaw ay nagpapasuso. Matutulungan nito ang iyong katawan na mabawi ang mga nutrients na nawala nang ikaw ay nagbubuntis. Makatutulong din ito para masuportahan ang iyong katawan habang nagpapahilom mula sa panganganak.
  • Mag-ehersisyo kapag puwede na. Makatutulong ang core strengthening exercise para muling mapalakas ang iyong abdominal muscles at torso.
  • Kapag may approval na mula sa iyong doktor na maaari ka nang makipagtalik ulit kay mister, ay puwede nang maging active muli ang sex life. Tiyakin lang na gawin ito kapag komportable ka nang makipag-sex ulit. Mahalaga ring gumamit ng vaginal lubricant kung kinakailangan.
  • Para naman sa stretch marks, puwede mong pahiran ito ng retinoid cream. Mas makabubuting pahiran na agad ng retinoid cream ang stretch marks habang hindi pa ito namumuti. Makatutulong ang nasabing cream para mabawasan ang appearance ng stretch marks sa balat.
  • Humingi ng tulong sa iyong mga kapamilya o kaibigan sa mga gawaing bahay. Iwasan muna ang mga mabibigat na gawain para hindi mabinat at maging madali ang postpartum recovery. Mahalaga ang support system sa panahong ito para matutukan mo rin ang pag-aalaga sa sarili at kay baby.

 

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.