Panubigan ng buntis: Paano malaman kung may tagas ang iyong amniotic fluid?
Puwedeng makasama sa iyo at sa baby ang pagtulo ng amniotic fluid bago ka pa manganak. Alamin kung ano ang sintomas ng pagtulo ng panubigan ng buntis.
May mga moms na nalilito kung ihi pa ba ang tumutulo sa kanilang underwear o amniotic fluid na. Hindi nila ito matukoy dahil sa halos magkaparehong itsura ng panubigan ng buntis at ihi.
Paano nga ba malalaman ng moms kung nag leak ang panubigan niya?
Umaabot sa halos isang litro ang amniotic fluid sa panubigan ng buntis bago ito magsimulang mabawasan. Ang amniotic fluid ang nagpoprotekta sa iyong baby habang lumalaki ito sa loob ng iyong bahay-bata.
Mahalaga ang amniotic fluid, na naglalaman ng hormones, immune system cells, sustansya, at ihi ng iyong baby.
Talaan ng Nilalaman
Panubigan ng buntis: Paano malaman kung may tagas o nag leak ang iyong amniotic fluid?
Matapos ang ika-36 na linggo ng pagbubuntis, ang iyong fluid levels ay nababawasan habang naghahanda ang iyong katawan sa iyong panganganak.
Sa iyong ultrasound bago manganak, magbibigay ng taya ang doktor kung gaano karami ang amniotic fluid sa panubigan ng buntis. Sa panahong ito, posible nang magsimulang tumulo ito.
Kung labis na ang dami ng tumutulong amniotic fluid, ito ay tinatawag na oligohydramnios. Maaari ring bumuhos ang tubig kung pumutok na ang amniotic sac o panubigan.
Maaaring mahirap masabi kung tumutulo ang iyong panubigan.
Ano ang normal na dami ng amniotic fluid sa panubigan ng buntis?
Dumarami ang amniotic fluid sa iyong panubigan habang tumatagal ang iyong pagbubuntis. Pinakamarami ito bandang ika-36 linggo. Pagkatapos nito, unti-unti na itong mababawasan.
Ang fluid levels sa loob ng iyong pagbubuntis ay maaaring nasa:
- 60 milliliters (ml) sa ika-12 linggo ng gestation
- 175 ml sa ika-16 linggo
- 400 ml hanggang 1.2L sa pagitan ng ika-34 at ika-38 linggo
Masusukat ng iyong doktor ang dami ng iyong amniotic fluid sa pamamagitan ng ultrasound. May dalawang paraang upang masukat ito, ang amniotic fluid index (AFI) o ang maximum vertical pocket (MPV).
Maituturing na mababa ang iyong fluid levels kung ang iyong AFI ay mababa sa 5 centimeters (cm) o ang iyong MPV ay mababa sa 2cm.
Itsura ng panubigan ng buntis
Kadalasan, malinaw o clear ang kulay ng amniotic fluid o itsura ng panubigan ng buntis. Pero, minsan ay maaari itong maging kulay dilaw tulad ng kulay ng straw.
Samantala, ang itsura naman ng panubigan ng buntis na nagkulay tinted brown o green ay pagkatapos paglalabas ng meconium ng fetus.
Ang meconium ay ang unang dumi ng fetus sa loob ng uterus. Delikado ang meconium sa amniotic kapag nalanghap ito ng fetus. Pwede itong magdulot ng komplikasyon tulad ng meconium aspiration syndrome.
Ano ang amoy at itsura ng panubigan ng buntis?
Generally, walang amoy o orderless ang itsura ng panubigan ng buntis o amniotic fluid. Kumonsulta agad sa iyong healthcare provider kung sakaling may mabahong amoy ang amniotic fluid. Pwedeng sanhi ng mabahong amoy na ito ng panubigan ang meconium o maaari namang may impeksyon.
Malagkit ba ang itsura ng panubigan ng buntis?
HINDI. Hindi malapot at malagkit ang itsura ng panubigan ng buntis. Kung makaramdam at makapansin ka ng malapot at malagkit na vaginal discharge, maaaring ito ay mucus plug. Isa rin ito sa senyales kung paano malalaman kung nag leak na o hindi pa ang panubigan.
Paano malalaman kung nag-leak ang panubigan?
Isipin na ang panubigan ng buntis ay parang lobo na may lamang tubig. Maaari itong pumutok at tumagas ang tubig (ito ang tinatawag na pumutok ang iyong panubigan).
Ngunit maaari ring magkaroon ng maliit na butas ang iyong panubigan. Puwede itong mauwi sa mabagal na pagtulo ng amniotic fluid.
May mga senyales kung paano malalaman kung nag leak ang panubigan ng buntis. Tulad ito ng pagbuhos o gushing at pagtulo o trickle ng maligamgam na tubig o fluid mula sa vagina.
Madalas na ito ay malinaw na fluid lamang at walang amoy. Pero, minsan naman ay maaaring makitaan ng trace ng dugo o mucus.
Kung ang tumutulong liquid ay amniotic fluid, malabong mabilis maitigil o makontrol ang pagtulo nito.
Paano malalaman kung nag leak ang panubigan?
Kung ikaw ay buntis, maaaring ang pakiramdam ay laging may tumutulo. Mas madaling mapuno ang iyong pantog, kaya maaaring tumulo ang iyong ihi. Ang tissue sa iyong vagina ay maaari ring gumawa ng extra fluid upang matulungan ang paglabas ng iyong baby.
Kaya naman mahirap malaman kung ang tumutulo ay ihi, vaginal fluid, o amniotic fluid.
Ang amniotic fluid ay:
- malinaw na may puti-puting flecks, at/o kaya ay may halong mucus o dugo
- walang amoy
- kadalasan ay nababasa ang iyong salawal
Kadalasan, ang ihi ay mayroong amoy, at ang vaginal fluid naman ay puti o dilaw ang kulay.
Isang paraan upang malaman kung ano ang tumutulo ay umihi at lagyan ng sanitary pad o panty liner ang iyong salawal. Matapos ang 30 minuto o isang oras, tingnan ang fluid na nasa pad.
Kung ito ay dilaw, maaaring ihi ito. Kung hindi, puwedeng ito ay amniotic fluid.
Isa ring paraan ay maglagay ng pad o panty liner sa iyong salawal, at i-hold ang iyong pelvic floor muscles, na parang nagpipigil ng ihi. Kung walang makitang fluid sa pad, maaaring ihi ang tumutulo.
Paano malalaman kung pumutok na o nag leak ang panubigan ng buntis?
Ilan sa mga pregnant na moms ay maaaring pumutok na ang panubigan sa period ng gestation ng buntis. Ang pumutok na panubigan ay mapapansin kung paano malalaman na ito ay amniotic fluid dahil ito ay malinaw, malabnaw at walang amoy.
Minsan, kung paano malalaman kung pumutok na ang panubigan ng buntis ay kung ang tumulong fluid ay kulay brown, green o dilaw.
Karaniwan na rin naman sa mga buntis ang mag-leak ang ihi. Kaya, ang iba ay nahihirapan kung paano malalaman kung nag leak o pumutok na ang panubigan ng buntis.
Isa sa kung paano malalaman kung pumutok ang panubigan at hindi ihi ay mag inspect ng underwear sa amoy at kulay ng fluid na tumulo. May unique na amoy ang ihi at mas madaling kontrolin kaysa nag leak na panubigan.
Risk factors ng pagtulo o nag leak ang panubigan ng buntis
Ang tumutulong amniotic fluid ay puwedeng maging delikado para sa iyo at sa baby. Habang pwedeng natural itong tumulo nang kaunti, pag marami ang nawala ay maaaring makasama.
Kung tumulo ang iyong amniotic fluid sa first at second semesters ay puwedeng magdulot ng komplikasyon tulad ng:
Sa iyong third trimester, ang mababang level ng amniotic fluid ay puwedeng mauwi sa:
- hirap sa labor, tulad ng pagkaipit ng umbilical cord, na maaaring makaapekto sa pagkuha ng oxygen ni baby
- dagdag na tiyansa sa pagkakaroon ng cesarean delivery
- pagkabagal sa paglaki
May iba’t ibang lunas para sa mababang dami ng amniotic fluid kung tumulo ang panubigan ng buntis. Kumonsulta sa doktor ukol dito.
Kailan dapat tumawag ng doktor kapag nakita ang itsura ng pumutok na panubigan ng buntis?
Tumawag sa doktor kung ang itsura ng pumutok na panubigan ng buntis ay tumutulong green-tinged o brownish yellow.
Maaaring ito ay dahil dumumi si baby sa loob ng bahay-bata. Maaari din itong magdulot ng komplikasyon sa kanyang paghinga pagkapanganak.
Tumawag din sa doktor kung napansin ang senyales kung paano malalaman na pumutok o nag leak na ang iyong panubigan. Tingnan ang kulay ng discharge. Malaki ang tiyansa na kailangan mo nang pumunta sa ospital.
Tinatayang ⅓ ng amniotic fluid ay napapalitan kada oras. Ang ibig sabihin ay hindi “matutuyo” si baby kahit tumutulo ang panubigan ng buntis.
Ngunit posibleng pumutok na ang panubigan kaya malapit na ang panganganak, o kaya naman ay may nakapasok na bacteria sa bahay-bata. Dahil dito, mahalagang humanap ng lunas kung sa tingin mo ay tumutulo ang iyong amniotic fluid.
Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- Polyhydramnios in Pregnancy: When there is too much amniotic fluid
- Olygohydramnios sequence: Sanhi, sintomas, at epekto sa pagbubuntis
- Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang