#AskDok: Totoo bang malalaman kung buntis ang isang babae sa pamamagitan ng pulso?

Posible nga ba talaga ito? Alamin dito ang sagot sa tulong ng isang duktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano malalaman kung buntis sa pamamagitan ng pulso? Narito ang sagot ng isang duktor tungkol dito. Pati na ang kaniyang payo sa kung paano nga makakasigurado na siya nga ay nagdadalang-tao.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sagot ng doktor patungkol sa kung malalaman ba sa pamamagitan ng pulso kung buntis ang babae
  • Mga palatandaan sa pagdadalatang-tao

Paano malalaman kung buntis sa pamamagitan ng pulso?

People photo created by freepik – www.freepik.com 

Para sa mga matatanda, isa sa sinasabing palatandaan ng pagdadalang-tao sa mga babae’y ang mabilis na pulso. Nariyan na kapag nakita na nila ang mabilis na pulso sa gitna ng leeg ay masasabi na nila na buntis ang isang babae. Para sa OB-Gyne na si Dr. Kristen Cruz-Canlas, may bahagyang katotohanan ito. Dahil kapag buntis ang isang babae’y mas nagpa-pump ng mas maraming dugo ang kaniyang katawan para sa nagde-develop na sanggol.

Paliwanag niya, habang nagbubuntis ang isang babae mas dumarami ang blood volume nito ng 30-50%. Sinasabayan ito ng pagtaas ng cardiac output at pagbilis ng heartbeat ng 10-20 beats per minute o 25% na mas mabilis kumpara sa normal. Pero paglilinaw ni Dr. Canlas, ang pagbabago sa pulso ay hindi reliable na paraan para masabing buntis ang isang babae. Dahil ang mabilis na pulso, hindi sa lahat ng oras  ay kaakibat na agad ng pagbubuntis. Maaaring ito’y epekto ng pag-iehersisyo o kaya nama’y dahil sa isang sakit na umaapekto sa daloy ng ating dugo.

Reliable na paraan upang matukoy kung buntis talaga ang isang babae

Dagdag pa niya, hindi rin basta-basta dapat i-assume na ang babae’y buntis dahil sa pagbabago na nararanasan niya sa kaniyang katawan. Kahit na ang positive test result na lumalabas sa mga pregnancy test kit na maaari nating isagawa sa bahay. Dahil paliwanag ni Dr. Canlas may 3 classifications ang mga signs at symptoms ng pagdadalang-tao.

“Mayroong signs and classifications ng pregnancy. Mayroon tayong presumptive signs, probable signs at positive signs. Ang mga presumptive signs, ito ‘yung feel mo lang na buntis ka pero hindi talaga. Puwede siyang ibang reason. Ang probable ito ‘yung puwedeng nakikita ng ibang tao tulad ng malaki ang tiyan at nagbabagong itsura ng balat. Positive pregnancy test probable sign lang ‘yun. Kasi hindi lahat ng pregnancy test kit ay reliable. Malaki ang chance pero hindi pa rin sigurado.”

Ito ang pahayag ni Dr. Canlas. Dagdag pa niya, may tatlong siguradong paraan lang para masabing buntis ang isang babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tatlo lang ang sure way na malaman kung buntis ang isang babae. Ito ay ang present of heart tones ng baby. Na-feel o narinig mo talaga na may heart tone. Second is sonologic findings o ultrasound na may baby sa tiyan. At pangatlo, na-feel mo ‘yung fetal movement.”

Ito ang pahayag pa ni Dr. Canlas. Kaya payo niya para makasigurado, magpa-konsulta agad sa doktor. Lalo na kung mararamdaman ang mga sumusunod na early o presumptive signs ng pagbubuntis.

Mga maagang palatandaan ng pagdadalang-tao

Woman photo created by freepik – www.freepik.com 

1. Fatigue o labis na pagkapagod.

Isa sa mga unang palatandaan ng pagdadalang-tao ay ang fatigue o labis na pagkapagod. Epekto ito ng tumataas ng hormone levels at sa dobleng pag-function ng katawan upang ma-suportahan ang nag-dedevelop na sanggol.

Ayon sa licensed midwife mula sa Los Angeles na si Jocelyn Brown, madalas itong mararamdaman sa loob ng ika-6 na linggo ng pagdadalang-tao. Sinasabayan din ito ng labis na pagiging antukin, pagkahilo at pagduduwal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis

Paano malalaman kung buntis sa unang linggo? Ito ang mga sintomas

4 na bagay na dapat gawin para sa healthy na pagbubuntis

2. Nausea.

Ang pagkahilo na sasabayan ng pakiramdam na pagduduwal na mas kilala sa tawag na nausea, ito ang unang palatandaan ng pagdadalang-tao. Kilala rin ito sa tawag na morning sickness na nagpapahirap sa isang buntis sa unang trimester ng pagdadalang-tao.

Dulot ito nang tumataas na level ng hCG hormones at progesterone sa katawan ng buntis. Ang pagtaas ng level ng mga hormones na ito’y nagpapabagal ng bowel movement ng buntis na nauuwi sa constipation at acid reflux.

3. Implantation cramping o bleeding.

Ang implantation cramping o bleeding ay madalas na nararanasan sa unang mga araw hanggang sa 2 linggo matapos ang implantation. Ito ang mga araw bago malaman ng isang babae na siya’y nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa California-based OB-Gyne na si Dr. Kerry Price, nangyayari ito dahil sa pagbabago ng level ng progesterone sa katawan. Kung ang lumalabas na dugo sa babaeng buntis ay kulay brown at walang kaakibat na sakit, ito’y normal. Subalit kung ang dugo ay bright red o mapulang-mapula na may kaakibat na sakit, mzaaring na itong palatandaan na ng miscarriage. Sa oras na makaranas nito ang isang babaeng nagdadalang-tao ay dapat agad na siyang magpunta at magpa-konsulta sa duktor.

4. Maya-mayang pagbabanyo o pag-ihi.

Ang maya-mayang pag-ihi ng isang buntis ay dulot din ng pagtaas ng hormonal levels sa kaniyang katawan. Ang pagtaas ng hormonal levels na ito’y nagdadala ng mas maraming dugo sa kaniyang kidney na ang resulta, mas napupuno ang bladder ng mas mabilis. Epekto nito ang maya-mayang pag-ihi. Kayo laging pinapayo ng mga doktor sa mga buntis, ugaliing uminom ng maraming tubig para manatiling hydrated.

5. Mood swings.

Dulot din nang pagbabago sa hormonal levels ng katawan ang nararanasang mood swings ng mga buntis. Ito’y normal. Maliban na lamang sa labis na depression o suicidal thoughts na kailangang agad ma-address ng isang doktor.

Photo by meijii from Pexels

6. Breast tenderness.

Ang paninigas at pananakit ng suso ay isa ring palatandaan sa pagdadalang-tao. Madalas itong nagsisimula sa ika-4 hanggang ika-6 na linggo ng pagbubuntis. Para maibsan kahit papaano ang sakit na dulot nito, mainam na iwasan munang mag-suot ng mga underwire bra.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

7. Pagiging sensitive ng pang-amoy o pag-ayaw sa ilang pagkain.

Maliban sa mga nabanggit na pagbabago sa katawan, may mga babae ring nakakaranas ng sensitivity sa pang-amoy sa simula ng pagbubuntis. Mayroon ring may biglang inaayawang pagkain. Mayroon din namang may hinahanap-hanap na pagkain. Ang stage na ito sa pagbubuntis ay tinatawag na paglilihi.

Muli, ang pagtingin sa pulso ng isang babae ay hindi reliable na paraan para masabing siya ay nagdadalang-tao. Mabuting magpa-konsulta sa duktor upang makasigurado. Para maibigay rin agad ang pangangalagang kailangan ng buntis at kaniyang sanggol.

 

Source:

MSD Manuals, Healthyway, Buntis, Healthline

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement